Chapter: 22

41 3 1
                                    

"Gaga ka!!"

Sabunot agad ang inabot ko kila Gabby pag pasok ko sa office ko.

"Why are you guys here?" Inilibot ko ang tingin ko, kumpleto sila eh, wala lang si Veron at si Kuya

"Makapag english parang di nag lasing ah? Hindi ka nag paalam kagabi" Hinila din ni Dana yung buhok ko

"Yung anit ko namumuro, Sorry naman..." Itinago ko yung ngiting namuo sa labi ko

"H-hoy! Kinikilig si gaga! May nangyari no? Kayo na?" Itinuro ni Isha yung mukha ko

"Wag mo nga akong igaya sayo! Kinilig lang sinagot mo na!" Hinawi ko yung kamay niya kaya binatukan niya ako

Grabe, matatangal yung ulo ko sakanila.
I shook my head before sitting to my swivel chair.

"Sinong nag bigay ng damit ko kay Enigo?" Tumaas ang kilay ko

Rule number 1, kung gusto mong maka iwas sa tanong nila sungitan mo.

"Ako bakit? Kung nalaman ko lang na hubo't hubad ka sa kama ng bebe mo hindi ko ibibigay yang suot mo no! Kaso naka dress ka daw na natulog. Bilang mabait mong kaibigan edi binigay ko" Proud na sagot ni Gabby kaya binato ko sakaniya yung ballpen na nasa desk ko

"Gabriella...." I glared at her

"Wag niyo ngang ibahin yung topic, babae! Hindi ka matawagan aba" Singit ni Dana

"Nasa E.R ako, kung alam ko lang na aalis ka ng party sana sumama nalang ako" Wika naman ni Clark

"Hayaan niyo nga si Blair. Tanda tanda na niyan" Si Kit naman ang nag salita

"Manahimik ka nga" Binatukan siya ni isha

"Wala ba kayong mga duty?" Tanong ko

Nagka tinginan naman sila bago sabay-sabay na nagsi-tayuan, nauna pang lumabas si kit. Pagka-alis nila ay naka hinga agad ako ng maluwag. Ayokong tanong sila ng tanong ang dadal-dal pa naman, mas sasakit lang ang ulo ko.

Nag charge na ako ng phone at nag bukas ng laptop para tignan ang schedule ko. Late ako kaya hindi na umabot sa rounds. Mag dadasal nalang ako na sana hindi makarating kay Doctor cohen, ayokong mapatalsik no.

"Dra.Villacin, ipinapatawag po kayo ni Dr.Cohen sa Office niya"

Speaking of...napa tingin ako kay Nurse ella na naka dungaw sa pinto.

"Bakit daw?"

"Hindi ko po alam doctora, pero mukhang high blood po" Ngumiwi siya

Napa masahe agad ako sa sintido ko,
Ito na nga ba sinasabi ko. Sana nag patuloy nalang sa pag leave si Dr.Cohen

Tumayo ako at sumunod na kay nurse ella.
Ire-ready ko na ang tenga ko. Sana pala bumili ako ng kape for offering, nakaka takot ang head doctor namin.

Naunang pumasok si Nurse Ella bago ako tawagin, pumasok na ako ng naka yuko bago iniwan na ako ni Nurse ella duon na ikina-kaba ko. Para akong pumasok sa bungad ng impyerno. Pinag pawisan ako bigla.

"Doctora Villacin, Late ka daw?" Tinaasan niya ako ng kilay habang hawak niya ang kanyang ballpen

"Doctor Cohen...Sorry po, OT nalang po ako ngayon" Bahagya pa akong napa-ngiwi dahil sa sinabi ko, baliw ka ba blair?
Suicide yan.

"As a Head of your department team, ikaw dapat ang nag sisilbing role model, Dra.Villacin. Ano nalang ang sasabihin ng ibang doctor diyan? Na kinukunsinte ka dahil anak ka ng chairman? O di naman kaya na ayos lang ma-late dahil pwede naman mag over time?" Tumalim ang tingin niya

The Ten Years : Fate (Breakable series#1)Where stories live. Discover now