Chapter: 17

48 2 0
                                    

Bandang 3:00 am na siguro kami naka uwi,
Hindi ko na nga pinansin si Enigo na nag paalam, Kay Gabby niya siguro sinasabi yon. Gaya nga nung plano sa bahay na namin dito sa pampanga kami nag stay ng gabi, Bukas after lunch babalik na kami ng manila. Napa tingin ako sa wall clock, 5:30am na ng umaga wala akong tulog i don't know why...Nag pagulong-gulong na ako sa kama pero wala talaga, gising na gising parin yung diwa ko. I glanced at the window inside my room, medyo maliwanag na sa labas. Bumangon ako at nag bihis tutal hindi naman ako maka-tulog mag j-jogging na lang ako.

Lumabas ako ng bahay, medyo malamig pa pero kaya naman. Nag play ako ng music sa airpods ko at nag simulang mag jog,
Maraming nag bago pero yung mga bahay ganun parin, It's been years since last na balik ko dito. Bumabalik pa kaya si Enigo dito? May binibisita pa kaya siya? Or nasa manila na din yung family niya?

Naka abot ako hangang sa plaza, naka bukas pa yung mga ilaw at wala pang tao.
Umupo ako sa isa sa mga benches at pinag-masdan yung plaza. Malaki ang pinag-bago pero natatandaan ko pa dati na dito din kami tumatambay nila gabby after school at dito din kami nag hihintayan tuwing may practice nuon sa cheerdance...
Ang saya sanang balikan kaso...
Wag na lang...

Napatigil ako sa pag-iisip nung tumigil yung paningin ko sa isang lalaking naka hoody na black di-kalayuan...Naka sandal siya sa pader at naka pikit? Tumayo ako para lapitan siya. Is he sleeping? I leaned closer to his face nang bigla siyang nag mulat ng mata kaya napa layo ako.

"Blair?"

"Hi?" Awkward akong ngumiti

"What are you doing here? pasikat pa lang yung araw"

Sumandal ako sa tabi niya

"Jogging" Simple kong sagot

Natahimik kami, walang nag sasalita.
Siya? wala ba siyang balak mag salita?

"Hindi na kita nakikita sa gym, ayaw mo yata talaga sa taekwondo" Biglang wika niya kaya napa tingin ako sakaniya

"I don't have much time" I shrugged my shoulders

"Hinihintay pa naman kita" Natawa siya

"You what?" Kumunot ang nuo ko

"Nakita ka daw nila Dale sa gym nung nakaraan" Pag iiba niya ng usapan

"Ah, yes. Your friend seems nice" Tumatangong pahayag ko

"Gusto mo?"

Mas kumunot ang nuo ko, Ang straight to the point naman nito mag tanong.

"No. I mean,..pwede, sana ang kaso..." I paused then look away

"Kaso?"

"May iba akong gusto" Tumingin ako sakaniya

"Sino?"

"Kilala mo" Napapa lunok na sagot ko

"Si Otis?"

"Hindi no!" Dipensa ko agad

Bat ba puro kaibigan niya tinatanong niya na gusto ko? Ayaw niya pangalan niya?

"Yung Kit? o yung kasama mo kanina sa reunion?"

"Si Clark? He's my friend"

"Hindi ko tinatanong"

Anong--?
Bastos to ah?

"Yung gusto ko? hindi ako gusto" Wika ko na lang

Hindi na siya nag salita, parang nuon...Ganito lang din kami mag usap...Kaso nabago nung umamin ako...

"Nag chat ka sa tweeter, Hindi ka marunong mag reply" Ako ulit ang nag salita

"Wala naman akong sasabihin" Simpleng sagot niya kaya natahimik na lang din ako

The Ten Years : Fate (Breakable series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon