Chapter: 15

39 3 1
                                    

Ano naman kung isasama niya si Anikha?
Batch mate mo din siya Blair! My ghad! Napa pikit na lang tuloy ako ng mata, Bakit ba pag tungkol sakanila ang big deal? Sige blair...Sige...Saktan mo sarili mo, Haist!
Natapos na ilagay yung T.V tutal bayad na naman lahat, Nag thankyou na lang ako at isinara na yung pinto.

"May shoot ka?" Tanong ko kay Veron na kabababa lang

"Mamaya pa, Let's go to the gym" Ani niya habang nag uunat

"Nag g-gym ka pala" I chuckled before drinking a glass of water

"Of course, Shower lang ako" Paalam niya bago umakyat ulit

Ang weird nun ah? I just entered my room and take some quick shower before changing my clothes into my workout clothes. Black tank top with grey sports bra and a black leggings. Hinanda ko yung extra clothes ko sa dala kong duffle bag.
I tied my hair in messy bun before going out to my room, Nasa taas pa si Veron kaya hinintay ko na lang siya sa living room.

Naalala ko na naman yung tweet ni Enigo...
Damn! What's the big deal? Napairap na lang tuloy ako sa kawalan.

"Blair, Let's go?" Wika ni Veron pagkababa niya

"Hindi ka ba pagkakaguluhan ng reporters niyan sa gym?"  Tanong ko habang na sa elevator kami

"Nah" Tanging sagot niya habang may ka text sa cellphone niya

Sasakyan niya na lang din daw ang gamitin, She's really weird today or its just me? Panay ang tingin sa cellphone eh.
Siya na din ang nag drive at habang papunta kami ay parang malalim ang iniisip niya, hindi naman siya ganiyan hayss hayaan na nga, Baka stress lang

"Pupunta pala kami ng Pampanga bukas, Do you wanna come?" Tanong ko dahil ang tahimik talaga namin

"I...I have some photoshoots eh" Mukang nag dadalawang isip pa niyang sagot

"Okay?" Tumango tango na lang ako

Should i ask kuya?...Nah, Busy siya ngayon sa hotel. Tama, Si Clark na nga lang talaga isasama namin ni Gabby

Nag park na siya at sabay na kaming pumasok sa loob. Inilapag namin yung duffle bag sa isang table bago ilabas yung yoga mat namin. She's wearing a black sports bra and a black leggings. We started to do some stretching pero napansin ko na may tinitignan siya di-kalayuan kaya napa tingin din ako duon.
Wait--

"Is that Dale and Otis?" I asked her kaya napa lingon siya saakin

"Y-yes, Lets greet them" Hinila niya ako bigla palapit duon sa dalawa

"Veron! Blair" Bati ni Dale

"Doctora, Hello Xierra! Sexy natin ngayon ah" Bati naman ni Otis kaya binatukan siya ni Dale

Napa tingin tuloy ako sa paligid,
Wala naman siguro dito si Enigo no?

"May hinahanap ka yata doctora?" Ngumisi saakin si Otis

"Ha? W-wala no, Buti nandito kayo?" Pag iiba ko ng topic

"Eto kasing si Dale biglang nag aya dito, Diko na naman kailangan ng gym" sagot niya saka sinulyapan ang kaibigan

"Si Veron din biglang nag yaya eh" I chuckled

"Let's go na nga, Please excuse us" Hinila na ulit ako ni Veron

"You're acting weird ah?" Komento ko bago matawa

"I'm not" Tanging sagot niya at nag patuloy sa strerching

I do the same thing, bago mag proceed sa abs work out ko. Buti na lang wala si Enigo for sure maiilang na ako pag nandito yun. dapat pala bumili na lang ako ng gym equipment para sa condo na lang ako mag workout. Mamaya mapag diskitahan nanaman akong turuan ni Enigo ng taekwondo eh hindi naman ako maka 'Hindi' dahil nakakahiya no!

The Ten Years : Fate (Breakable series#1)Where stories live. Discover now