Chapter: 26

36 2 0
                                    


Isa isang nagsi-lobohan ang mga hot air balloon, may mangilan ngilan din na naka sakay na. Samantalang nandito parin kami ni Enigo sa ilalim ng puno, nanunood...

"Tara" Tumayo siya at pinag-pagan
ang sarili at inalok ang kamay niya saakin para alalayan akong tumayo

Nag lakad kami palapit sa isa sa mga hot air balloon at kinausap niya yung nag aasikaso duon bago niya ako tawagin para sumakay. Pagtapak ko pa lang nanginginig na yung tuhod ko pero hindi ko na lang pinahalata. Takot ako sa heights!

Buti na lang hawak hawak ni Enigo yung kamay ko habang pataas kami ng pataas,
Naka pikit lang ako at humihinga ng malalim. Hindi ko yata kayang mag mulat...Nararamdaman ko yung hampas ng hangin sa mukha ko at yung init ng kamay ni enigo na naka hawak saakin.

"Bakit naka pikit ka?" Natatawang tanong niya, napa higpit tuloy yung kapit ko sa kamay niya

"Natatakot ako"

"Ang ganda kaya, Kasama mo ako dapat kinikilig ka at hindi natatakot"

Napa mulat tuloy ako ng wala sa oras,
Yung hangin na nararamdaman ko siguro kanina galing sakaniya no? Pero imbis na mainis ay napunta ang atensiyon ko sa paligid namin. Napapalibutan kami ng ibang balloons at kita ang papalubog na araw. Parang slow-motion ang nangyayari...umaayon ang takbo ng oras sa ganda ng paligid.

Iniiwas ko na lang sa ibaba ang tingin ko dahil natatakot talaga akong mahulog.

"Hindi ka naman mamamatay, bakit natatakot ka?" Tanong niya habang nasa malayo ang tingin

"Natatakot ako mahulog" Sagot ko, Totoo naman. Dalawa nga lang yung sinasabing kahulugan

"Hawak kita" Inangat niya yung kamay namin na kanina pa magka hawak kaya nag init ang pisngi ko, i heard him chukled

Hindi na lang ako nag salita at tinanaw na lang ang papalubog na araw, kinuha ko yung phone ko para picturan yon, palihim ko din na kinunan si Enigo habang naka side view. Pati side profile niya ang gwapo no? Ugali lang kasi medyo tagilid dito eh.
Buti na lang nag tangal siya ng mask at shades, tutal nasa itaas naman kami eh. Walang makaka-kita sakaniya.

Napabuntong hininga na lang ako.
Sana hindi na matapos tong araw na to.
At least make this day more longer...
I don't know what to feel...should I pity myself? Because after this past few years na pag hahangad ko na maging ganito kami kalapit ni Enigo ay sawakas nangyari din? Should I be grateful? Dahil nararamdaman ko ulit yung kilig na nararamdaman ko nuon? Or should i distance myself after this?

Pumikit ulit ako para salubungin ang
malakas na ihip ng hangin. Finally i'm with him...i enjoy being with him. Kahit isang araw lang. Kakalimutan ko muna na pagkatapos nito babalik ulit kami sa normal. Alam ko na yon, Proven and tested.

Dahil malapit na mag dilim ay bumaba na kami, malapit na din mag start yung concert. Ben & Ben at December Avenue pala ang may Live concert ngayon. I used to listen to their songs. It's good. Malungkot nga lang yung iba.

Standing lang ang panonood kaya pinili namin ni Enigo sa pinaka unahan, Naka suot na ulit siya ng mask kaya walang problema. Parami ng parami yung mga tao habang papadilim. Naka set up na yung stage at Ben & Ben daw ang unang mag pe-perform. Hindi ko maiwasang maexcite! Of course! This is my first time!
Buong buhay ko ay nasa Med school ako.
Sinong may time para sa concert?

Nagsimulang mag hiyawan yung mga tao nung mag start na, ako ay nag hihintay lang sa mangyayari. May mangyayari?
What the hell blair? Malay ko ba kung dapat maki hiyaw din ako diba?
Tahimik lang si Enigo eh.

"Ang una po naming kakantahin ay tungkol sa isang tao na mayroong intense na nararamdaman para sa isang tao pero nag dadalawang isip kung aamin ba siya o hindi"

The Ten Years : Fate (Breakable series#1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang