Chapter: 05

57 6 1
                                    

"1001! 1002! 1003! 1004!" I Keep pumping the chest of the patient

"Flat Line Doctora!"

"1, 2, 3...Clear!"

Pawis na pawis na ako dahil kanina pa kami dito.

"The vital is back doctora" The nurse announced

I went out of the emergency
room after that. Kinakabahan parin ako kapag may ganong sitwasyon. Sa ilang taon kong pag do-doctor yung kaba nasa sistema ko parin. Pumunta na ako sa office ko para makapag palit ng damit.

Nakapag plano kami nila Gabby na sa labas mag lunch ngayon since hindi masyadong busy at pare-pareho kaming medyo mahaba ang free time. Medyo lang kasi after lunch kailangan na naming bumalik ng ospital.

"Oh? Ginagawa mo dito?" Bungad ko kay Veron na naka upo sa couch sa loob ng office ko

"Hinihintay ka"

"Wala ka bang trabaho?" Nag tatakang tanong ko. Laging naka buntot saakin eh

"Next week pa, Kaya free ako this whole week" She winked at me

"Edi sumama ka na, Pupunta kaming shakey's para mag lunch" Pag yayaya ko

Sumama naman siya at sa sasakyan ko na sumabay.

"Wala ka bang plano bumili ng sasakyan?" Pag rereklamo ko, Mukha kasing balak niya akong gawing driver niya

"Meron. Actually naka order na ako, Baka ideliver mamaya sa condo mo" She answered while scrolling her phone

"Order? Naks! Lazada ba yan?" Tumawa ako

"Lol" She rolled her eyes

Arte!

Nakita ko na naka park na sa labas yung mga sasakyan nila Gabby kaya nag park na din ako sa tabi ng sasakyan ni Isha.

"Blair! Oh, Veron!" Kumaway saamin si Gabby

"Buti sumama ka?" Tanong ni Dana kay veron pagka upo namin

"Of course, Minsan lang kayong ma free ng ganito. Ako lang naiiba ng career sainyo" Sagot naman ng pinsan ko

"Naka order na kayo?" Tanong ko kay isha

"Oo kanina pa, Tagal nga eh. Dana, Follow up mo nga"

"Bakit ako? Ikaw na!" Inirapan siya ni Dana

"Oh ako na lang! ako na lang" Tumayo si Gabby at nag punta sa counter

Agad din naman na nai-serve yung order nila kaya kumain na kami. Namiss ko dito.
Madalas sa cafeteria lang kami dahil nga
onti lang yung libreng oras namin.
minsan nga ay wala na kaming lunch

"Blair?"

Napa lingo ako sa likod ko habang may hawak na one piece chicken.

"Clark!"

Gulat ako na makita siya dito. Balita ko kasi naka leave siya ng 1 week kaya wala siya nitong mga nakaraang araw sa ospital.
Saakin tuloy binibigay ni Kit yung kanya.
Samantalang Cardio ako!

"Maybe you would like to introduce to me that cute guy?" Bulong ni Veron

"Oo nga pala, Clark si veron. Pinsan ko,
Veron si Clark, General Surgeon" Pag papakilala ko sa kanilang dalawa.

"Hi! Xierra Veron, Love for short" Malanding pag papakilala ni Veron at inabot pa ang kamay kay Clark

"I know you. You're the model right?
Clark Chavez" Nakipag kamay si Clark sakaniya

"Join us" Pag yayaya sakaniya ni Dana

Umupo naman sa tabi ko si Clark.

"Anong nangyari? Bakit na leave ka? Biglaan yata?" Tanong ni Isha

The Ten Years : Fate (Breakable series#1)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें