Chapter 37

17 1 1
                                    


"I heard you talked last night"

Seryoso akong nakatingin sakaniya habang siya ay nag iwas ng tingin.

"What? I did nothong wrong. Sinabi ko lang yon to protect you, your career. You should be greatful." Inosenteng sagot niya habang umiinom ng kape.

"Alam mo ba kung anong pwede niyang isipin? Hindi naman totoo na gusto mo ako, madaming ibang dahilan na pwede mong sabihin, why would you choose to hurt her feelings?"

"Mas madali kasi siyang maniniwala, look. I'm sorry okay? Pero pareho nating alam na this is for the best."

Tumayo na siya at tuluyan na akong iniwan, I know that she's concerned. Pero kung hindi lang siya si Anikha ay baka hindi ko na nakontrol ang mga nasabi ko sakaniya.

***

"She left"

I wasted no time the moment that I heard the news from her brother. I drove to the airport as fast as I could. Kung kaya ko lang lumipad ay ginawa ko na.

Handa na akong talikuran ang lahat, kaya ko ng ipagsigawan na mahal ko siya, But here I am again. I always find a reason to drive her away, just like I used to ten years ago.

Patakbo akong pumasok sa loob ng airport,  wala na akong pakialam kahit na pagtinginan pa ako ng nga tao, wala akong pakialam kahit na makita ko pa ang pangalan ko bukas sa mga balita, I don't care if I lose everything after this; at least I got to be with her. 

"Sir hanggang diyan na lang po kayo, paalis na po ang eroplano"

Nawalan ako ng pag asa nang harangin na ako ng guard.

"Sir kailangan kong habulin yung nakasakay duon"

"Kung gusto niyo sir bumili ka na lang ng ticket para masundan mo, kaso alam ko bukas na ulit yung susunod na flight papuntang Canada."

Ganon nga ang ginawa ko, maski ang umuwi para kumuha ng gamit ay hindi ko na ginawa, nag hintay lang ako kinabukasan hanggang sa dumating ang susunod na eroplano.

I looked at the paper that Blake gave me, it's their address in Canada.

Gabi na nang makarating ako, nag taxi lang ako at duon agad dumiretsyo, ilang oras akong nag ipon ng lakas ng loob habang naka upo ako sa eroplano kanina pero nanginginig pa ang kamay ko sa pag pindot pa lang ng doorbell.

"Good evening--Enigo?"

She looked at me in shocked, tumingin agad siya sa loob bago isara ang pinto.

"What the hell are you doing here?!"

"Nasa loob ba siya?" Nag babakasakaling tanong ko.

It's Veron, her cousin. Hindi ko alam na kasama siya ni Blair na umalis.

"Are you insane? Look at yourself! Anong nangyari sa'yo? You look wasted!" Napa iling-iling siya.

"I just want to talk to her, kahit isang minuto lang." Nanghihinang wika ko, alam kong hindi siya papayag na makita ko ang pinsan niya.

Bumuntong hininga siya bago ako tignan ng seryoso.

"Do you think she left because she just wanted to? Huh! It's all because of you Enigo! Alam mo bang hindi na siya nakakapag trabaho ng maayos dahil sa mga balitang naririnig at nakikita niya? Hindi dahil sa nasasaktan siya para sa sarili niya. Kundi para sa'yo! Pakiramdam niya dahil sakaniya kaya nasisira ang career mo. She cares for you that much to the point that she's willing lose herself just to save you! Tapos ngayon magpapakita ka dito, para saan pa? Just live your life as an actor and let her be."

The Ten Years : Fate (Breakable series#1)Where stories live. Discover now