Chapter: 08

61 6 1
                                    


"Taray! Steak house ang libre!" Malakas na sigaw ni Isha, Its fine since nasa VIP room naman kami.

"For my sister of course" Tumawa siya

Veron raised her wine glass.

"For the head of cardio department! The top doctor of the month"

Itinaas na rin namin ang kanya-kanyang wine glass at nag cheers, Mas masaya pa sila saakin ah?

"Congrats din kila Dra.Cortez and Dra.Martin!" Tukoy ko kila Gabby at Dana

"Sanaol! Leche kayo! O.P na tuloy ako!" Kunwaring nag tatampong ani Isha

"Bawi next time HAHA!" Tinapik siya ni Dana

We started eating while chitchatting,
Until Sofie became the topic.

"Who's that girl ba?" Veron asked getting confused about the unprofessional doctor

"I heard that she's the daughter of Mr.Velasquez, The Vice governor?" Wika ni Kuya Blake

"She is! Kaya ang taas ng tingin sa sarili" Umirap si Dana

Tumawa kami at napa tingin ako kay Gabby na kanina pa walang imik.

"Bat ang tahimik mo?" Tanong ko

"Kuya mo kase"

"Anong meron?"

"Wala, Ang awkward lang" Bulong niya

Kumunot ang nuo ko. Anong nangyayari sa babaeng to? Anong awkward? Itinuloy ko na lang ang pag kain habang ang ingay nila. It's already 8:30pm in the evening nang magka yayaan silang umuwi na.
Nag kanya kanya na silang uwi since may dala naman silang mga sariling sasakyan. Kaya kami na lang nila Veron at Kuya Blake ang natira.

"Kuya, Sa tingin mo okay lang mag pasok ako sa mansyon? Or maybe sa condo ko if ever?" Tanong ko

Kumunot naman ang nuo niya saakin.

"Sino ba yan?"

"Si Lyka, Patient sa hospital"

"Let's talk about that tomorrow, gabi na may gagawin pa ako, Take care. Mag ingat kayo ni Veron"

"Sweet mo naman Blake, I love you talaga!" Pang aasar ni Veron

"Thanks kuya, Ingat sa pag drive"  humalik ako sa pisngi niya

Umalis na siya kaya kami na lang ni Veron ang naiwan.

"Oh? Wala kang sasakyang dala?" Tanong ko

"Kasabay ako ni Blake pag punta dito duh!" Umirap siya

"Sayang naman yung sasakyan mo" I said sarcastically

Isinabay ko na lang siya pauwi sa condo.
Kawawa naman eh.

Pagkarating sa Unit ay nag shower agad ako at nag skin cate routine. I checked some files in my laptop before laying down to my bed.

I remember how Enigo greeted me.
Ganun talaga siya? Bigla biglang susulpot?
Parang hindi nabaril ah? Nalaman niya siguro ang tungkol sa Announcement ng Top doctors dahil siguradong usapan sa buong ospital yon.

***

The next day i woke up early in the morning. 6:00am to be exact. I do some stretching before going out to my room. Naabutan ko si Veron na kabababa lang din ng hagdan.

"Breakfast?" Tanong niya

"Mag te-take out ako sa Subway, If you want sa Hostpital ka na lang mag breakfast"

"Okay, I'll go to shower muna" Inaantok pang wika niya

Nag ayos lang ako, I'm wearing a Royal blue sheer blouse and a white pencil cut skirt. I checked my phone while waiting for Veron. Nakita ko na may bagong post si Enigo kaso sa Twitter mga 9hrs ago pa lang bale kagabi tong post niya na to?

The Ten Years : Fate (Breakable series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon