Chapter: 27

32 2 0
                                    


"My Goodness Dra.Villacin! Kung hindi ka lang anak ng Chairman ay baka
nanganganib ka na sa posisyon mo!"

Napa pikit na lang ako sa sigaw ni Dr.Cohen. I know he's strict, bakit ba kasi umabsent ako?

"Sorry Dr.Cohen, Hindi na po mauulit--"

"Kung nagkataong nagkaron ng emergency
sa Ospital lalo na sa panahon ngayon
sino ang aasahan namin? Alam mo ba na
naka leave si Dra.Cortez? Bukas ay mag
aasikaso na kayo ng mga intern!"

"Don't be irresponsible Dra.Villacin!
Naka ilang late ka na at ngayon umabsent ka na walang ibang sinabihan. That is unacceptable"

Napapayuko na lang ako dahil sa hiya.
Alam ko naman na ganito ang mangyayari
pag balik ko galing ng Pampanga.
Pero mas inaalala ko yung sinabi ni Dr.Cohen na nag Leave daw si Gabby. Wala manlang siyang pasabi saamin.Pagkatapos kong mag seminar ng sermon ay lumabas na ako sa office ng head doctor namin.
Sunod naman ay ang Chairman. Sigurado
akong papagalitan din ako, ikaw naman kasi Blair eh! Ang harot harot mo!

Nag lakad na agad ako pero sa hagdan ako
dumaan, Kailangan ko ng oras para ihanda ang sarili ko. He's my dad! He can fire and scold me whenever he wants! I take a deep breath. Inhale...exhale... Kaya mo yan Blair.

I knock three times before entering the
Office. Nag bow agad ako dahil sa hiya.

"Sorry po Chairman! Mag papaalam naman po talaga---"

"Why are you tensed Blair? Bakit nag so-sorry ka? Maupo ka nga"

Napa angat ako ng tingin

"H-Hindi po kayo galit?"

"Did you do something that will make me mad?"

Hindi niya alam?

"A-Ah wala po, Practice lang po Hahahah!
Bakit niyo po ako ipinatawag?" Peke ako ngumiti bago ilingon sa likod ang mukha ko para itago ang pag-ngiwi ko.

"Kahapon ipinapatawag kita, but Dr.Chavez said that you're busy with your patients"

Hulog ka ng langit Clark...

"Dumating ang Tita Silva mo, We have a family dinner tonight as she request"

Tita Silva is Veron's mother and my Dad's younger sister. I think this is one of the
reason why i see veron less often in our condo unit. Sana na inform ako para hindi nakakahiya kay tita! Siguradong hindi nanaman matutuwa si Mommy.

"Sa Mansion"

Para yatang gusto ko na lang bumalik
Sa pampanga at itigil yung oras don.
Family dinner is okay. But dinner in the mansion will never be okay. Libre ang mommy ko sa mga sasabihin niya na lagi kong ikinakatakot. Nuong birthday lang ni Dale ko ulit narinig na ipag-malaki niya ako.

"Kumpleto dapat tayo, susunduin ka ng
Kuya mo" Seryosong sabi pa ng Chairman

"Y-Yes Dad" Ngumiti na lang ako

As if i can say No.



Pagkagaling ko kay Daddy ay kila Isha agad ang diretsyo ko. Buti na lang
Magkakasama sila sa clinic namin.
In fairness sa free time nila huh?

"Ay teh? Ano? Papahanda na ba kaming
Lapida?" Bungad saakin ni Isha

"Kaka lapida mo diyan kayo ililibing
Ko ng buhay" Masungit na sagot ko

"Si Gabby pala nag leave! Hindi niyo
Alam?" Takang tanong ko sakanila bago umupo. Nagkatinginan pa sila na parang
Hindi alam ang sinasabi ko

"Paanong nag leave? Hindi naman
nag sabi saamin, huling kita natin sakaniya nung nagkainan sa office mo"

The Ten Years : Fate (Breakable series#1)Where stories live. Discover now