Chapter: 30

29 4 1
                                    


"Ready? Ready na ba?! Formation! Bilis bilis!"

Malakas ang sigawan dito sa backstage tensed din ako, this is my first time! Buti na lang ay nandito si Kuya, Dale at Veron. Kahit na hindi ako kinakausap nitong pinsan ko ay ngumingiti naman siya saakin. I Hope okay lang kami. Kahit na medyo damay yung relationship namin as cousins.

I am wearing a white backless dress na si Tita Silva mismo ang nag design. While Veron is wearing a silver long gown. Sa guys ay polo and suits. Hindi common yung mga design at talagang bago sa mata ko. Ang nagustuhan ko sa dress na suot ko ay may embroidery ito na stethoscope sa lay-layan ng skirt.

May kung ano-ano pang introduction na naganap bago mag play yung sounds. May mga nauna pa saamin. The way they walk, the poise. Halatang models at sanay sa runway fashion shows. Nanonood sila mommy at daddy kaya hindi ko kakayanin kung matatapilok na lang ako bigla o kaya naman ay baka mahulog na lang ako bigla sa stage.

"Ms.Villacin next ka na, re-touch nga dito!"

Pinapay-payan ko ang sarili ko gamit ang kamay ko kahit na hindi naman mainit dahil kinakabahan ako. Inayos lang nila yung make-up ko. At nung pabalik na yung nauna saakin ay tyaka na ako lumabas.
Pose dito pose duon. Nakita ko sila Gabby na nanonood. Pigil na pigil sumigaw dahil halos ang mga nandito ay artista o di naman kaya ay mga taong  may malaking influence sa fashion industry.

Sila Mommy at Daddy ay magkatabi. I'm so proud na nandito sila. We all know how busy they are.

Isang malaking ngiti ang napakawalan ko nung nakabalik na ako, achievement dahil hindi ako naka-gawa ng kahihiyan. Kasunod ko si Veron na siyang lumabas na galing backstage.

"Nice! Marunong ka pala?" Pang aasar saakin ni Kuya

"Madulas ka sana mamaya" I rolled my eyes bago siya lagpasan

Sumalubong naman saakin si Dale na nag re-ready na din. Mukha talaga siyang Model, I mean bakit hindi? Maganda ang built ng katawan niya at hindi maitatangging gwapo din siya.

"You look awesome on stage Blair" bati nito saakin

"Thanks" Ngumiti naman ako. Maglalakad na sana ako paalis nung may maalala ako

"Ahm...Dale may I ask you something? May napapansin ka ba kay Veron? Is she okay? During work hours? Ikaw kasi ang alam kong madalas niyang kasama since partners kayo ngayon"

Nakita ko na natigilan siya bigla at napatingin sa screen ng monitor kung saan kita si Veron at kung paano ito rumampa.

"I will talk to her, don't worry"

Tumango na lang ako, sa Backstage ay kasama kong nanonood yung mga tapos na hanggang sa lumabas ulit kami para sa last ramp, pagkatapos non ay naiwan si Veron sa tabi ni Tita Silva para sa speech nito.

Hindi ko maiwasang mapa-tingin kay mommy bago ibalik ang tingin ko kila Tita at Veron, sana ay ganun din kami ka-close.
But I know. It won't happen.

Pagkatapos ng event ay nag bihis na ako. May Family dinner daw at kasama si Dale maging sila Gabby dahil in-invite na din sila ni Tita Silva,  Sa Hotel pala ay nagpa-handa na si Mommy.

Habang palapit ako kila Gabby ay may naka bungguan akong babae. Short hair, at ka-height ko lang din. She's wearing a black slim dress. Nahulog yung bag niya kaya yumuko ako para tulungan siya, pag angat ko ng tingin ay napangiti agad ako ng malapad. She looks like a doll! Not exactly but I see her as a doll. Ang puti niya pa, she's beautiful!

"I'm sorry" I apologized first

"Wait, you're Blair Kassandra right?"

"How did you know?" Takang tanong ko

The Ten Years : Fate (Breakable series#1)Where stories live. Discover now