Chapter 39

20 0 0
                                    


"Ang ingay mo!"

Pabagsak kong isinara yung pintuan ng CR dahil sa pang gigigil kay Gabby.

"Bakit ba? Tinawag lang naman kita!"

"I saw him! and he heard you calling my name, alam na niya na nandito ako" napapraning ako habang nakatingin sakaniya, hindi na makapag isip ng maayos.

Natigilan naman siya at saglit na napaisip, mukhang na-gets niya naman ang sinasabi ko.

"Hindi ba good? Ano naman kung alam na niya na bumalik ka na? May bago? May feelings ka pa?"

Natigilan ako sa tanong niya, of course...syempre naman may nararamdaman parin ako, I don't want to fool myself at sabihing wala na kahit ang totoo ay meron parin.

Umalis ako para matahimik ang buhay namin pareho, pero hindi ako nag expect na mawawala ang nararamdaman ko para sakaniya, It just doesn't feel right.

Mas maganda kasi kung iiwas ako, baka kasi kapag bumalik kami sa dati hindi ko na kayang tumakbo paalis...

"Nevermind, tara na."

Nag lakad na kami papunta sa isang kwarto, naabutan namin duon si Kit at Dana. May kung ano sa puso ko na bigla na lang bumigat, I suddenly feel my eyes watering, para akong maiiyak. But I know, alam kong ayaw niyang kaawaan namin siya.

"Isha" ngumiti ako.

"Blair! Omg you're really back! Akala ko niloloko lang ako ni Kit eh" masiglang ani niya na akmang tatayo mula sa pagkakaupo sa hostpital bed pero pinigilan ko lang siya, ako na ang lumapit at niyakap siya ng mahigpit.

"How are you? Mag palakas ka na please?" Naluluha kong ani pero tinawanan niya lang ako.

"I'm doing fine Blair, kaya ko 'to. Malapit na din ako madischarge." She gave me a assuring smile.

Tumango ako at muli siyang niyakap, isang taon ang lumipas pero marami na agad ang nag bago, at marami pang mag babago. Hindi ko lang akalain na magsu-suffer si Isha sa clinical depression pagkatapos kong umalis, akala ko ayos ang lahat. Pero totoo talaga na may kanya-kanya tayong mga problema.

But I'm happy that she's doing great.

We talked, laugh, and eat like what we used to do before. Nakikita ko naman na lahat sila ay genuine happy at masaya ako para sakanila. Sana ganito na lang kami palagi.

"Kit, please stay with her" mahinang wika ko nang ihatid niya kami nila Gabby palabas sa room ni Isha.

"Kahit hindi mo sabihin gagawin ko" ngumiti siya sa akin, he's tired I know. Pero sabi nga nila, walang nakakapagod sa taong mahal mo.

He's always loud and bubbly, but after a year this is the first time that I saw him being serious, walang halong biro sa mga mata at determinadong tuparin ang sinabi niya saakin.

"Take care of her, babalik kami mamayang dinner." Ngumiti ako.

Tahimik lang kami nila Gabby, alam kong may kanya-kanya silang iniisip kaya hindi na din ako nagsalita habang nag lalakad.

"May duty ba kayo ngayon?" Tanong ko sakanila ni Dana nang makarating kami sa old building ng ospital.

"Oo eh, mamayang gabi pa din ang out namin. Ikaw ba? Hindi ka pa papasok?"

"Bukas pa ang duty ko, kaya niyo 'yan. Ako na sa dinner mamaya" kumindat ako.

Nag paalam na sila habang ako naman ay dumiretsyo sa parking lot at sumakay sa sasakyan ko. Ang dami kong gustong balikan na lugar, totoo pala na nakaka miss ang pilipinas. Sa loob ng isang taon ay sinanay ko and sarili ko sa canada, kaya naman nakakapanibago ang bumalik sa sariling bansa.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta, pakiramdam ko delikadong lumayo ako dahil maliit lang ang mundo. Nasa iisang lugar lang kami pareho.

Napatigil ako sa harap ng isang pamilyar na coffee shop, 'Grind House' ang pangalan. Sa hindi malamang dahilan ay pumarada ako at pumasok sa loob. The bitter sweet aroma from the shop welcomed me like a warm hug. Inilibot ko ang tingin sa buong paligid, hindi ganoon karami ang nag bago, ito parin ang cafe na pagmamay ari niya. Hindi ko alam kung nahihibang na ba ako o ano pero pumila ako sa counter at tinignan ang menu.

Wala na ang pangalan ni Anikha na ipinagtaka ko, maigi kong binasa ang mga nakasulat at napatigil ang mata ko sa isang pangalan ng kape, 'Kassandra' ang nakasulat. Ayokong mag assume kaya naman ipinilig ko ang ulo ko. Bakit naman niya ilalagay ang pangalan ko hindi ba?

Pero dahil tanga ako ay iyon ang inorder ko kasama ng isang cupcake na may marshmallow frosting sa itaas.  10 minutes pa daw bago maiseserve ang order ko. Kaya habang nag hihintay ay napagpasyahan ko na humanap na ng upuan at napili ako ang nasa pinaka sulok para makaiwas agad sa kung sino mang papasok sa entrance. Hindi ako nag eexpect na makita siya ulit ah, pero para sure lang.

"Here's your order ma'am, enjoy"

Faster than expected, dumating na agad ang order ko.

"Thank you" ngumiti ako bago mapadako ang mata sa cuppuccino na hugis puso ang design. Kassandra huh?

I took a picture of it bago ito tikman, napatango-tango ako. Sakto lang ang tapang ng kape, klase na iinumin ko araw-araw.

"Good afternoon Sir!"

Agad na nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang pag bati ng isa sa mga waiter, pasimple akong sumilip habang umiinom ng kape at hindi nga ako nagkakamali. He's here!

Naka shades ito, medyo magulo ang buhok, mapula ang labi na napakaganda ng ngiti habang bumabati sa mga empleyado, ang gwapo pari- shut up Blair!

Napabalik ako sa realidad nang marealized ko na parang dumako saakin ang tingin nito dahil bahagyang lumingon ang ulo niya sa direksyon ko. Ayoko mag assume pero para akong natataranta na hindi na malaman ang gagawin kaya naman agad kong nilagok ang kape na medyo mainit pa animoy shot tequilla at ipinasok ang cute size na cupcake sa aking bibig. Halos mabulunan ako sa ginawa ko pero ayos lang.

Kinuha ko na agad ang bag ko, at nang mapansin na lalapit na sana siya sa direksyon ako ay agad akong tumakbo sa kabilang pintuan ng cafe kung nasaan ang exit.

Hingal akong pumasok sa loob ng kotse ko habang napapasabunot sa sarili kong buhok. Nababaliw na siguro ako? Napatingin ako sa salamin ng kotse ko at napangiwi nang makita ang ilang frosting sa gilid ng labi ko. Baliw ka na nga Blair.

Ano bang meron kay Enigo na takot na takot ka?

Kumuha ako ng wipes at pinunasan muna ang bibig ko bago mag maneho pauwi. Mag  papahinga nalang muna ako tutal wala naman akong maisip na ibang pupuntahan.

Pagkadating sa condo ay nag palit lang ako ng damit at pabagsak na nahiga sa kama. Inaalala ang nakakahiyang ginawa ko sa cafe kanina. Napapikit ako at kinuha ang unan ko para duon sumigaw.

Nang mahimasmasan ay kinuha ko nalang ang phone ko para mag scroll. Mag c-check na sana ako ng schedule ko bukas nang may notification na mag pop up mula sa email.

Picture ito ng isang invitation,


'You are Invited!

Anikha & Lark
Are getting married!'





_________

To be continued....








You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 31, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Ten Years : Fate (Breakable series#1)Where stories live. Discover now