Chapter: 29

33 2 4
                                    

"Good morning Dra.Villacin"

Napatingin ako kay Chaser na binati ako pagka pasok ko sa clinic. It's been days since mag-start siya ng internship niya dito sa hostpital namin. He's good and responsible. Minsan ay tahimik lang na nag o-observe.

"Good morning" Bati ko dito pabalik

Napatingin naman ako kay Gabby na kababalik lang kahapon, she's smiling brightly at ayokong sirain yon. I can't tell her about kuya. Hindi ko naman kasi akalaing sa panahon ngayon ay uso pa ang arrange marriage! For pete's sake! Wala na kami sa year 1980's or something!

The Good thing is ayos na kami ni Kuya, hindi ko alam dun. At least he approched me. Bukas na yung event ni Tita Silva kaya nag dala na ako ng invitations para sakanila

"Rarampa ka doc?" Tanong ni Kit na nakatingin sa invitation na binigay ko
habang humihigop ng instant noodles
kaya Napa ngiwi ako

"Aga aga naka noodles ka?" Sita ko
Sakaniya

"Hayaan mo pag nagka ulcer yan ako bubunot sa bituka niyan" Wika naman
ni Gabby na naka chichirya

"Nahiya naman kami sa chichirya mo
Gabriella" Inagaw ni Dana yung kinakain
Ni Gabby

Teka bakit ba nandito silang lahat sa clinic?

"Wala ba kayong inaasikasong mga intern niyo at tambay kayo dito?"

"Nag ra-rounds Doc" Sagot ni Kit

"Etong si Chaser tapos na" Tinapik naman
ni Isha yung balikat ng intern namin

"Hays gusto ko maging intern ulit" sumandal si Dana sa upuan niya

"Nagugutom na ako, wala akong breakfast, kain tayo" Pag aaya ni Isha

Napa tingin naman ako sa wrist watch ko, may surgery ako mamayang after lunch pa naman kaya pwede pa.

"Chaser sumama ka na samin" pag aaya dito ni Gabby

"Teka isama na natin si Cindy, para hindi ma-awkward tong si Chaser na siya lang intern saatin" Suggest naman ni Kit

Si Cindy yung intern sa department nila na close din namin. Gaya ni Chaser ay napaka responsable.

"Babae hindi ka pa pala nag ku-kwento
Sa trip to sagada mo gaga ka, biglaang leave tapos nasa bakasyon ka pala?" Mataray na tanong ni Dana kay Gabby habang kumakain kami dito sa Subway.

"Oo nga! Nakaka tampo ka ha. Sana ay nag chat ka manlang na gagala ka sa sagada. Tapos sinabi mo pang mag isa ka lang? Edi sana naki join kami!" Gatong naman ni Isha

Napatingin naman saakin si Gabby kaya kinindatan ko siya.

"Mamaya ko na iku-kwento, sa condo tayo ni Blair"

"Teka bakit sa condo ko?"

"Eh sa ayun ang malapit eh"

Napailing na lang ako, at least i know that
She's happy. Okay na siya.




****

Kaya kinagabihan ay sabay-sabay kaming pumunta sa condo ko kasama sila Clark at Kit. Nag take out lang din kami ng makakain dahil nakaka tamad mag luto.

"Uuwi ba si Veron?"

Napatingin ako kay Dana, nasa tapat siya ng ref habang may hawak na papel na kulay brown.

"Late na siya kung umuwi? Why did you ask?"

"Look, basahin mo tong note na iniwan niya"

Lumapit agad ako sakaniya at binasa yung note na hawak-hawak niya.

The Ten Years : Fate (Breakable series#1)Where stories live. Discover now