Chapter: 02

70 9 1
                                    


Napa tingin ako sa pinto nang may pumasok duon na isang lalaki, matangkad, maputi, Matangos ang ilong at maganda ang ngiti. He's wearing a simple black shirt and maong pants. Late na siya first day na first day? Napag masdan ko siya sa malapitan dahil malapit lang ang upuan ko sa pinto.

Nag lakad siya papunta sa bakanteng upuan sa second row. Tahimik lang siya.
Nag simula kaming mag pakilala sa harap at pinaka titigan ko nung siya na ang mag sasalita.

"Enigo Railey Gozon. 15 years old"

Enigo....

Hindi ko na itinutok sakaniya ang atensiyon ko nang mag simulang mag salita yung Class adviser namin para sa classroom rules. Hangang sa magkaroon kami nang isang Activity sa isang subject at ka-grupo ko siya. Ako yung ginawa nilang leader kaya naka palibot silang lahat saakin. Naka luhod naman sa harap ko si Enigo giving his opinion. Dahil pinapakingan ko yung ibang sinasabi ng ka-grupo namin hindi ko siya napag tuunan ng pansin. First day of school. Nahihiya rin ako.

Pero nagulat ako nang hawakan niya bigla yung kamay ko para kunin yung atensiyon ko kaya agad akong napa tingin sakaniya at tumango-tango nalang para isulat yung sinasabi niya.

After that day, I promised myself not to fell inlove with him. Alam ko kasi sa sarili ko na pwede akong magka gusto sa gaya niya.

I never imagined that I will fall for him harder, tipong hindi ko na kayang lumangoy ulit paahon.

***

Umiling iling ako nang maalala ang mga yon, bakit? Dahil nakita ko siya ulit? First day ang daming nangyari. Ang cheesy pakinggan na na love at first sight ako sakaniya, tipong ako yung unang patay na patay sakaniya nuon.

Nag da-drive na ako papasok sa Ospital.
pero siya parin ang iniisip ko, eh hindi naman ako iniisip non! Mabilis lang ang byahe ko dahil malapit nga lang ang Condo ko sa Ospital kaya hindi rin ako naaabutan ng traffic at good thing advantage yon para hindi ako ma-late.

Sumakay ako ng elevator para maka rating sa office ng Chairman. Pinag re-report ako about sa operation ni Enigo. VIP kase. I knocked twice as i enter the office. He's busy at his table while sitting on his swivel chair. Napa tingin siya saakin at sinenyasan akong umupo. Pero nanatili lang akong naka tayo.

The Ten Years : Fate (Breakable series#1)Where stories live. Discover now