Chapter: 19

54 5 1
                                    


"Pinapatawag niyo daw po ako Chairman?" Wika ko pagka pasok ng office ni Dad. Busy sa mga papel na nasa harapan niya

"How's the breifing, i heard pinagalitan na naman kayo ni Dr.Cohen" He gestured me to sit down

"Usual thing Dad" I just answered

"Blair, How's your reunion? how's pampanga?" Napa tingin ako kay Daddy bago ngumiti

"Not what it used to be before, But still good. Sana po maka balik tayo ng magkakasama duon" Mahina kong sabi

"7:00 pa ang out mo mamaya, Join me for dinner blair. You may go"

"Yes dad" Ngumiti ulit ako bago tumayo at mag lakad palabas

I'm really grateful na nandiyan si dad para kamustahin ako kahit na hindi ginagawa ni mommy...

Sa office ako dumiretsyo since may mga nagpa-appointment ng check-up, Mamaya na lang ako pupunta sa clinic. Naabutan ko si nurse ella na kalalabas lang ng office ko kaya nag taka ako.

"Nurse ella, Anong ginawa mo sa loob?" Kumunot ang nuo ko

"Hehe, Hello Doctora. May inilagay lang ho ako" Nag iwas agad siya ng tingin at agad din namang umalis

Pumasok na ako sa office ko and saw a paper cup of coffee placed above my table. Tinignan ko yon at nakita na galing sa coffee shop ni enigo dahil sa tatak. May yellow sticky note na naka-dikit.

'Have a great day :)'

Biglang nag taasan ang mga balahibo ko.
May kung ano saakin na nag dadasal na sana si Enigo ang nagpa-bigay nito. But...I don't want to assume anymore...Masakit kasi...

I put back the coffee above my table before taking off my white coat and seat in my swivel chair, pinapaikot ko yon habang nag iisip...si Enigo kaya ang may bigay niyan? Bakit naman niya ako bibigyan ng kape at may note pa? Sa pag kaka-alam ko hindi siya ganyan kaya sino? Maybe i'll ask nurse ella nalang later.

"Doctora, Time for the first appointment. Mrs.Celio is here" Sumilip sa pinto yung isang nurse

"Okay, Let her in" I smiled

"Good morning Dra.Villacin, The beautiful doctor in town" Pumasok si Mrs.Celio, hindi gaya nuon ay mukha siyang matamlay ngayon

"Good morning Mrs.Celio, Please take a seat" I getured my hand

"I came here to ask for your help Doctora.
I know na ikaw ang pinaka magaling na Cardio sa buong bansa kaya sayo ako palaging lumalapit..." Sumeryoso siya

"My...Son needs a heart transplant right?"

Tumango lang ako. Sa pag kaka-alam ko ay wala pang mahanap na donor para don.

"What about it Mrs.Celio?"

"I...I-i want to be my son's donor" Napa luha siya

Nagugulat akong naka tingin kay Mrs.Celio...she's really not the type of woman who will say such a thing...But here she is...giving her heart for his son's life...
Since i started my job as a doctor pasyente ko na ang anak niya. Nuong una ay napag desisyunan ni Mrs.Celio na huwag munang operahan ang anak niya. Tutal madadaan pa naman sa gamutan ang sakit nito na Advanced heart failure pero...Taon ang lumipas... Na admit ulit yung anak niya sa ospital namin...

"Are you sure Mrs.Celio? Hindi naman po sa nangingialam ako...pero...Alam po ba ito ng anak ninyo?" Magalang na tanong ko

"P-please don't tell him..." Tuluyan siyang naluha

"But...Mrs.Celio--"

"Please Doctora... I'm asking you a favor...Don't tell my son...M-my sister will be his guardian"

The Ten Years : Fate (Breakable series#1)Where stories live. Discover now