CHAPTER 2

1.2K 184 67
                                    

MAKE A WISH...

MANUEL KAGURA'S P.O.V

"AHHH!"

Napabangon ako ng daglian at saka ako sunod-sunod na nagbagsak ng hiningang malalalim dahil sa panaginip na iyon. Grabe. Ang saklap naman ng nangyayari doon. Natakot din ako roon sa haring gustong ipapatay ang mga ano? Fan-Fanta- hays bahala na huwag ko na lang ngang isipin.

Bumaba na ako sa aking kama at pumunta na sa banyo upang maligo. Pagkatapos ay bumaba na ako at pumunta sa lamesa para mag-almusal...

Nang makapunta na ako ay pansin ko namang wala na si mama, siguro ay maaga siyang pumasok sa trabaho niya para maaga rin siyang makapag-break. Kita ko namang may nakahain na pa lang kanin, tuyo, at gatas, kaya agad ko na itong nilantakan...

Katapos kong kumain ay nagmadali na akong tumakbo papuntang school...

...

Habang nag-rerecess kami kanina ay pinagpaalam at sinundo ako ni mama kaya naman ngayon aya naglalakad na kami ngayon sa Memorial Park ni mama papunta sa puntod ni papa dahil nga death and wedding anniversary nila ngayon ni mama, tulad ng laging nangyayari kapag dumadalaw si mama sa puntod ni papa, wala na namang kibo at anytime babagsak ang mga luhang kanyang pinipigilan hayss.

"Ma, may performance na naman pala ako sa darating na march at kapag daw nagalingan sa akin ang Dean and Judges baka ako raw po ang ipanglalaban sa Clash of Schools: Singing Competition, 'di ba ang saya ma?" Pag-iiba ko sa athmosphe namin.

"A-Ahm oo anak excited na nga ako, sana naman manalo ka," nakangiting turan ni mama pero mararamdaman mo ang bigat ng aura niya ngayon, " kung alam mo lang noong nabubuhay pa ang papa mo lagi syang sumasali sa singing contest at nanalo. Alam mo anak buti na lang at sakanya mo namana ang boses mo, kung sa akin baka naging isa ka naring palakang karag na ngumangawa sa tuwing umuulan hahaha." Mahihimigan ng lungkot na saad ni mama. Naging mali ata ang desisyon kong 'yon dahil kahit na may tonong pagbibiro ang mga salita ni mama, napansin kong tumulo na ang kanyang pinipigilang luha.

"Ma naman. Wala pa nga tayo sa puntod eh umiiyak kana." Naluhang saad ko, masakit kase na nakikita mong nasasaktan ang taong nagsilang at nag-aruga saiyo, pero kailangan kong magpakatatag upang may kapitan si mama.

Naglatag na ng picnic cloth si mama at nag-umpisa nang sindihan ang kandila sa puntod ni papa.

"Pa, nandito na kami ng anak mo, oh 'di ba ang laki na nya para na siyang balyena char hahaha, uy pero pa, napakagaling kumanta ng anak mo mana sa'yo, alam mo pa, buti nalang hindi nagmana sa akin ng boses ang anak mo dahil kung nagkataon pati ikaw magising kapag kumanta 'to." Tuluyan na ngang naiyak si mama. Kaya naman yinakap ko ito at hinagod-hagod ang kanyang likod.

"Hay, pa ang aga mo kaming iniwan," mangiyak-ngiyak na turan ni mama, " ang hirap tanggapin, a-ang ang sakit pa, sobrang sakit kaya minsan hi-hiniling ko na lang na-nasana hindi na lang muna tayo ikinasal," utal na turan ni mama kaya naman tinapal-tampal ko na lang ang kanyang balikat, "sana k-kasama ka pa namin. K-Kasalanan k-ko ito kung hindi sana kita p-pinilit magpakasal edi sana buhay kapa. Edi sana kasama ka pa namin." Iyak ni mama na nagpaiyak na din sa akin, ito na naman sya, pilit na sinisisi ang sarili sa pagkamatay ni papa, hays sana one day maka move on na sya para wala ng masasaktan, nasasaktan din kase ako kapag nakikitang umiiyak ang aking ina.

THE REINCARNATION OF THE PROPHETIC TWINSWhere stories live. Discover now