CHAPTER 23

449 83 43
                                    

BOND...

KALI'S P.O.V

Nandito kami naka-upo kami nila Guia, Xavier, at Kuya Lucian sa field kung saan namatay si Nay Olin at hinihintay si , sa una ay mapapansin si Xavier na parang natutulala dahil baka naalala nya ang pagkamatay ni Nay Olin dito sa lugar na ito, ngunit pagdaan ng ilang minuto ay naka-recover naman ito at nakipag-usap kay Kuya Lucian kahit di naman sya kinikibo ni kuya hahaha. Ang kyut nilang tignan para na talaga silang magkasintahan.

Ilang oras pa ang lumipas ay natigil kami sa aming kanya-kanyang ginagawa dahil naramdaman namin ang prisensya ni Nay Aurelia. Napaharap naman kami sa aming likuran at nakita namin ang lumilipad na si Nay Aurelia. "Pumunta na kayo dito at umpisahan na ang pagsasanay." Saad ni Nay Aurelia. Kaya naman tinalima namin agad ang kanyang utos at lumapit na sa kinaroroonan nya.

"Deusa do fogo estou aqui para te louvar, aqui está minha busca e pronto: FIRE FLIES!" Saad ni Nay Aureila na nagpabigla sa amin dahil biglaan na lang may mga maliliit na bolang apoy ang bumubulusok at direktang patama sa amin. Buti na lang at mabilisan kaming naka-iwas kung hindi lapnos na mga balat namin, kaso lang nga napakarimi na maming dumi sa katawan dahil sa paggulong at pagdapa namin sa damuhan.

[Translation: Oh Deus ng apoy, bigyan mo ako ng bas-bas upang gamitin ang iyong kapangyarihan: FIRE FLIES!]

"Nay naman! Bakit naman po biglaan?" Maarteng tanong ni Guia kay Nay Aurelia. Nagpapag-pag sya ngayon ng damit nya dahil napagulong lang naman sya malapit sa isang maputing na bahagi ng field hahaha.

"Aba, nag-uumpisa na tayo sa ating pag-eensayo kaya naman sinubukan ko lang kung gaano kabilis ang reflexes nyo. Walang posibilidad na makapasok kayo sa Campo de Iris Academy kung babagal-bagal kayo, dahil sa unang exam pa lang para makapasok sa akademya ay talagang mararanasan nyo na ang impyerno! Kaya hala sige magsitayo na kayo riyan!" Seryosong paliwanag ni Nay Aurelia sa amin. Napatango naman kaming lahat dahil doon at agarang tumayo at nagpag-pag.

Nang tanawin ko ang lahat ay puno pala kami ng dumi sa damir, peri napabilib ako kay Kuya Lucian, dahil wala man lang syang dumi sa kanyang damit, grabe minani lang nya ang mga bolang maliliit na apoy.

"Hala! teka lang po Nay Aurelia. May paso po sa kanang braso si Lucian! hala di ko pa naman po magagamit ang Hold ni Nay Olin dahil hindi pa kumpleto ang mga Sphere of Elysium." Nag-aalalang saad ni Xavier kay Nay Aurelia. Hahaha namali ata ako ng akala, baka hindi nya lang pinansin yung paso niya.

"Wag ka nang mag-alala Xavier. Ako na ang gagamot sa boyfriend mo." Mapanguyam na saad ni Guia na nag papula ng mukha ni Xavier. Uhm, confirmation na ba ito na may gusto si Xavier kay Kuya Lucian? Huwag kayong ano ah. Sa past life ko hindi lang kase ako anime lover kung hindi Yaoi at Thai BL Fan din ako!

"A-Ano bang s-sinasabi mo dyan Guia?" Nakapout at na-uutal na saad ni Xavier. "Ano bang mali sa sinabi ko aber? Di ba lalake siya at kaibigan mo rin sya hindi ba? kaya "Boy" "Friend" mo sya di ba? ano ba iniisip ah?" Sarkastikong saad ni Guia. "W-Wala." Na-uutal na saad ni Xavier sabay tingin sa malayo. Nang tignan ko si Kuya Lucian ay as usual na wala na naman itong pakialam sa kanyan paligid.

"Hoy ano na! Mag-eensayo na ba tayo o mag kukwentuhan na lang?" Sarkastikong tanong ni Nay Aurelia na nagpakamot sa aming batok. "Teka lang po Nay. Kuya Lucian, akin na yung braso mo." Utos ni Guia, tinalima naman agad ni Kuya Lucian ang ang sinabi sakanya ni Guia.

Pagkatapos ng panggagamot ay agad kaming lumapit kay Nay Aurelia. "Pila! Arms forward! Harap sa likod... Harap! Harap sa kanan... Harap! Harap sa Kaliwa... Harap! Harap sa likod... Harap! Npakatagal nyo! Ayokong ma-uulit ito sa mga susunod na pag eensayo natin!" Potek ngayon lang namin nakitang ganito kaseryoso si Nay Aurelia, nakakatakot sya.

THE REINCARNATION OF THE PROPHETIC TWINSWhere stories live. Discover now