CHAPTER 5

986 151 19
                                    


THE TWINS OF PURGATORY...

TOKI'S P.O.V

Hey guys this is your one and only beautiful, sexy, and magandang Guardian Toki, wala akong apilido kaya huwag niyo nang itanong heheh kung tinatanong niyo kung anong buhay ko bago ako naging gurdian ay isa lang isasagot ko sainyo, "hindi ko alam." Hindi ko na kase alam kung saan ako nag mula o anong tunay kong pangalan, pati nga pangalan ng magulang ko ay hindi ko na ma-alala, kase once na mapunta ka sa paradiso, mawawala lahat ng ala-ala mo na naipon sa mundong iyong pinggalingan. Isa pa, pagka-akyat mo sa paradiso ay bibigyan ka-agad ng tungkulin na maging isang guardian ng isang sanggol na ipinapanganak sa iba't ibang mundo, sabi kase ng mga Deus na makikita sa paradiso ay may 23 na mga mundo na kailangan nilang bantayan, oy baka isipin niyo na inaalila lang ang mga napupuntang kaluluwa sa paradiso ah, nagkakamali kayo kung ganon dahil para saamin naman ang pinapagawa sa amin, kapag kase nakapagpapunta kami ng 1000 na kaluluwa sa paradiso ay makukuha namin ang reward na ma-isilang muli, kaya nagpupursige talaga ako. By the way nag-uusap pala ngayon ang Supreme Dea Justo at Kagu tungkol sa wish ni Kagu na kailangan tuparin ng Supreme Dea.

"Talaga po didinggin nyo po ang hiling ko?" Masayang tanong ni Kagu sa Supreme Dea Justo. "Oo, iho, ngunit hindi kita pababalikang muli sa mundong kinamuihan mo bagkus ay may isang mundong kailangan ang isang tulad mo upang masugpo ang kasamaang tinatago doon." Malumanay at makabuluhang saad ng Dea kay kagu....

"U-uhm kung ganon po pala ay hindi ko na makakasama ulit si mama? Pero Okay lang po, ngunit may isang mapangahas na huling hiling po ang hihilingin ko sainyo." Kinakabahang usal ko sa Dea.

"Sana po huwag nyong kunin ang mga kaalaman ko tungkol sa mundo ng mga mortal, dahil ito nalang po ang magiging ala-ala ko sa akin ni ina, nakikiusap po akong kahit wala na akong kapangyarihan tulad sa hiling ko, basta hindi lang po mawawala ang alala ko kay mama, nakikiusap po ako" Pakiusap ni Kagu sa Dea, grabe mahal na mahal talaga ni Kagu ang kanyang ina, hays, na-curious na tuloy ako kung anong itsura ng aking mga magulang.

Ngumiti naman ang Dea, "oo, naman, ngunit maari ba kitang bigyan ng Bagong pangalan bilang reward ko sa iyong gabi-gabing pananalangin sa mga namayapa na dito sa purgatoryo?" Malumanay na paki-usap ng Dea kay Kagu, hala grabe naman, nawa'y lahat nabibigyan ng pangalan ng isang Supreme Being. "Oo naman po, isang pribileheyo sa akin na bigyan ako ng bagong pangalan lalo na't isang Supreme Dea ang magbibigay sa akin nito." Ngiting sagot ni Kagu sa Dea, omo! Nawa'y lahat.

Tinapat ng Dea ang ispada sa balikad ni Kagu na nag pabigla kay Kagu, "huwag kang matakot iho, ito ay ritual lamang nang pagbibigay ko ng pangangalan at basbas saiyo," Malumanay at nakangiting saad ng Dea, na tawa naman ako dahil doon.

"Ikaw na dating si Manuel Kagura Anastacio na namatay sa mundo ng mga mortal ay tatawagin ng Sephtis Kali at ang iyong magiging magulang sa iyong muling pag silang na ang bahalang mag bigay ng apelido na bubuo sa iyong pagkakakilanlan." Saad ng Dea kay Kagu, ay I mean Sephtis Kali, hays, buti pa siya agad mare-reincanate, ako kailangan ko pa ng isa para makapag-reincarnate. "Maraming salamat po, ikinagagalak ko pong binagyan nyo ako ng pangalan." Pasasalamat naman ni Kagu, este Sephtis Kali sa Dea.

"Anak, tandaan mo kahit anong mangyari, Ikaw lang ang may kakayanang pumili ng daang tatahakin mo anak, wag mong pansinin ang ibang nilalang na huhusga sa iyo ah." Paalala ng Dea kay kagu sabay bitaw ng napakatamis na nginti, hays, napaka-ganda talaga ng Dea Justo, I wonder bakit siya nakapiring, paniguradong mas maganda siya kapag wala ang piring niya sa mata.

THE REINCARNATION OF THE PROPHETIC TWINSWhere stories live. Discover now