CHAPTER 38

333 67 6
                                    

ROYALTIES…

PRINCE RHYS' P.O.V

Nang makalabas na ako sa kwarto ni Sephtis ay nakita ko naman silang masayang nag-uusap ng mga kaibigan niya. "Parang kami lang ng grupo." Nasaad ko naman.

Pero napansin ko lang na wala ang gungong na prinsepeng si Tantan kaya naman naisipan kong magtanong sa mga binibining kasamahan ni Sephtis…

"Uhmm mga binibini nasaan ang kasama ko kanina?" Tanong ko sa kanila, dahilan naman para makuha ko ang kanilang atensyon…

"Uhmmm, umalis siya noong tinulungan at pinuntahan mo si Kali." Saad naman nung babaeng may sungay. I think outcast ang tawag sa race niya, pero bakit lagi siyang nakatingin sa baba? So weird.

"Sige wait niyo lang ako ah. Puntahan ko lang siya at papabalikin siya rito upang humingi ng tawad, humanda talaga ang pilyong prinsepeng 'yon sa akin!" Piss-off na saad ko sabay lakad pabalik sa daanang patungo sa kwarto ng gunggong na prinsepeng iyon.

Gunggong na iyon nalingap lang ako ng konti pumuslit na agad. Saan nga ba nagmana 'yon ng kasamaan ng ugali, napakaganda kaya ng ugali ng mga magulang niya…

Binilisan ko pa ang aking paglalakad hanggang sa makapunta na ako sa tapat na pinto ng kwarto ng gunggong na prinsepe at binuksan ito…

Pagkabukas ko naman ay nakita kong nagtatawanan ang grupo at ang gungong na prinsepe. Ngunit nang makita nila ako sa harap ng pinto ay nagsitahimk ang mga ito.

"PRINCE ELIOR DRITAN FARO OF CAZA DE LUZ! BAKIT KA UMALIS KANINA AH?!" Galit na sigaw ko dito. Nakita ko namang napangiwi silang lahat

"K-Kase po k-kuya na-bored po ako kanina-"

"Fuck that reason! Hindi mo ba alam na kapakanan mo rin ang inaalala ko rito?! Paano kung hindi ka nila patawarin at i-report ka ng diretora sa mga magulang mo?! Oh edi 'di kana nakapag-aral, pinagkatiwala kayo ng mga magulang niyo sa akin, paano na lang kung malaman nilang gumagawa lang pala ako ng mga palusot para lang magawa niyo ang mga layaw niyo kahit mali ah?!" Galit paring sigaw ko ko kay tantan…

"T-Triste ku-"

"Huwag ka sa aking mag-triste. Hali kayo sumama kayo, tayong lahat ang mag-titriste tayo sa grupo ni Sephtis!" Saad ko sa kanila.

"Hoy Rhys bakit pati ako damay diyan ah?" Naiinis na tanong ni Prince Breeze Sail Summer, kapatid ni Guenevere, prinsepe siya ng Republica de Agua, may pagkamayabang, babaero, at direct to the point si Prince Breeze Sail Summer, oh mas kilala sa palayaw niyang Breeze…

"Bakit Breeze may angal ka? Gusto mo bang isumbong kita sa mga magulang mo at mapa-uwi ng 'di oras diyan?" Galit na tanong ko kay Breeze. Nakakapikon din minsan pagka-direct to the point niya…

"Tss, crying baby pa nga ang laki na sumusumbong pa. Kahit kailan hindi ka magiging katulad ni Kuya Light yan ang tandaan mo. Kase kaya tayong manduhan ni Kuya Light ng walang halong pananakot." Diretsuhang saad nito na nagpabigla s aakin…

"Breeze! Bakit pati patay dinadamay mo! Minsan kailangan mo ring itikom 'yang bibig mo. Alam mo dapat ang limitasyon mo sa mga sinasabi mo! Masyado kang insensitive!" Sigaw sakanya ni Princess Earth Shainery Rock-hard, Prinsesa ng  Soberania das Terras, small but terrible ang tawag sa kanya dahil sa liit niyang nasa 5'4 ay sobrang tapang naman nito. Sa totoo nga ang tawag sa kanya ay siling labuyo, maliit ngunit ma-anghang, isipin mo ba namang ang kaninang matapang at direct to the point na si Breeze ay napatahimik ni shaine.

"Oo nga, Breeze, grow-up. You are one of the prince." Puna rin naman ni Guen na kapatid niya.

"Ayan mo na siya Shaine at Guen, totoo naman ang sinasabi niya. Hindi naman ako magiging katulad ni Kuya Light, but I can be your Kuya Rhys. No need to defend me." Seryosong saad ko. Ngunit sa loob-loob ko ay napakasakit nung sinabi ni Breeze na iyon, but I need to be mature, I need to hide my own feelings, so that, the people around me will be okay at para hindi rin sila mag-alala.

THE REINCARNATION OF THE PROPHETIC TWINSWhere stories live. Discover now