CHAPTER 24

412 85 34
                                    

TRAINING...

KALI'S P.O.V

Nang pagdilat ko ng aking mata ay nagulat ako saaking nakita...

"Bakit ang dilim." Nasabi ko na lang. "Aba magtatatlong  araw ka ba namang nag-memeditate ano? gabi na kaya madilim ang paligid kuya." Nabuburyong na sagot sa akin ni Guia.

"Totoo nga nay?" Mapaniguradong tanong ko kay Nay Aurelia. "Oo nga magtatlong araw ka ng nag memeditate kaya kumain kana doon, Ikaw na ang susunod Guia kaya umupo kana dito at simulan ng mag-concentrate." Paanyaya sa akin ni Nay Olin na agad ko na namang tinalima, sabay tawag nya kay Guia.

Nang magkasalubong kami ni Guia ay Sumenyas ako sa kanya ng "FIGHTING!" gesture. "Uyy kuya ang Astig ng Ring of Hold mo grabe, at pagkatapos kong mapalabas Ring of Hold ko ay may tsismis ako sa iyo, heheh promise maiintriga ka talaga dito." Pabulong na sabi saakin ni Guia, binatukan ko naman sya at sinabing. "Bilisan mo na para makwento mo na." Pabulong ko ding saad sa kanya.

"Nay! nag-papout na namn po si Guia oh." Sumbong ko kay Nay Aurelia hahaha. "Guia bilisan mo na nga dyan at diba bilin ko sayong huwa-" Naputol ang sasabihin ni Nay Aurelia ng mag dabog si Guia hahaha.

"Oo na po, oo na po, ito na." Padabog sa saad ni Guia sabay upo ng pabagsak. Pero dahil sa biglaang upo nya ay di nya namalayang maymatulis na bato sa uupuan nya kaya ayon natusok sya sa pwet hahaha.

Nang tignan ko ito ay mangiyak-ngiyak at may halong galit ang ipinukol na tingin sa akin ni Guia hahaha.

"SALAVATION: HEALING TOUCH!" Sigaw ni Guia bilang pagtawag nya sa kanyang kapangyarihan na nagpapagaling ng mga injuries. Hinawakan nya ang kanyang pwet at saka ito umayos at nagsimula ng pumikit.

Ako naman ay pumunta na sa hapag-kainan, ng makalapit ako don ay kita ko si Xavier na naka-cuddle kay Kuya Lucian potek! magtatatlong araw lang akong wala pero parang andami ko ng hindi alam ah.

Nang makalapit ako sa kinaroroonan nila, bubusitin ko sana si Xavier ngunit biglang sumenyas ng "shhh" si Kuya Lucian na wala paring emosyon, so tulog pala si Xavier, kaya naman hindi ko na sila ginambala pa at kumain na lang...

...

GUIA'S P.O.V

Muli ko na namang nasilayan ang lugar na malapit sa Solis, ang lugar kung saan kame unang nagkita ni Life.

Na-aninag ko si Life na papunta ngayon sa kinaroroonan ko kaya naman sinalubong ko na sya.

"Kumusta kana Life, tagal nating hindi nagkita ng personal ah." Nakangiting saad ko kaya Life, sa isip lang kase kame nakakapag-usap at hindi harapan. "Ayos lang naman Guia hahaha, mukhang humuhusay kana sa paggamit ng Hold mo ah?" Nakangiting  saad ni Life.

"So alam mo pa lang nag-papractice ako gabe-gabe ah?" Tanong ko sa kanya. Sa tuwing tulog na kase ang lahat ay pumupuslit ako palabas at pupunta ako ng field upang sanayin ang aking Hold. "Hahaha syempre naman noh, magkakonekta kaya ang isip at puso natin, kaya ramdam ko lahat ng nararamdaman mo, at alam ko lahat ng mga pinaggagawa mo, syempre binibigyan naman kita ng privacy lalo na kapag tumatae at naliligo ka hahaha." Saad ni Life na sinabayan nya ng Malakas at nakakainis na tawa!

"Uyy maiba ako, paano pala napapalitaw ang Ring of Hold?" Tanong ko kay Life, wala man lang kaseng binigay na clue si Nay Aurelia kung paano mapapalabas ang Ring of Hold hayss. "Simple lang kailangan mo lang gumuhit ng pabilog saaking noo gamit ang iyong dugo." Saad ni Life kaya naman kinagat ko ang aking hintuturo at pinadugo ito.

THE REINCARNATION OF THE PROPHETIC TWINSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon