CHAPTER 16

520 93 31
                                    

EMBRACE...

KALI'S P.O.V

"Xavier, bakit ba antagal mong maglakad ngayon, bilisan mo nga!" Sigaw ko kay Xavier na naging dahilan para bilisan nitong maglakad.

Nagkayayaan kami ngayon nila Xavier, ako, si Guia na mag-ensayo malapit sa hangganan ng Floresta Encantada. Doon kame mag-eensayo dahil wala namang masyadong pumupunta doon dahil nga pinagbabawala ang lugar na yon tanging ang mga may misyon o mangangalakal lang sa bayan lang ang makakapunta dito, at isa pa, pwede naming ipakita ang tunay naming Hold dito, dahil balak na rin nga naming sabihin kay Xavier ang tunay naming Hold. Naniniwala kasi ako sa kasabihang, "walang lihaman ang magkaka-ibigan."

Ngunit pansin ko, kanina pa wala sa sarili si Xavier, dahil nang papunta kami dito ay limang beses na itong nakabunggo ng Fantsian, at lutang parin ngayong nakarating nakami sa aming destinasyon, kita niyo nga kanina, nakuha ko nang sigawan siya dahil ang bagal niyang maglakad, di naman ganyan si Xavier eh, baka may problema ito.

"Xavier, Ayos ka lang ba?" Di mapigilang tanong ni Guia ngunit parang wala itong narinig at tulala lang, ano kayang problema ni Xavier.

"Hoy, Xavier ayos ka lang?" Tanong ulit ni Guia ngunit parang wala talaga itong naririnig kaya sa inis ni Guia ay sinigawan niya si Xavier.

"Hoy Xavier! Bingi ka ba? Kanina pa kita tinatawag di ka sumasagot!" Sigaw ni Guia kay Xavier habang niyugyog-yugyog niya ito, natauhan naman si Xavier dahil doon.

"A-Ah? Bakit?" Wala sa sariling tanong ni Xavier kay Guia, napangiwi naman kaming dalawa ni Guia, hays, ang laki naman ata ng problema nito.

"Kanina pa kase kita tinatanong kung ayos kalang, shunga ka, maka-ilan na yung tawag ko sa iyo pero parang wala kang naririnig, hays, ayos ka lang ba talaga?" Malumanay na pagpapaliwanag ni Guia, napakamot naman sa batok si Xavier.

"Oo nga Xavier, ayos ka lang ba mukhang ang laki ata ng problema mo?" Tanong ko rin kat Xavier, bigla namang lumikot ang mga mata nito, na nangangahulugang, nag-iisip ito ng kasinungalingan.

"A-Ah, oo, a-ayos lang ako, ano kase, iniisip ko si Nay Olin kung nasaan na ito, oo yun nga." Nauutal na sabi nito sabay kamot ulit sa kanyang batok, hays, halatang nagsisinungaling, pero ayahan mo na nga, sasabihin niya naman ang problema niya kung handa na siya.

"Hays, mukha kang may sakit, ipagpaliban muna kaya natin ang ating pag-eensayo ngayong araw gusto mo Xavier? Para naman makapagpahinga ka" Tanong at paliwanag ni Guia kay Xavier. I agree sa desisyon ni Guia dahil nanlalata at ang laki ng eye bags ni Xavier.

"I agree with you Guia, Xavier pahinga ka kaya muna, masyado ka kasing lutang, sabog, nanlalata, at ang laki pa ng eye bags mo." Nag-aalang saad ko naman kay Xavier, tumango-tango naman si Guia bilang pagsang-ayon.

"Hi-hinde ayos lang talaga ako, tara na mag-umpisa na tayo, ang lakas-lakas ko kaya sinong ma-uunang makalaban ko ah?" Maligalig na tanong ni Xavuer saamin ni Guia, natawa naman kami ni Guia dahil doon.

"Kuya, I think, we need to tell him what our true Holds bago tayo magsimula sa sparing." Panimula ni Guia, ngumiti naman ako at tumingin kay Xavier, gumuhit naman ang pagtataka sa mukha ni Xavier dahil doin.

"A-Anong tunay Holds ang sinasabi mo Guia?" Takang tanong naman ni Xavier, lumapit naman ako sa kanya at tinapik siya sa balikat

"Kailangan na naming sabihin sa iyo ito, dahil pamilya na ang turing namin sainyo ni Nay Olin, pero bago ang lahat, mangako ka na hindi mo ipagsasabi ang lahat ng isisiswalat namin, dahil maaari mapahamak ang mga nilalang na nasa paligid namin." Seryosong turan ko kay Xavier, tumango-tango naman ito.

THE REINCARNATION OF THE PROPHETIC TWINSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon