CHAPTER 45

317 58 38
                                    

RAGING...

ADHIRA'S P.O.V

Gosh mga sis! Ang saya saya ko ngayon dahil nakilala ko ang mga ito! At ang pinakamasaya pa ay yung tatawagin nila akong Ate. Hays sa wakas may gagalang na rin sa akin, gagong Lucy kasi, tunay ko siyang kapatid tapos mas matanda pa ako sa kanya, ni minsan 'di 'ko man lang siya narinig na tawagin akong ate amp!

By the way, hahaha nandito pala kami nila Gi, Sol, at ni Etits sa gitna ng gymnasium at nakapila na, ngayon na daw kasi ilalahad ang section kung saan kami nabibilang, ang posisyon namin ay ganito, Ang una sa amin ay si Etits, Ikalawa si Gi, Ikatlo ay si Sol, at ako naman ang nasa hulihan nila.

"Ate! huhuhu dyusme baka hindi talaga ako holder baka maging bravous ako dyusme huhuhu ayoko doon ang hirap daw ng training nila doon." Biglaang saad sa akin ni Sol, kaya naman naputol ko ang pagmomonologue ko, potek ang OA ah.

"Hays alam mo Sol, kahit saan ka pa mapunta, magpasalamat ka na lang, kesa naman wala kang section 'di ba?" Magulong saad ko sa kanya. Sensya na, mahina ako sa mga seryosong pagpapayo hahaha. Bigla namang kumunot ang noo ni Sol sa sinabi ko na nagpasamid saakin.

"Hays ate, wala namang sense yung sinabi mo, lalo lang akong kinabahan, baka yung maging resulta ay wala akong angkop na section, tapos makikick-out ako sa school, tapos uuwi ako, tapos malalaman nila mama na nakick out ako sa school, tapos itatakwil nila ako dahil doon, tapos magpapagala-gala nalang ako sa lanaangan, tapos pagdidiskitahan ako ng mga manyak, tapos i-rerape ako, tapos, tapos, WAHHHHHH! MAMATAY AKO!" Over Acting na sigaw niya, kaya napatingin sa amin ang ibang mga Irisian, potek kakahiya 'tong babaeng to kapag nagpapanic hahaha.

"Gagi 'wag ka ngang Over Acting diyan hahaha, ipanatag mo na lang ang iyong isip mo tungaks, atsaka tignan mo yung mga taong nasapaligid sayo nalang nakatingin dahil sa sigaw mo kanina." Pagpapakalma ko sa OA na babaeng 'to.

Tumingin naman siya sa paligid at kita niya ngang maraming tao ang nakatingin sa kanya kaya ang gaga, mabilis na humarap saakin at yumuko hahaha pero kita parin ang pamumula ng pisngi niya. 'Yan sigaw pa hahaha. Ilang oras pa ang lumipas at palapit na kami kay Cloppy.

"Ate gusto mo ma-una kana?" Saad sa akin ni Kali habang nakatingin ito sa akin at halatang kinakabahan. Potang mga 'to, sobrang mga OA hahaha. "Etits ang O-OA niyo, sige na nga palit na tayo." Saad ko sa kanya, hays bakit ba sila kinakabahan, parang mga tanga.

"Ate." Pabulong na tawag ng pansin saakin ni Guia. "Oh, ano na naman 'yan Gi?" Tanong ko. "Diba may pak-pak ka na kulay blue?" Tanong naman ni Gi sa akin. "Oo, bakit?" Tanong ko din sakanya.

"Pansin ko lang nitong nagdaang araw, bakit wala na ang mga ito?" Tanong nito saakin, ay oo nga pala 'di 'ko nasabing kaya kong hubarin at itago sa mga ulap ang mga yon hahaha. "Ay oo nga pala, kaya 'ko kasing hubarin at itago sa mga ulap ang mga iyon, pansin mo ba nung isang gabing biglang kumidlat at kumulog ng sobrang lakas?" Tanong ko dito.

"Opo, sa katunayan nga natutulog ako non at nagising ako dahil sa lakas ng kalabog ng kulog at kidlat na 'yon" Saad ni Guia. "Ako ang may kakagawan non. Binato ko kase ng biglaan yung pak-pak ko haha, tapos ayun natamaan ata non ang lugar ng Ustados De Brisa Unidos hahaha." Saad ko dito, bigla namang gumuhit ang pagtataka sa mukha niya.

"Eh, paanong tatamaan ang Ustados De Brisa Unidos doon 'di ba nasa airplane naka-locate iyon?" Takang tanong nito saakin na kinasamid ko.

"Tungaks. 'Di ba nasabi ni Nay Aurelia na ang Ustados De Brisa Unidos ay walang tiyak na lokasyon hahaha naglalakbay lang ito ng malaya sa hangin at himpapawid." Saad ko naman na nagpanganga kay Guia.Napatawa ako sa reaksyon ni Guia.

THE REINCARNATION OF THE PROPHETIC TWINSWhere stories live. Discover now