CHAPTER 29

418 86 28
                                    

BEING EXAMINEE...

KALI'S P.O.V

Kababangon ko lang ngayon at nang tignan ko ang Relógio de todos ay 5:00 AM pa lang na saktong sakto para maipaghanda ko ng almusal ang mga kasamahan ko. Gusto ko kaseng ipagluto ng almusal ang mga kasama ko sa bahay, gusto ko namang ipagmalaki ang cooking skill ko. Wag kayong ano diyan ah, dahil hidden talent ko kaya ang pag luluto noong nabubuhay pa ako bilang isang mortal na tao ay ako ang nag luluto ng sarili kong pagkain kapag nag-oovertime noon si mama

Dahil bawal kumain ng kahit anong karne ng Fera o hayop sa mundong ito ay gulay at prutas lang ang pwede. May kanin naman pero mas gusto ng mga nilalang sa mundong ito ang tinalay, kaya naman napagdesisyunan kong iluto ang specialty kong Sandiwch slash Salad – ang fried spinache with cheese salad bread.

Kapareha lang ang mga gulay at prutas ng mundong ito sa mundo ng mga tao, kaya huwag kayong magtaka kung merong spenach at ibang klase pa ng gulay o prutas dito. Sadyang may ilang puno at halaman lang talaga ang mahiwaga na rito lang makikita.

Inuumpisahan ko na ngayon ang paggisa sa sibuyas. Nang magcaramelized na ang sibuyas ay inihalo ko naman ang piniritong bawang ko kanina at isinabay ko narin ang spinach. Nang masigurado ko nang naluto na ng maigi ang kangkong ay inihalo ko na ang cheese at nang magmelt na ang cheese at dumikit ito sa spinach ay pinalamig ko muna ng ilang oras. Nang lumamig na ay saka ko naman ito ipinalaman sa tinapay.

Inilagay ko na ngayon ang sandwich sa mesa at tumimpla ng black coffee para kay Kuya Lucian at sa akin. Hot chocolate naman kay Guia at hot milk naman kay Xavier.

Hays medyo natagalan ang pagpeprepare ko ng almusal namen, inabot kase ako ng 6:30 pero worth it naman dahil ng tikman ko ang spinache cheese sandwich na ginawa ko ay masasabi kong masarap ang ang lasa neto, 'di ko naman siguro ibaba sarili kong bangko 'di ba?

Lumakad na ako palapit sa pinto. Di naman ako nahirapan na katukin ang mga kwarto dahil magkadikit lang halos ang pinto ng dalawa.

"Mga Señor at Señorita! Handa na po ang inyong almusal, kaya magsigising na kayo riyan. Papalitaw na ang Solis oh!" Katok at sigaw ko rin sa labas ng mga kwarto para magising sila. Katapos nun ay dali-dali na akong pumunta sa mesa, dahil 'di naman mahirap gisingin ang mga kasamahan kong 'yan.

Nang maka-upo nako ay sabay naman ang pagbukas ng mga pinto, kaya napalingon ako...

"Good morning sa inyo." Nakangiting pagbati ko. Kita ko naman ngayon sila Guia at Xavier na nagpupunas ng mata at gulo-gulo ang buhok, habang si kuya Lucian naman ay parang freah na fresh ni gusot na buhok ay wala.

"Morning, aba kuya, saan ka bumuli ng pagkain?" Umihikab na tanong ni Guia sa akin kaya napaliit ang aking mata.

"Hoy, ako kaya naghanda ng lahat ng niyan! napaka ano mo ah! di mo ba alam na hidden talent ko ang pagluluto? Wag kaya kitang pakainin?" Naka-pout na saad ko kay Guia.

"Sorry na haha." Saad naman ni Guia sabay mabilisang umupo sa hapag-kainan.

"Oh ano pangginagawa niyo diyan Kuya Lucian, Xavier? Umupo narin kayo at baka malate pa tayo sa exam." Pag-anyaya ko sa magkasintahan na agad naman nilang tinalima.

Katabi ko ngayon si Xavier dito sa upuan habang katabi naman ni Guia si Kuya Lucian sa kabilang side ng table. Bale kaharap ko si Guia, kaharap naman ni Xavier si Kiya Lucian.

"Wow Kali ang sarap naman nito, ngayon ko lang natikman ang ganitong klase ng pagkain. Ito na ata ang tatapos sa simpleng tinapay at mantikilya sa almusal na sawang-sawa na ako. Ano pa lang tawag dito?" Tanong ni Xavier. Napangiti namna ako ng malapad, dahil sa mga papuri.

THE REINCARNATION OF THE PROPHETIC TWINSTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang