CHAPTER 18

461 89 29
                                    

BATTLE OF SOULS...

AURELIA'S P.O.V

"S-Sino sya Nay Aurelia?" Nauutal na tanong ni Kali sa akin, nginitian ko naman ito sabay sabing, "sya ang Nay Olin mo at ginamit nya ngayon ang kanyang Hold Power na Divine Soul: Sphere of Protection." Saad ko naman kay Kali. Di parin nagbabago ang pagkamangha ko kapag ginamit na ni Olin ang kanyang Hold.

"Kay tagal na panahon simula nang ginamit mo ang iyong Hold, Olin!" Proud na sigaw ko kay Olin, parang noon lang nang magkalaban kami ni Olin dahil gusto niyang ipaghiganti ang asawa niya.

"Kailangan kong gawin ito Òtima, dahil alam kong ako lang ang may kakayanan upang labanan at talunin ang batang iyan at masakit man sa akin ay kailangan kong gawin ito para kay Xavier." Madamdaming saad ni Olin. Totoo naman ang kanyang sinasabi, dahil ang kaya lang tumapat sa Sinful Soul Hold ay ang katulad nyang Divine Soul Holder.

"Huwag mong saktan ng masyado ang bata Olin, pinagtiwala sa'tin ni Supreme Dea Justo ang batang yan." Sigaw na paalala ko kay Olin, tumango namna si Olin at nagfo-focus, siguro ay gumagawa na ito ng taktika.

"Nay Aurelia, matanong ko lang po, bakit di ko po narinig ang pag sigaw ni Nay Olin sa kanyang Hold  para mag activate ito?" Tanong ni Kali sa akin, napangiti naman ako dahil doon, napakamatanong niya talaga, pero mas maganda iyon dahil alam mong gusto niya talagang matuto.

"Anak, kapag kase, bihasa at gamay mo na ang iyong Hold at nagawa mo an ang tinatawag na Ring of Hold ay nagkakaroon kayo ng ugnayan sa isa't isa ng iyong Hold Being." Paliwanag ko kay Kali pero mukhang may katanungan paring gumugulo sa kanyang isipan.

"Pero nay, ano naman magiging benifits ng hindi mo pagsigaw para mag-activate ang Hold Powers mo?" Tanong naman nito ulit, kaya naman ginulo ko ang buhok niya at ngumiti.

"Simple lang, hindi malalaman ng kalaban mo ang susunod mong atake, hindi ba kapag sumigaw ka, mahahalata agad na may gagawin kang atake? So ang mangyayari ay makakapaghanda na ang iyong kalaban." Paliwanag ko ulit kay Kali, nagtango-tango naman ang anak ko at tumahimik na.

Bigla namang napunta ang pansin ko kay Olin dahil bigla na lang itong binalot ng liwanag at nagpalit anyo bilang si Eurydice, the Sphere Of Justice and Loyalty, isang babaeng may dalawang pak-pak, may puting dress na may armor, may puting kalasag, at espadang may puting pak-pak ang hawakan. Paano ko nga ba nakilala ang mga Sphere ni Olin? Well, noong hindi pa ako sinusumpa ni Lucifero at kalaban ko pa noon si Olin, noong panahon iyon ay nagagmit niya sa akin ang siyam na Sphere of Elysium, ngunit di parin ito makapantay sa lakas ko.

"Sineseryoso mo ata ang bata Olin?" Sarkastikong tanong ko kay Olin, tumingin naman ito sa akin na may seryosong mukha. Alam ko lasing kapag ginamit na ni Olin si Eurydice, ibig sabihin ay seryoso na ito, kung kanina ay si Alessia, The Sphere of Protector lang ang ginamit nya bilang pandepensa, ngayon ay si Eurydice na nangangahulugang paggamit nya ng pang-opensa at pangdepensa sa mga atake.

"Dapat lang Otima, dahil ang buhay ng anak ko ang nakasalalay dito." Seryosong sagot naman ni Olin. Hays ang laki ng pinagbago ni Olin simula ng mailuwal niya si Xavier.

"Akala mo ba matatakot ako ng isang Divine Soul Holder? Hahaha para sabihin ko sa iyo, kahit kayong lahat ay magtulungan ay hinding-hindi niyo ako matatalo, dahil ang mababang nilalang ay manantiling mababang nilalang habang buhay!" Nakakapanindig balahibong saad ni Lucian, dahil doon ay napatingin doon si Olin at ngumisi kay Lucian.

THE REINCARNATION OF THE PROPHETIC TWINSHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin