CHAPTER 31

393 76 23
                                    

IRISIANS...

GUIA'S P.O.V

"LIFE OR POWER!" Sigaw ni Kkuya kali na lalong nagpanginig kay Dolores, gosh! ngayon ko lang makitang magalit ng ganito si Kuya Kali, grabe...

Kung titignan mo ang paligid ngayon ay marami ng nahimatay na mga sub-fera isama pa sa mga nahimatay ang mga alipores no Dolores, at mga malalapit na lumilipad Cyclopes ay bumagsak din sa lupa, marami din ang nanginginig at nanonood na kalahok ngayon kay Kuya kali, sa katunayan nga napansin ko din ang panginginig ni Kuya Lucian, kaya naman nabilib ako kay Kuya kali, pero pansin din naman ang jatawan ko at katawan ni Xavier na talaga namang nanginginig at nakatayo ang mga balahibong nanonood sa mga susunod na gagawin ni kuya Kali.

Nagulat anman kami nang nahimatay si Dolores. Ganito ba talaga kalakas si kuya?

"Kukunin ko na lang ang iyong Hold Power." Rinig naming saad ni Kuya Kali sabay may kung anong kulay puting liwanag ang lumabas sa katawan ni Dolores at lumipad ito. Ilang sandali pa ay makikitang pababa na ito. Kaya naman pumalad si Kuya Kali para saluhin ito. Nang masalo na niya ito ay bigla na lang umilaw ito at lumabas dito ang isang maliit na nilalang at kulay bleu na may shade ng white ito.

Naalala ko naman bigla si Lilith. Kaya naman tinignan ko siya ay doon ko nakitang humihinga na ito ng napakabilis na indikasyon na nahihirapan na siya sa kanyang sitwasyon ngayon. Kaya tinawag ko na ang pansin ni kuya.

"KUYA KALI!" Kinakabahang sigaw ko kay Kuya kali. Hindi naman ako nabigong kunin ang atensyon niya. "Bakit Guia?" Tanong naman ni Kuya Kali sa akin. "K-Kuya si Lilith nag-aagaw buhay na!" Naiiyak na sabi ko kay kuya. Kaya naman tumakbo siya sa aming kinalalagyan dala ang maliit na nilalang na galing sa kulay puting liwanag kanina.

"Kaibigan, kaya mo bang mapawalang bisa ang kapangyarihan na iginawad ng babaeng impokrita kanina?" Tanong ni Kuya Kali. Tumango naman ang maliit na nilalang at lumipad paalis sa palad ni Kuya Kali at saka ito pumaibabaw sa uluhan ni Lilith.

"PIFFFFFTTT!" Impit na tili nito nang nasa uluhan na siya mi Lilith. Sabay naman ng tiling iyon ang pag-bitak ng mga yelong nakakapit sa katawan ni Lilith. Nang mawala na ito ay pansin ko namang wala ng malay si Lilith kaya naman sinalo ko siya. Tignan ko naman ang pulso niya. Kaya pinakiramdaman ko ito sa kanyang pulsuhan - ngunit napaluhod na lang ako, dahil sa wala na akong maramdamang tibok dito.

"B-Bakit Guia? Anong lagay ni Lilith?" Takang tanong ni Xavier sa akin. "W-Wala na a-akong m-maramdamang tibok sa k-kanyang p-pulsuhan." Humahagulgol na saad ko sa kanila. Kakikilala lang namin ni Lilith tapos kukunin na agad siya sa amin. Ang sakit naman ng ganun.

"A-Ano!" Gulat na sigaw ni Kuya Kali. "Kaibigan, bakit nagkaganyan siya?" Tanong niya sa maliit na nilalang. Umiling lang ito na nagpapahiwatig na hindi rin niya alam ang nangyayari kay Lilith. Ngunit nabigla na lang ako ng may humawak sa ulo ko at hinimas-himas ito ng mahina,na para bang sinasabi nitong tumahan nako. Kaya naman napatingala ako at doon ko nakita si Kuya Lucian.

"Alam ko na ang gagawin. Kaya 'wag ka ng umiyak." Walang emosyon na pagpapatahan sa akin ni Kuya Lucian - pero kahit wala siyang emosyon ay ramdam ko yung pakialam niya para sa akin.

"Ano ba ang pwede nating gawin para mailigtas si Lilith Kuya?" Punas matang tanong ko kay Kuya Lucian.

"Hindi ba't kalahating demonyo siya?" Walang emosyon na tanong sa akin ni Kuya Lucian."Opo kuya, bakit po?" Balik na tanong ko naman. Hindi niya na lang ako kinibo at lumakad lang siya papunta sa mga kalahok na nanonood.

"Sino sa inyo ang may Hold na konektado sa apoy?" Walang ganang tanong nito.

"A-Ako po. Isa po akong Holocaust Holder. Konektado po ang Hold ko sa apoy." Pagpepresinta ng isang babaeng kulay pula ang buhok.

THE REINCARNATION OF THE PROPHETIC TWINSWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu