CHAPTER 28

406 79 36
                                    

SOFT SIDE...

GUIA'S P.O.V

Naglalakad kami ngayon sa hallway na dinaan namin kanina, kita ko rin si Kuya kali na seryosong nakatingin sa mapa. Kapag naiisip ko ang mga nangyari kanina, naiiyak talaga ako.

Ang sakit naman nun hahaha ang assuming ko kase, dapat pala tinanong ko muna si Kuya Josh kung single pa ito, hays, may asawa na pala ang taong nagugustuhan ko. Ang sakit kaya noh, ganito pala pag first time mong umibig kaso taken na pala hahah.

Di ko na napigilan pa ang emosyon ko at nag-break-down na ang mga luhang pinipigilan ko, kaya yumakap ako agad kay Kuya Kali.

"K-Kuya ang sakit pala ng ganon." Umiiyak na saad ko kay Kuya Kali. "Uyyy napano ka Guia?" Nagtatakang tanong naman ni Xavier, hays pinagalala ko pa ata ang mga kasama ko sa ka-immaturan ko. "Wala lang to wag mo na akong pansinin Xavier." Umiiyak na sagot ko kay Xavier.

"Hayss Guia para saan pa at naging mag kaibigan tayo kung di rin kita madaramayan sa mga problema mo?" Nag-aalalang turan ni Xavier sa akin.

"Alam mo Guia normal lang ang masaktan noh, diba alam mo namang mas malala pa diyan ang pinag daanana ko noon?" Tanong sa akin ni Kuya Kali na pumapatungkol yung pagrereject sa kanya ng taong mahal niya noong tao pa lang siya, sabagay mas masakit nga iyon, pero sa tingin ko ay naka pag move-on na siya roon, kaya naman timungin ako sa kanya at pinunasan ang aking mga luha.

Sabay kong naramdaman ang paghaplos sa akin ni Kuya Kali sa ulo bilang pagpapaluwag sa aking loob.

"You know Guia, you need to learn from your mistake, because, mistakes made us a strong independent person. So smile." Nakangiting pag papaluwag ng aking loob, si kuya talaga kapag seryoso ang usapan, bibigyan ka talaga ng matino at kapupulutan ng aral na mga salita, kaya love na love ko si Kuya Kali. "Salamat kuya ah." Maikling pagpapasalamat ko sa kanya.

"Uyy ano bang nangyari Guia kwento mo naman." Usyoso naman ni Xavier, kaya naman sinabi ko na sa kanya tutal hindi naman kaibigan ko naman siya.

"Wag mo akong i-judge ah?" Tanong ko kay Xavier at tinanguan lang ako nito na nangangahulugang hindi ako nito huhusgahan.

"Ganito kase yan. Na love at first sight kase ako kay Kuya Josh kaso katulad nga ng nangyare may asawa na pala siya kaya ayun nasaktan ako ng konte. First time ko lang kase ma-inlove at makaramdam ng ganito sa isang Fantasian – kahit na sabihin mong mas matanda sa akin si Kuya Josh ay na fall ako agad sa kanya sa unang kita ko pa lang." Kwento ko kay Xavier. Tumango-tango naman ito.

"Alam mo Guia baka "crush" lang ang naramdaman mo kay Kuya Josh at hindi love. Tignan mo niyan, kapag lumipas ang isang linggo o buwan ay malilimutan mo rin siya." Paliwanag sa akin ni Xavier na tinanguan ko na lang dahil pagod na ako tila ba nawalan na ako ng lakas sa lahat ng nangyari ngayong araw, gusto ko na lang magpahinga.

...

Makalipas ang ilang oras ay nandito na kami sa harap ng kwartong pansamantalang tutuluyan namin.

Pinihit na ni Kuya Kali ang pinto at di kami makapaniwala sa aming nakikita ngayon.

"Kwarto lang ba talaga ito?" Biglang tanong ni Kuya kali. "Di kaba namali ng punta Kali?" Tanong naman ni Xavier kay Kuya Kali, kaya naman sinara niya ulit ang pinto at pinakatutok ang mga mata sa plate ng pinto. "Tama naman ang pinuntahan natin ah, see room 233 naman ito." Saad ni Kuya kali.

THE REINCARNATION OF THE PROPHETIC TWINSWhere stories live. Discover now