CHAPTER 58: HELD OF KALI

274 57 3
                                    

Dedicated to: bluesavatar

SEPTHIS KALI PICOSA P.O.V

Naglalakad kami ngayon papunta sa isang lugar na kung tawagin ay "Abadon's Room" kasama si Señor Alto at ang iba pang grupo na nakapasok sa top 10.

"Señor Alto, kung hindi ako nag kakamali ay nakasaad sa rules ng paaralan na off- limits ang pagpunta sa Abadon's Room?" Tanong ko nang maalala ko ang isang sinabi ng Diretora na isa sa mga rules.

"Off- limits siya sa mga students na magtatangkang pumunta doon nawalang pahintulot ng Diretora, pero sa lagay natin ay mayroon akong bas-bas ng Diretora na makapasok sa Abadon's Room" Sagot naman saakin ni Señor Alto.

"Señor! Señor! Bakit po ba bawal pumasok sa Abadon's Room? ano po bang naroon sa loob noon?" Masiglang tanong naman ng isa sa mga Prinsesa na tanda kong may palayaw na Princes Zen.

"Kayo na po ang bahalang tumuklas kung anong nasa loob ng Abadon's Room" Sagot naman sakanya ni Señor Alto, patuloy lang ang paglalakad namin nang may magtanong na naman...

"Señor, akala ko ba pupunta tayo sa Oath Cave Of Supremes? eh bakit sa Abadon's Room tayo pupunta? hays nakakapagod maglakad" Maarteng tanong nito sabay ding nagreklamo, kaya naman napatingin ako sa nagtanong at doon ko nakita ang babaeng humarang saakin at binato ko ng kutsilyo, ang iaa sa mga nean girls, tss arte kala mo naman maganda.

"Well, Miss Antenor, doon kase ang nag-iisang lagusan patungo sa Oath Cave Of Supremes, at kung napapagod kana sa "mahabang" lakaran ay pwede ka namang hindi sumama, wala namang pumipilit saiyong sumama" Malumanay pero puno ng sarkastikong sagot ni Señor Alto sakanya, kita ko namang umikot ang mata ng babae at tumahik, tama kayo ng dinig kanina, Antenor nga ang apelido ng babaeng to, dahil siya lang naman ang nag-iisang anak ng aming Adviser, tss siguradong magkakaroon ng favoritism niyan.

Ilang oras pa kaming naglakad-lakad hanggang tumigil si Señor Alto sa harapan ni isang Pinto na walang struktura kundi isang makalumang pinto ang makikita ngayon, as in pinto lang siya na nakatayo.

"Señor bakit po tayo tumigil sa pintong yan? lumulutang bayan? bakit nakatayo kahit wala namang kinakapitang istruktura?" Tanong ko naman out of curiosity.

"Dahil nanadito na tayo sa Abadon's Room, ang unang lagusan patungo sa Oath Cave Of Supremes" Simpleng sagot lang ni Señor Alto saakin, ilang saglit pa ay kumatok na si Señor Alto sa pinto at sinambit ang salitang...

"Permitted by Diretora" Saad ni Señor Alto, bigla namang bumukas ang pinto at wala kang ibang makikita dahil sa sobrang dilim at tanging kulay black lang ang makikita mo.

"Tara na mga Irisian, pumasok na tayo sa Abadon's Room, pero tandaan niyo lang ah, walang gagawa ng ingay o magsisindi ng ilaw sa loob, dahil baka magising at magwala si Abadon" Paalalang saad ni Señor Alto saamin na tinanguan naman naming lahat, pero na- curious lang ako, sino at ano kaya ang itsura ng Abadon na iyon?

Unati-unti na nga kaming pumapasok sa loob ng Abadon's Room, napakadilim dito salikod, walang liwanag o kagamitang panliwanag ang narito sa loob, ngunit nagulat nalang kami nang may magsindi ng apoy na gawa sa Hold Power niya, at bigla nalang mayroong isang growl na napakalakas ang narinig namin, naging dahilan ng hindi ko pagkakita sa Fantasian na nagsindi ng apoy.

"SINONG LAPASTANGAN ANG GUMISING SAAKIN!" Nakakakilabot na sigaw na gumagundong sa buong kwarto, bigla namang nagsindihan ang mga ilaw na nakapaligid pala sa lugar at doon namin nakita ang tinatawag nilang Abadon.

"I-Isang Black Dragon!" Nanginginig na saad ni Rhys, at nang tignan ko din ang iba ay nanginginig narin sila at kasama na doon si Señor Alto, kami lang nila Guia, Ate Adhira, Kuya Lucian, at Ako ang natirang hindi nangingimig, ano bang meron sa mga dragon at nagkakaganyan sila?

THE REINCARNATION OF THE PROPHETIC TWINSWhere stories live. Discover now