CHAPTER 30

400 79 21
                                    

WRATH...

KALI'S P.O.

"Welcome sa Floreste Albenio, mga Future Irisian." Saad ni Señor Migs. Tatalikod na sana kami ng magsalita ito ulit.

"Siya nga pala, hindi kayo share ng point ng mga kagrupo niuo. Bale magsasama lang kayong magkakagrupo para magtulungan sa pagpapatumba ng isang Sub Fera, ngunit kailangan gumalaw parin kayong lahat, dahil individual parin ang mga points. Example, nakapagpabagsak kayo ng isang Golem na may 1,000 points. Kailangan niyong paghatihin ang points na iyon. 'yon lang sige bibigyan ko pa kayo ng another two minutes para makahanap pa ng mga kagrupo." Paalala ni Señor Migs. Kaya naman angsimula na kaming bumuo muna ng grupo.

"So, I guess dahil apat lang tayo ay kailangan pa nating maghi-"

"Uhmmm, kuya pwede po bang sumali sa grupo niyo?" Tanong ng isang babaeng may sungay at buntot na kulay black na pumutol sa aking pagsalita. Hala wait kung may sungay at buntot sya, gosh! It means demonyo siya?!

"Kuya L-lucian isa ba ito sa mga Sinful Soul mo?" Nag-qaalangan na tanong ko kay kuya Lucian...

"Nope. Lahat ng Sinful Soul ay lalake."
Walang emosyon na saad ni kuya Lucian.

"Uhhhm, kung nagtataka po kayo sa akin kung bakit ako may sungay at buntot. Ito po ay dahil isa akong outcast o yung kalahating demonyong at kalahating Fantasian, pasensya na po sa abala maiintindihan ko po kung 'di niyo ako tatanggapin sa grupo niyo." Paliwanag nito habang nakangiti ng pagkatamis tamis, naguilty naman ako feel ko kase na-offend ko siya.

"No, don't leave. Sama kana sa amin, tutal kulang naman kami ng isa at isa pa ang ganda mo kaya bagay na bagay ka dito kasama kaming mga magaganda at gwapong nilalang hahaha. Ano nga pa lang pangalan mo?" Biglang singit ni Guia at nilapitan niya ang babaeng may sungay sabay kuha ng kamay nito...

"Uhmm, ang pangalan ko ay Akuji Lilith Narezza, 16 na ako pero ang totoong edad ko po ay 116. Mabagal po kase ang pagtanda naming mga outcast." Saad nito na literal na nagpalaglag ng panga naming tatlo, maliban siyempre kay kuyang walang pakialam sa mundo.

"WEH! hala naman wag ka ng magpapo mas matanda ka naman pala sa amin. Pwede bang Lilith na lang ang itawag namin sa iyo?" Maligalig na saad ni Guia na tinanguan naman ni lilith...

"Okay, kaya 'wag ka ng aalis ah. Mula ngayon kaibigan ka na namin!" Saad ni Gia sabay yakap kay Lilith. Nakita ko namang medyo nagulat si Lilith pero gumanti na lang din ito ng yakap.

"Oh, mga bata tapos na ang dalawang minuto. Tandaan niyong kapasok niyo sa gubat ay meron mga Cyclopes - ito ang itsura nila FEWEET!" Saad naman ni Señor Migs na nakakuha ng atensyon naming lahat sabay sipol. May lumapit naman sa kanyang nakakatakot na nilalang na tanging mata lang ang nagsisilbi nilang katawan, may paa rin ito na parang sa ibon at may pak-pak at buntot naman na parang sa dragon.

"Isa siya sa mga Cyclopes na magsisilbing komunikasyon namin sa inyo at upang mabantayan namin kayo nang sa ganon kung may mainjured man ay agad namin itong marerespondihan at may sampung minuto lang kayo para makamit ang score requirements para makapasok sa Academy. Siya nga pala maidagdag ko rin sa mga bubuo ng grupo na kapag pumili kayo ng leader ay otomatikong ang pangalan ng leader ang magiging pangalan ng grupo niyo, NGAYON OFFICIAL NG SINISIMULAN ANG GREAT ENTRANCE EXAM NG CAMPO DE IRIS ACADEMY!" Paliwanag pa ni Señor Migs, sabay pakawala ng cyclopes at sabay din official na pinasimulan ang entrance exam...

Bigla naman umilaw ang mga tuxedo at gown ng mga naka-formal attire kanina. Umilae rin ang gown ni Lilith at nang mawala na ang ilaw ay sa kanilang mga suot ay napalitan na lahat ng iba't ibang armor ang kailang mga suot. Napanganga naman kami nang makita namin ang armor ni Lilith. Naka-bra at panty lang kase siya na gawa sa bakal, pero infairness ang sexy niya. Pansin din ang paglaki ng sungay niya na naging kulay red, at ang buhok niya na naging pink. Napansin naman ata ni Lilith ang aming tingin na ipinukol namin sakanya...

THE REINCARNATION OF THE PROPHETIC TWINSWhere stories live. Discover now