CHAPTER 65: WHO'S THE TRAITOR?

271 57 10
                                    

WHO'S THE TRAITOR

PRINCE RHYS' P.O.V

Naglalakad na kami ngayon ng mga Royalties pa-uwi ng aming Dorm Room namen, kakagaling lang namin sa Igreja dos Deuses, kumuha kami ng mga Bosom Fera, daming umasa kaninang isa saamin ang makakakuha kay Abadon at Fuchsia, hays bakit kaya di nila natupad ang pangako nilang dalawa saamin ang magmamay-ari sa kanilang magkapatid, pero kahit na ganon ay tanggap namin dahil magaganda rin naman ang Fera na napunta saamin.

"Guys, bakit na naman tayo naglalakad? Diba may kakayahan naman tayong mag-ejection?" Tanong na naman ni Zen na parabang pagod na pagod na itong maglakad.

"Zen alam mo mas masarap pa kayang naglalakad ng ganito noh nakikita natin ang mga puno halaman, at mga naggagandahang bulalak, at isa pa ayaw mo bang habang naglalakad tayo ay naguusap-usap tayo ng ganito? Diba ang sarap sa pakiramdam" Paliwanag naman sakanya ni Shaine na kinangiti ko, minsan talaga nagiging mature ang pagsasalita ni Shaine.

"Hays pagod na ako eh, sakay nalang nga ako kay Griffon, APPEAR!" Saad niya sabay tawag kay Griffon, The Griffin, ang kanyang Bosom Fera, lumitaw naman ngayon ang isang nilalang na may ulo at pak-pak ng Agila at mayroong katawan ng isang leon, sumakay naman agad si Zen doon at nagpatuloy na kami sa paglalakad.

"Tsss arte" Walang ganang saad naman ni Breeze na kumuha ng pansin saakin.

"Breeze ayaan mo na medyo bata pa si Zen kaya ganyan iyan" Malumanay na paliwanag ko naman dito.

"Okay trying to be Kuya Light" Bulong naman nito na sakto ko lang narinig, kaya naman hindi na ako kumibo dahil baka lumala lang ang sitwasyon, tanggap ko naman na hindi ako magiging kasing galing ni Kiya Light pagdating sa leadership, hinahangan siya ng lahat mapa-royalties man o mga simpleng mamayan, napakabait nito, ngunit dahil saakin ay binawian siya ng buhay, nawalan ako ng mga ala-ala dahil sa tromang natamo ko noon, tulala nga daw ako ng 2 linggo at ng mabalik nga ako sa reyalidad ay kaunti nalang ang naalala ko sa nangyari, pero alam ko ako ang dahilan ng pagkamatay niya dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa makalimutan ang nakangi at duguang mukha niya ng sasakin siya ng isang babaeng may hawak ng kakaibang klase ng baril, at natatandaan ko din ang sinabi ng babae tungkol sa pangalan ng kanyang baril at ito'y nagngangalang "Parasitic Gun" pero ang mukha ng babae ay nakalimutan ko na, ngunit ang pinagtaka ko lang noon ay mayroon siyang baril peeo bakit isang kutsilyong may lason pa ang pinang sak-sak niya kay Kuya Light, naputol ang pag-iisip ko ng magsalita bigla si ang babaeng kinaiinisan ko...

"Guys! May naisip ako!" Maligalig na saad ng kina-iinisan kong babae, walang iba kung hindi sa Nirvana.

"Ano naman yon?" Walang ganag tanong naman ni Glenn, potek na to parang bipolar talaga minsan makikita napakasaya kapag malapit kay Nirvana, ngayon naman walang kagana-gana, hays iba talaga si Glenn, pero di niya alam na alam naming lahat ng Royalties pwera kay Nirvana at sakanya na alam naming may gusto siya lay Nirvana, tagal na naming alam hahaha si Shaine pa nga ang nagsabi saamin noong mga nasa 11 years old palang kami.

"Pagpraktisan kaya natin ang ating Held at Bosom Fera sa Forester Albenio, diba? Para naman maka-advance tayo sa klase ng Feralogy at Combat Training, sigurado naman kaseng tatanungin tayo ng mga Aprisentador kung nag-advance learning na tayo at sigurado akong tayo ang ine-expect nilang may advance learning na dahil tayo nga ang mga "Royalties" diba?" Paliwanag naman nito saamin, tumango-tango naman ang iba, pero kung ako lang ayaw kong pakinggan ang suhesyon ng babaeng ito, ewan ko ba talagang kahit anong sabihin nito ay parang may nagsasabi saaking tanggihan ko.

"Sige sige mahanda nga ang naisip mo Nirvana" Sang-ayon naman ni Shaine sa sihesyon ni Nirvana kaya naman napabusangot ako.

"Kung ako ang tatanungin ay ayaw ko mas gusto ko pang magpangihanga ngayon, di pa ba kayo pagod guys?" Naka-busangot na saad ko sa mga kasama ko, bigla namang sumeryoso ang mukha nila.

THE REINCARNATION OF THE PROPHETIC TWINSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon