CHAPTER 69: MEET THE CRUEL KING

324 54 4
                                    

MEET THE CRUEL KING...

KALI'S P.O.V

"B-Bakit?" Nanghihinang tanong ko kay Soliel, nginitian lang naman ako ni Soliel.

"P-Patawad, s-sabihin mo na lang kay ina ay tapos na ang aming misyon, sabihin mo din kay Breeze na mahal ko pa din siya, salamat" Habilin ni Soliel na nagpa-gulo sa isipan ko, bumagsak naman sa akin si Soliel ng sak-sakin ito ng paulit-ulit ni Lilith.

"AHHH! Punyeta ka, punyeta ka, punyeta ka!" Galit na galit na sigaw ni Lilith habang tinatad-tad ng sak-sak si Soliel, naawa naman ako sa wala ng buhay na kataaan ni Soliel.

"TUMIGIL KA NA!" Galit na sigaw ko dahil hindi ko na kaya pang makita ang nangyayari kay Soliel, nagulat namana ko ng gumalaw ang braso ni Soliel, bigla itong humarap kay Lilith at isinaksak ni Soliel sa kanyang sariling katawan ang kutsilyo na hawak ni Lilith, bigla namang hinablot ni Soliel ang kwintas ni Lilith at ibinato ito saakin, naramdaman ko namang bumalik ang koneksyon ko kay Death.

"It's payback time!" Sigaw ko, nakita ko namanang bumagsak na ng tuluyan sa lupa si Soliel, katapos non ang paglitaw ng natatakot at nag-aalalang itsura ni Lilith, mukhang alam niya na ang kahulugan nito, agad naman itong tumakbo patungo sa tatlong alipores niya.

"FUCHSIA!" Sigaw ko sa aking Bosom Fera, inilabas ko narin ang aking Held upang pang-protekta saakin dahil bumabato na ng atake ang tatlong alipores ni Lilith.

"KYEK!" Sigaw naman nito sabay lapit saakin, pero naawa naman ako ngayon sa kalagayan ni Fuchsia dahil sa napakalaki pala ng pinsalang natamo niya dahil saakin.

"Kaya mo p ba akong pagalingin?" Tanong ko dito.

"Ibibigay ko ang natitirang lakas ko saiyo owner, KYEEEEK!" Saad nito sabay sigay at ibinuga saakin ang kulay punk niyang apoy, di namab ako napaso, bagkus ay napakasap sa pakiramdam ng kanyang apoy, kaya naman napapikit ako.

Ilang saglit pa ay itinigil na noya ang pagbuga ng apoy at nabigla nalang ako ng biglang pumasok nalang ang nanghihina niyang katawan saaking Held.

"Salamat sa tulong, magpahinga kana aking kaibigan" Bulong ko naman sa hangin ng makapasok na ng tuluyan si Fuchsia, hinawakan ko naman ang patay na katawan ni Soliel at ang walang malay na katawan ni Guia.

Nag-quick step naman ako sa kinalalagyan nila Ate Adhira, Kuya Lucian at Xavier, nang makarating na ako ay naglabas ako agad ng maraming amount ng Death Aura upang medyo ma-shock ang mga lalaking nagbabantay sakanila, kita ko naman ngayon ang katawan nila na walang malay.

"AH!" Sigaw naman ng mga lalaking nagbabantay sakanila sabay sugod saakin, ibinalibag ko namana Umbrella of Death sakanila, nagulat naman ako sa nagawa ng Umbrella of Death dahil naputol nito ng isang birahan lang ang katawan ng napakaraming lalaki na pasugod palang saakin, agad ko naman inilapag si Guia doon sa kilalagyan ngayon ng walang maya na katawan nila Ate Adhira, hindi ko na sila ginising dahil gusto ko ay maghirap ang natitirang apat na iyon sa mga kamay ko.

"Oh Deus e Dea, agora peço que me façam um escudo que envolva e proteja meus entes queridos" Pag-chant ko naman ng isang Enchanment na panggawa ng barrier at inilagay ko ang barrier na nagawa ko sa mga walang malay nakatawan ng aking pamilya.

[TRANSLATION: Oh Deus at Dea, humihing ako ngayon sainyo na gawan ako ng kalasag na babalot at puprotekta sa mga mahal ko.]

Nang matapos ko na ang paglagay ng barrier sa mga katawan nila ay agad naman akong nag-quick step sa kinalalgyan nila Lilith.

Nang makarating na ako ay kita naman ngayon ang pagkabigla sakanilang mukha.

"It's payback time!" Sigaw ko sakanila.

THE REINCARNATION OF THE PROPHETIC TWINSWhere stories live. Discover now