CHAPTER 48

307 56 21
                                    

GLENN...

XAVIER'S P.O.V

Lumiwanag pa ng lumiwanag hanggang sa lumiit na lang ito at naaninag akong tatlong pigura ng mga nilalang na mayroong iba't-ibang bilang ng mga pakpak.

Namilog ang mata ko at napanganga na lang ang naging reaksyon ko nang makita ko ang "bagong anyo" ng tatlong Sphere. Like what the heck! hindi ko in-expect na magiging lalaki at napakagugwapo ng tatlo!

Lumapit ang tatlo sa akin at nag bow bilang pagpapakita ng pagalang.

"Ako po si Haniel, Owner." Pakilala ng isang lalakeng maganda pa sa ibang babae, napaka feminine kase niya, may pale blue siyang buhok, kilay at pilik mata, may medyo bilugan at medyo maliit siyang mukha at mata, may matangos na ilong, may kissable lips, maputi ang kanyang balat, may kulay pale blue din siyang pak-pak, wala itong suot na pang itaas, sa pang ibaba naman ay tanging manipis na tela lang ang tumatakip dito, guys! ang sexy niya!

"Maraming salamat po sa papuri Owner." Biglang saad niya sa akin kaya ayun napakamot nalang ako sa batok ko dahil sa hiya hehe.

"Ako naman po si Raziel, Owner." Pakilala naman ng isang lalaking may gray na buhok, may bilugang maliit na mukha, may medyo kalakihang mata, matilos na ilong, kissable lips, nakaka-akit na jaw line at medyo pointed na baba, may anim na pakpak ito, at may hawak na ispada, ang kanyang outfit naman ay katulad ng k-kay L-Lucian, hayss
erase nga muna yan, kailangan makita ako ng mga Sphere ko na masaya ako.

"Ako naman po si Uriel, Owner." Pakilala naman ng isang lalaking may white at mahabang buhok, na may singkit na mata, matangos na ilong, may matipunong pangangatawan, may dalawang pakpak, tanging pantalon lang ang suot niya at wala itong pang itaas na damit kaya kitang kita ang kanyang mga abs, hays sana lahat may abs.

"Hayaan niyo owner, magkakaroon din kayo ng ganito, gusto niyo bang hawakan abs ko para ma-feel niyo naman?" Mapang-asar na saad nito sa akin. Tsk, tsk, tsk, mapusok ang isang 'to ah.

"Ah! Kay Adrien lang ako kakalampag, oh shocks!" Nabiglang saad ko na nagpatulala at nakapagpanganga sa aking mga Sphere, hala potek, dapat sa isipan ko lang sinasabi 'yon, potek bakit bigla na lang lumabas sa bibig ko and worse nasabi ko pa ng malakas.

"Hala ka owner ah, kahit sinaktan kana't lahat sa kanya ka parin pala kakalampag hahaha." Tumatawang saad saakin ni Philomena na ikinapula ng pisngi ko kaya para 'di halata ay yumuko nalang ako.

"Philo! wag mo ngang ganyanin owner natin, lalo lang siyang nahihiya oh!" Suway naman sa kanya ni Claire.

"Sorry po." Paghingi ng tawad sa akin ni Philomena at saka nagpeace sign, na tinanguan ko naman.

"Future Owner!" May diin na pagkakasabi ni Eurydice.

"Sama talaga ugali!" Saad naman ni Alessia, lumiit naman ang mata ni Eurydice, kaya naman umawat na ako baka saan na naman sila mapunta.

"Tama na 'yan guys." Pagpapatigil ko sabay humarap sa tatlong Sphere at nag tanong.

"Haniel, Raziel, Uriel, may tanong pala ako sa inyo, ano nga palang mga Hold power niyo?" Tanong ko sa kanila.

"Boys hayaan niyong ako ang sumagot niyan." Sabat naman ni Claire, tinanguan naman siya ng tatlo.

"So ganito 'yan owner, 'di ba nasabi na ni Eurydice na kapag bago ang owner ay magkakaroon din ng bagong Sphere? at para silang sanggol na bagong panganak?" Tanong ni Claire saakin na tinanguan ko naman.

THE REINCARNATION OF THE PROPHETIC TWINSWhere stories live. Discover now