•Chapter 4• HIRO

3.1K 132 23
                                    

A/N: pasensya napo kung medyo maikli yung mga chapters. Pero sisikapin ko namang pahabain pa.

"HANNA sama ka mamaya? May liga don sa plaza. Bali tatlo tayo kung sasama ka." pag aanyaya ko sa kanya, syempre para ipakilala nadin sya sa mga nakaka kilala samen at mga kakilala namin dito sa baranggay, sa baranggay kung saan nakatira ang pinaka masasayang nilalang!

"Uhm... Nakakahiya naman sa inyo, tsaka hindi naman ako pala labas ng bahay, kaya maybe next time." naka ngiting pag papaumanhin nya sa akin, mukhang mahiyain talaga sya...

"Ah ganun ba? Sige okay lang. Meron pa namang next time diba?" si Drei naman ang nag salita.

Madami dami din kaming napag usapan nila Hanna at Drei habang nasa daan. Sa totoo lang gusto ko talagang maging kaibigan si Hanna, kase ang gaan ng loob ko sa kanya, parang sya yung tipo ng babae na magugustuhan mo agad yung awra.

Habang nag lalakad kami at nag uusap usap, natanaw na namin ang bahay na nilipatan nila Hanna, medyo may kalakihan ang bahay nila, mukhang may kaya nga sa pamumuhay.

Ng mapatapat kami sa tapat ng gate nila Hanna ay tumigil sya at nahihiyang humarap samin. "Uhm... Guys thank you sapag hatid sakin, hindi ko talaga alam yung gagawin ko kung hindi ko kayo nakita. I lost my phone kasi." paliwanag nya.

"Ano kaba okay lang yun!" sabi ko sa kanya. Medyo napalakas yung boses ko.

"Sige Hanna, una na kami ah? Bye!" pag pag papaalam sa kanya ni Drei at nginitian ko naman sya.

Ng paalis na kami biglang bumukas yung gate nila dahilan para mapatingin kami ni Drei kung sino yung nag bukas ng Gate.

LITERAL NA TUMIGIL YUNG MUNDO KO!

Lumabas mula sa gate nila Hanna ang isang Lalaki na mapapangasawa ko balang araw CHOSS!

"Hanna san ka galing? Kanina kapa hinahanap ni mama." turan nya sa kapatid na ngayon ay naka ngiti na ng pag ka tamis tamis. Odiba? Mas cute talaga sya kapag naka ngiti.

Kambal pala itong dalawa na ito. Pero bakit ganon? Parang ang ganda naman ata ng lahi ng mga to? At ang gagwapo at ang gaganda?

PERO MAS POGI ITONG NILUWA NG GATE!

Halos mag kasing tangkad lang sila ni Drei. Maputi, matangos ang ilong, medyo makapal ang kilay, mapupulang labi, at higit sa lahat! Singkeeeet! BAGAY KAMI!

"Tara na sa loob." bago paman sya maka pasok sa loob ay nakita nya kami ni Drei na naka tayo lang malapit sa kanila. At tinignan nya si Hanna na Sino-sila-Look bilang sagot naman ni Hanna ay ipinakilala nya kami ni Drei sa kapatid nya.

"Kambal ito si Mikee, tapos sya naman si Andrei. Sila yung tumulong sakin kung pano maka uwe." paliwanag ni Hanna sa kambal nya. Napatingin naman yung kambal ni Hanna sa kanya.

"Ikaw maliligaw? Pano nangyari yon eh ikaw nga ang nag pumilit kanina na iwan kita don sa Plaza?" kontra naman ng kambal ni Hanna sa kanya. Habang si Hanna naman ay nag iwas tingin.

" Syempre kambal, hindi naman ako perfect. So guys this is my kambal, Hiro Wyne kamb-" hindi na natapos ni Hanna yung pag papakilala nya sa kambal nya dahil...

"Pffft!" pigil na pag gawa ni Drei.

"Hoy! Lalake? Bat ikay nag tatatawa dyan?" Tanong ko sa kanya, baka naman kase mamaya mangagat to dito, delikado na...

"W-wala Pffft!" pigil nya paden sa tawa nya, habang kaming nasa harap nya nag tataka kung bakit tumatawa itong ugok na ito.

Diko nalang sya pinansin, at nagpakilala na ako "Hello! Ako si Mikee nice to meet you!" masiglang bati ko sa kanya, kahit ang totoo talaga kabadong kabado ako. Ikaw banaman makita ang lalaking mapapangasawa mo. Dika kaya kikigin? HAHAHA landi ko.

"Hi" maikling bati nya sakin. Pero powteeek! Kahit ganon lang parang feeling ko pwede nakong mabangga ng tricycle na dumadaan dito sa kalsada. Ang pogi den ng boses mga bess!

"Eto naman si Drei. Bestfriend ko pasensya kung ganyan sya. Kase kulang yan sa bwuan ng pinanganak. Pagpasensyahan mona." pag papaumanhin ko kay asawa- ay kay Hiro pala.

(・'з'・)

"Nice to meet you." Huh? Bakit kay Drei medyo mahaba yung pag bati nya? Bakit saken Hi lang? Homaaay! Ang asawa ko pinag tataksilan ako! De jok.

"Hmm.. Same here." sagot naman sa kanya ni Drei. Ano naman ang ganap neto ngayon? Kalina tawa ng tawa ngayon seryoso? Aba malala na 'to.

"Hanna pag isipan mo yung sinabi namin sayo kanina ah? Kung makaka sama ka samin sa liga, ipapakilala naden kita sa mga kabaranggay naten." naka ngitung sabi ko sa kanya, at sya naman ay naka tingin lang saken at maya maya namula nanaman sya. Huh? Baka masama nga pakiramdam ni Hanna. Hayysss

"U-uhm... S-sige papaalam l-lang ako k-ay mama." nauutal sya habang namumula. Sabagay may ibang araw pa namang araw para ipakilala ko sya sa mga kabaranggay namin.

"Sasama kami." napatingin naman agad ako sa pwesto ni Hiro, at nagulat naman ako pero diko pinahalata, kase naman! Naka tingin saken yung asawa ko Ugh!

" H-ha? S-sige." nahihiyang sagot ko sa kanya. Omayghad! Wagkang mautal self nakakahiya!

"B-basta mamayang 7:00pm." pinilit kong ngumiti kahit kinakabahan ako. Pano banaman kase akala mo kung sino maka tingen! Pag akoy nainis tignan mo baka ikay ma rape ng wala sa oras HAHAHA JOK

"Ge tol, Hanna, una na kame neto ni Mikee nagugutom nako eh. Makikikain pako sa kanila." sa sinabi nyang iyon ay napa tingin ako sa kanya.

"Dun kanalang kaya tumira sa bahay ano?! Umagahan tanghalian dun kana sa bahay kumakain pati banaman gabihan?! Tapos kapag nakain na tayo kung ano anong sinasabi mo kila Mama at Papa! Napaka sipsip mong lalake ka!" mahabang lintanya ko sa kanya at sya naman ay ngingisi ngis lang saken.

"Don't cha worry! Dun na talaga ako titira HAHAHAH sabay tayo maligo." parang nasasayahan pa talaga sya sa mga kalokohan nya. Tsk napaka swerte talaga neto saken dahil sasakyan ko nanaman ang trip nya.

"Oo nga no? Ako mag sasabon sayo, sa lahat ng parte ng katawa mooooOo~" pag ka sabi na pagka sabi ko noon ay namutla sya at pinag pawisan.

HAHAHA

"Sige pasok na kami daan nalang kayo dito mamaya." pag ka sabi ni Hanna non ay pumasok na sya. Diko alam kung ako lang ba yung nakadinig o guniguni kolang yon. Para kaseng galit si Hanna.

"Owkayyy bye" sabi ko nalang ng maka layo na sya. At yung asawa- ay yung kambal pala ni Hanna ay sumunod na sa kanya.

Ng maibalik ko ang paningin ko kay Drei ay naka tulala padin sya at pinag papawisan.

"Hoy! Ano na? Gusto mo talagang sabunan kita? Ano sagot!" sita ko sa kanya. Sya naman ay biglang natauhan at humarap saken.

"S-sasabunan m-mo t-talaga ako?" hindi makapaniwalang tanong ni Drei na nag pakunot ng noo ko.

"Pffftt! HAHAHAHA naniwala ka? HAHAHAHA" hagalpak ang tawa ko dahil WTF? Naniwala sya? HAHAHAH lokoloko talaga ito si Drei. Akoy nang gigigil.

Ng matapos ang pag tawa ko ng malakas ay napatingin naman ako sa kanya, huh? Bakit naka ngiti to habang naka tingin saken? Tsk baka naisip nya yung ka hunghangan nya.

"Tara nga dito" sabi nya sabay yakap saken, nabigla naman ako sa kanya dahil bigla bilang nangyayakap!

"May dapat ba akong malaman?" Napahiwalay naman ako agad ng yakap kay Drei at tinignan kung saan nanggaling ang pamilyar na boses na iyon.

"Papa..."

"Umuwe kana sa inyo Andrei Kakausapin ko itong Dalagita ko"

HALA BAKA ANO NANG ISIPIN NI PAPA!















To be continue...



@SHYWINGS

My Boy BestFriend is Inlove? [Completed]Where stories live. Discover now