•Chapter 20• Girlfriend

1.1K 106 56
                                    

My Boy Bestfriend Is Inlove?




"LEGIT? Bakla ka talaga?" bakit kase hindi halata sa mukha nya na bakla sya?


"Echosera! Kalina kapa tanong ng tanong dyan! So many many times na ah?!" iritadong sagot nya sakin. Ano bang magagawa ko e sa hindi ako makapaniwala na bakla sya.


"Alam ba ni Hannah to?" malamang alam ni Hannah, kambal nya 'yon eh malamang wala silang secret sa isa 't  isa.

"Yun na nga, sa kasamaang palm, ikaw palang ang nakakaalam na sirena ako na nabubuhay sa ibabaw ng lupa." So ako palang? Dapat naba akong ma touch sa sinabi nya?

"Ako lang? So hindi nila alam? Pati ng pamilya mo?" tanong ko, inirapan nya naman ako.

"Bobita! Kaya nga ikaw lang eh. Gosh, ang slow mo naman, kairita." huminga sya ng malalim at bumunga ng marahas, na para bang pinipigilan nyang masabunutan ako.

"Sorry naman, so bakit ka napadpad dito? Asan na kambal mo?" pag bago ko sa usapan dahil baka mamaya sugudin ako neto sa hinihigaan ko at sabunutan ako nito.

"Nasa house, bad mood hindi makausap, tinubuan kase ng pimple sa pisngi, same kayo beh." maarteng sabi nya.

"Pimple?" tanong ko, na bad mood sya dahil sa pimple?

"Ay hinde, Pigsa." sarkasikong sabi nya saken.

"Alam ko naman. Kaso bakit na bad mood agad? Pimple lang naman eh. Sakin nga oh,  tatlo na sila." Tinuro kopa yung mga pimples ko. Dalawa sa pisngi, at isa sa ilong.

"Yuck... Girl mag skin care ka, ang chaka tignan ng feslak mo." bigla naman akong nahiya sa sinabi nya. Cute naman ako sabi ni Papa at Drei. So hindi ako chaka!

"Ayoko. Gastos lang yan, tsaka diko naman alam kung safe ba yung gagamitin ko o hindi." paliwanag ko sa kanya. Inirapan lang ako ng bakla.

"Ayun na nga. Kaya ako napapunta dito dahil gusto kong itanong sayo kung may IG ba si Drei.

"Huh?" So hindi ako ang pinunta nya?

"Yes, kaya ako pumunta dito dahil mag tatanong ako kung may IG ba si Drei." Maarte na sabi nya,  napaisip naman ako kung meron. Parang wala kase naiinis ako kay Hiro kaya wala' ng IG acc. Si Drei.


"Bakit hindi nalang sya ang tanungin mo?" tanong ko, nakita ko naman kung pano sya mamula. Hah! Confirmed! Type nya si Drei!

"Keshe naheheye eke, hihi." nag salubong naman ang kilay ko sa sinabi nya bat may halong pabebe?

"Walang IG si Drei." hindi ko napigilan ang inis sa tono ng pananalita ko.

"Hmmm... I smell something fishy..." tinignan nyang maigi ang mukha ko, parang hinahalukay ang laman ng utak ko sa paraan ng pag tingin nya sakin.

"Ano?" tanong ko sa kanya. Inismidan nya lang naman ako at inirapan.

"You like Andrei no?" tanong nya sakin. Napa tawa naman ako sa sinasabi nya. Ako? May gusto kay Drei? Syempre wala!

"Wala no! Bat ko naman yon magugustuhan? Eh parang k-kapatid konan y-yon." sabi ko pa.

"Eh bakit parang hindi ka sure sa part na sinabi mong parang kapatid mo si Andrei." sabi nya sakin. Inusod nya ang mga binti ko at doon umupo sa higaan ko.

Hindi na ako nakapag salita sa sinabi nya. Ako? Hindi sure? Bestfriend ko si Drei, yun lang yon.

"Pero that's okay naman. Pwede tayong mag hati, sayo yung upper part, and then sakin yung lower part."

My Boy BestFriend is Inlove? [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon