•Chapter 3• HANNA

3.8K 155 5
                                    

MY BOY BESTFRIEND IS INLOVE?

Kinabukasan, hindi padin mawala sa isip ko yung naging akto ko sa harap ni Drei, sana manlang kasi nag ingat ako sa mga sinasabi ko.

Tsk! Sayang yung Stick-O!

Hays.. Dibale babawi nalang ako sa kanya, pero ano naman kayang pwede'ng ipambawi? Nakakainis! Bakit kase napaka monggi ko!

KIKIAM!

Tumayo nako sa higaan ko, at inyos ang hinigaan ko, nag ayos muna ako ng sarili ko bago lumabas.

Nang maka labas nako ng kwarto ko, narinig ko nanaman si Mama at Papa na nag uusap, pero hindi iyong normal na pag uusap, Malungkot napag uusap.

"Mahal... Hindi na natin maibabalik ang dati, makuntento nalang tayo sa biniga ng Dyos sa atin. Swerte tayo dahil binigay satin ng dyos si Mikee."

Pag aalo ni Papa kay Mama na halata'ng malungkot.

"Pero mahal, hindi ko mapigilan, miss na miss kona ang anak natin." simpatya naman ni Mama kay papa.

Anak? Ang alam ko ako lang ang anak nila Mama at Papa? ang gulo.

"Makuntento na tayo kay Mikee."

"Pero mahal! Iba padin yung lukso ng dugo!" hindi na napigilan na mag taas ng boses ni Mama.

Lukso ng dugo?? Ang gulo.

"Hinaan mo ang boses mo at baka madinig tayo ni Mikee, Hayaan mo dadalawin natin si Mikee mamaya."

Ano? Ako dadalawin? Pucha! Naguguluhan ako!

"Ma? Pa?" Pukaw ko sa atensyon nila,

Ng tumingin sila sa kinaroroonan ko ay bakas sa mukha nila ang pagka gulat.

"A-anak... K-kalina kapa dyan?" Tanong agad ni Papa sa akin.

"Ah.. Hindi naman Pa, kalalabas ko'lang." Pag sisinungaling ko.

Alam kong hindi mabuti ang mag sinungaling sa kanila, pero parang may nag uudyok sa akin na kelangan kong malaman kung ano yung pinutpunto nila Mama at Papa.

"Ma? Pa? Anong pinag uusapan nyo?" tanong ko.

"Punta kana sa lamesa, may pandesal na dyan, mag timpla ka nalang ng Milo dyan." Hindi pinansin ni Mama ang sinabi ko, at iniba ang tugon nya sa'kin.

"Bat ang lungkot mo Ma?" Tanong ko ulet.

"Yung palaman kunin mo nalang sa may gilid lababo, nakatakip dun yung Eden."

Mukhang walang balak sagutin ni Mama yung tanong ko, at si Papa naman ay umiwas ng tingin sa'kin ng tignan ko sya.

Dumaretso nalang ako sa kusina at kumain ng Pandesal.

Habang kumakain ako, hindi mawala sa isip ko yung sinabi ni Mama na Lukso ng Dugo. Hindi ko alam kung bakit parang may kutob ako na meron silang tinatago sakin.

Dadalawin ako mamaya?

San naman nila ako dadalawin eh lagi ko naman silang kasama, summer palang kaya araw araw ko silang kasama, HANGGULO!

Commected kaya iyon sa nangyari sakin dati?

Ayoko nang mag isip baka mabaliw ako. Kaya naman ipinag pa tuloy ko padin ang pag kain ng Pandesal.

"Lalim ng iniisip naten ah?'' Biglang sumulpot sa likod ko si Drei at mukhang bagong ligo ang bugok.

Pumunta sya sa harapan ko at umupo sa tapat ko tsaka kumuha ng Pandesal at kumuha ng dalawang malaking slice ng cheese.

My Boy BestFriend is Inlove? [Completed]Where stories live. Discover now