•Chapter 12• KIKIAM

1.8K 109 19
                                    

MY BOY BEST FRIEND IS INLOVE?

A:N/ So ayun na nga, naka 3k reads na itong story nato, gusto ko kayong pasalamatan dahil sa pag supporta at sakin at sa pag vote kada chapter, madami mang errors pero patuloy nyo pading binabasa to, Salamat sa pag COMMENT at sa pag VOTE sobrang sarap po sa pakiramdam, Matamis tamis😚 HAHAHAHA SO YUN SANA MAGUSTUHAN NYO 'TONG CHAPTER NATO.

"Gutom nako." Napa tingin ako kay Mikee na ngayon ay naka hawak sa tyan nya na hinihimas himas nya pa.

"Ano uwi na tayo?" tanong ko sa kanya dahil malayo layo nadin ang nalakad namin, at kada tao na nakaka salubong namin ay pinag titinginan kami. Siguro ngayon lang sila naka kita ng maganda.

"Gusto kopa sanang mag lakad lakad, kaso yun nga, nagugutom nako." naka nguso sya ng sinabi nya iyon, hindi ko mapigilang mapa ngiti, dahil ang cute nya.

Inilibot ko ang paningin ko at nag hanap ng pwedeng bilhan ng pagkain, at dahil gwapo ako, naka hanap ako ng nag titinda ng fishball at kikiam.

"Ayun oh, bili nalang tayo don, libre ko, may 50 pa naman ako dito." sabi ko sa kanya sabay hila sa kamay nya, hindi ko ipinahalata na nagulat ako, dahil may kung anong dumaloy sa kamay ko pataas nung hawakan ko ang kamay ni Mikee.

Ng maka rating kami doon sa nag bebenta ng fishball at kikiam ay nakita ko na parang ngayon lang sya naka kita ng street foods.

Sa totoo lang ayaw ko talaga ng Fishball at Kikiam, dati na kase akong na food poison ng fisball at kikiam, kaya tumigil nako sa pag kain non, kaya naman si Mikee nalang ang kakain, may buko juice naman din silang tinda kaya yun nalang.

"Ate fishball nga 20 pesos, tas 20 pesos din sa kikiam." sabay abot ko ng pera sa tindera.

"Yung sukli buko juice nalang." busog pa naman ako kaya yon nalang sakin.

"Ano yang pahaba na brown?" tanong ni Mikee sakin, tinignan ko sya, mukha syang walang ka alam alam sa mga ganitong pag kain.

"Kikiam yan, tapos 'yang white na bilog fishball tawag dyan." napa tango tango nalang si Mikee habang pinapanood yung tindera na lutuin yung Fishball at Kikiam.

"Tustado?" tanong ng tindera kay Mikee.

"Po?" Ayun nga, wala nga syang alam sa mga street foods.

"Opo ate." ako na ang sumagot, nakita ko na napa ngiti yung tindera habang hinahalo sa lubog na mantika yung binili namin.

"Ikaw ba ineng eh ngayon lang makakakain ng ganito?" tanong nung tindera kay Mikee.

"A-ah opo, ngayon lang." sagot naman ni Mikee sa Tindera.

"O eto luto na, tikman mo, at halatang anak mayaman ka kaya hindi mo alam itong mga ito. Ang tawag sa mga ito ay Istrit puds  masarap yan." sabay lagay nung tindera sa plastik cup yung kikiam.

Bali kakainin na agad ni Mikee yung Kikiam, pero ninigilan ko sya dahil wala pa syang stick at wala pading sauce.

"Wait, kelangan kase meron ka nito." sabay kuha ko ng stick at itinuhog iyon sa isang pirasong kikiam.

My Boy BestFriend is Inlove? [Completed]Where stories live. Discover now