•Prologue• AN-AN

15.9K 614 130
                                    

My Boy Bestfriend Is Inlove?

@};-

DISCLAIMER LAMANG HO!!!

This is a work of fiction. Names,Characters, businesses, places, events and indecents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons living or dead, or actual events is purely Coincidental

Alright reserved
®️ 2020

DATE STARTED: DEC. 10, 2020

AngelLangKyut
@JisooCFBlack

Prologue.

A/N: Mikee (MAY-KI)
Zandrei Clyde (Zan-Drey Klayd)

2020 koto sinulat pero naganap sya ng 2015 pero yung mga kanta ay pang 2020 hehehe labo no? Bahala ka dyan HAHAHAH.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Mikee's POV

"Mikee! Pumunta ka kila Layla mang hingi ka ng mangkok at bibigyan natin sila ng tinola!" sigaw sa 'kin ni mama.

Nako naman oh? Kung kailan maganda na higa ko saka

naman ako uutusan, tsk! Buti nalang mabait ako.

CHAROT!

"Eto na ma saglit lang mag iinat lang ako ng buto ko napasarap higa eh!" balik sigaw ko kay mama, ang totoo nan kanina pako naka higa dito sa loob ng kwarto ko at nag se-cellphone.

"Ayan! Mga gawaing tamad! Bilisan mo at luto nato!" ARGGGHHHH tinatamad talaga ako lumabas! Kase naman aasarin nanaman ako ng bugok nayon!

Ilang saglit pa ay lumabas nako at nadatnan ko naman si papa na nasa sala at naka upo sa kawayang upuan namin at nanonood ng basketball.

"Pa! Penge akong 53 pang load lang." Lambing ko kay papa.

"Dyan ka sa mama mo mang hingi at matumal ang byahe ngayon at nag u-u-ulan." sagot sakin ni papa at hindi manlang ako tinignan, pano banaman kase busy masyado sa kapapanood.

Taxi Driver kasi sya.

"Eh... Ayaw ko papagalitan nanaman ako non!" maktol ko sabay yakap kay papa.

"hay! O eto. *sabay dukot sa bulsa* wag kang maingay sa mama mo." bigay saken ni papa ng isang..... Resibo????

"Ano to Pa? Di'naman 50 to eh? Resibo to *sabay basa sa resibo"

Nanlaki ang mata ko sa nabasa ko.

"HALA! PAPA THANK YOU!" diko napigilang sumigaw sa tuwa! At niyakap si papa.

Pano banaman kase binilhan ako ni papa ng bago'ng Cellphone!

"Masaya kaba anak? Naririnig kasi kita palagi, nag rereklamo kang laging nag lalag ang selpon mo kaya binilhan nalang kita ng bago." sabay himas ni papa sa likuran ko.

Kumalas ako sa pag kakayakap kay papa. "E papa? Asan na? Tsaka baka magalit si mama."

"Basta wag kalang tamad kapag inuutusan kita Mikee, at diko bibigay sayo ito.''

Nagulat ako ng biglang sumulpot si mama sa likuran ko at itinapat sa harap ko ang cellphone na bagong bili.

"Oo naman ma! Lagi nakong susunod sayo kahit ano payang iutos mo!" masayang sagot ko kay mama.

"Oh eto buksan mona."

Nakita ko yung tatak ng cellphone Hala! Ang gandaaaa ay ayos to! Hindi man katulad ng mga nakikita ko sa mga patalastas na kasing gaganda ay hindi na bale basta may bago na akong Cellphone at pinag hirapan ni Papa 'to kaya talaga namang napaka saya ko!

"Salamat Ma! Sayo din Pa! Ang swerte ko talaga sa inyo!" masayang sabi ko at niyakap silang dalawa.

"Oh sya lumabas kana at kumuha ka ng mangkok kila Layla at yung tinolang niluto ko ay napadami." -mama.

"OKAYYY POOOO!" sabay takbo palabas ng bahay.

Tapat lang ng Bahay namin ang bahay nila tita Layla. Hindi namin sila kamag anak pero close na close ang pamilya namin.

Pumasok nako agad sa bahay nila dahil bukas naman ang pinto at buong mag hapon talaga bukas ang pintuan nila Tita Layla.

Lagi akong feel at home dito sa kanila at ganun din sila sa amin.

"Tita? Penge daw pong mangkok lalagyan lang ng tinola." tawag ko kay Tita Layla.

"Oh! An-An!" Jusko! Ayan nanaman tayo! Sa lahat ng pwedeng maabutan sa bahay nila ay ito pang kumag kong BestFriend.

"Gago! Kelan kaba titigil sa kakatawag sakin na An-An? Wala naman ako non ah? Sadyang maputi lang ako no!" singhal ko kay Zandrei pero ang tawag ko sa kanya ay Drei lang.

"Well.... Titigil lang akong tawagin ka na an-an, kung kikiss mo pwet ko HAHAHA!" putek tuwang tuwa sa kalokohan nya oh?

"Ewan ko sayo! Peram nga kong mangkok at sasalinan ni Mama ng Tinola." sabi ko sabay daretso sa kusina nila.

" Aba! Mukhang masasarapan nanaman ako sa kain neto ah? Dun nalang ako kain sa inyo para mas masaya!" sabi nya with matching talon talon at pumalakpak pa talaga. Tss... Parang bata amp.

"Kay Mama ka mag paala wag saken." sabi ko sabay kuha ng mangkok na malaki at lumabas na ng bahay nila.

"Hoy! Tomboy na'may An-an hintayin moko!!'" sigaw ni drei saken.

Diba sya nahihiya? Sabagay makapal na talag mukha nito simula ng mag kakilala kami.

At oo tama yung nabasa nyo, tinawag nya akong tomboy, siguro dahil sa pananamit ko, lagi kase akong naka jersey na short o dikaya joging pants at sa pantaas naman laging over size T-shirt naman o dikaya long sleeve shirts ako.

Pero Babae po ako!

Mas komportable kase ako kapag ganito yung suot ko.

"Aba! Bilisan mo! At mapapagalitan na'ko ni mama!" sabi ko sabay takbo.

KALA NYA MAAABUTAN NYA'KO? URUR.

"Kikilitiin ko paa mo kapag naabutan kita an-an!" sigaw naman nya at hinabol ako. Ako papatalo sa takbuhan? Bigti na men!


Itutuloy...

My Boy BestFriend is Inlove? [Completed]Where stories live. Discover now