•Chapter14• NICKNAME

1.9K 121 33
                                    

My Boy Bestfriend is Inlove?

"SASAMA ka mamaya sa bahay?" katatapos lang namin mag hugas ng pinggan ni Mikee, at naka upo nalang kami ng basagin nya ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

"Oo naman, kasama si Mama e." sagot ko sa kanya, sya naman ay napa tango lang.

"Sweet ah? Love na love ang mama eh." tudyo nya pa sakin.

"Oo naman sweet talaga ako, ganon kase ako sa mga taong importante saken." nag mamayabang na sabi ko.

"Ang swerte pala ng Mama mo sayo." naka ngiting sabi nya sakin,

"Si Papa den sweet." wala sa sariling sabi nya, may pagka lutang din pala 'to.

"Hala wait!" napa tingin sya sakin sa lakas ng sigaw ko.

"Bakit? Ano meron?" talang tanong nya saken, napa ngisi naman ako at inilapit ng bahagya ang mukha ko sa kanya.

"Sino nag tanong?" biglang tanong ko sa kanya, nag salubong naman yung kilay nya at hinampas ako sa braso.

"Akala ko kung ano, tapos babarahin molang ako?" inis na tanong nya sakin, napangiti naman ako dahil ang cute nya din kapag naiinis o nagagalit.

"Tara, patingin nga ng bahay nyo." tumayo ako sabay hila sa kamay nya, ewan koba kung bakit ang sarap sa pakiramdam kapag hinahawakan ko yung kamay nya o kapag malapit ako sa kanya.

Tsk, malala kana Andrei.

Naabutan namin sila Mama at Tita na nag aayos ng mga gamit, napag desisyonan namin na tumulong nalang sa kanila, tutal andito nadin naman kami.

Mag gagabi na ng matapos kami sa pag aayos ng mga gamit, nakita ko na hinila ni Mama si Tita, napatingin naman ako kay Mikee na Busy sa pag titiklop ng mga damit at inilalagay nya iyon sa aparador.

At dahil umiral ang pagka chismoso ko, sinundan ko sila Mama at Tita, pumasok sila sa kusina at tumigil naman ako sa nakaharang na Ref.

"Kalina kopa iniisip to Marites, pano kung bumalik bigla yang alaala ng bata na iyan? Mas mahihirapan kayo." parang hirap na hirap si Mama sa pag bigkas non. Malakas talaga ang kutob ko na may kinalaman ito kay Mikee.

"Hindi kodin alam, wala naman kasi sa plano ko na kupkupin sya, kaso mapilit si Jun. Dahil kamamatay lang ni Mikee at sabik pa ako sa anak, napa payag nya din ako." Nanlamig ang mga kamay ko sa narinig ko.

Ibigsabihin hindi talaga anak nila tito at tita si Mikee, dahil ang totoong Mikee ay patay na.

"Ano ba kasing ikinamatay ng anak mo Marites?" nanginginig ang boses ni Mama, sigurado ako na ninenerbyos na ngayon si Mama.

"May malalang sakit si Mikee, leukemia sya, huli na nung malaman namin, malala na sya, kulang din kami sa pera kaya natagalan yung gamutan nya, hanggang sa hindi na nya kinaya."napahagulgol ng mahina si Tita, habang ako naman ay nag poproseso pa sa utak ko yung mga nadinig ko.

"H-hanggang isang beses bibisitahin sana namin si Mikee sa puntod nya n-nung may biglang tumawid sa harap ng taxi ni Jun. Nakita na nga namin sya, dinala sa o-ospital, p-pag g-gising nya w-wala na syang maalala, kaya nag p-pakilala si Jun na Kami ang m-magulang nya." mahabang salaysay ni Tita habang yakapyakap sya ni Mama.

Mayamaya pa ay tumigil na si Tita sa pag iyak, ng mag hiwalay sila sa pag kakayakap napatingin si Mama sa gawi ko at nakita ko na nagulat sya.

Nakaramdam ako ng inis, hindi ko alam kung bakit, basta naiinis ako dahil nag sisinungaling sila kay Mikee- hindi pala yun ying tunay nyang pangalan.

My Boy BestFriend is Inlove? [Completed]Where stories live. Discover now