•Chapter 39• ~~

648 67 23
                                    

My Boy Bestfriend is Inlove


"ANG tagal mo kase, may paayos ayos kapa ng kilay, di naman kagandahan." Sabi ni Ezriel, pero alam ko na hindi totoo iyon, dahil maganda si CJ walang halong biro. Pero naiirita lang talaga ako sa bunganga nya, lalo na sa paraan na pag lapit nya kay Drei.


Halata naman kase talaga namay gusto sya kay Drei, pero hindi ba nya naisip na mas bata si Drei sa kanya? Sa inis ko ay naalala ko pati tuloy yung nasa Hospital pa ako, kung pano nya idikit yung katawan nya kay Drei.


Tapos si Drei mukhang gustong gusto nya naman yung ginagawa sa kanya ni CJ. Napatingin ako kay CJ dahil napaka ganda ng ayos nya, dalagang dalaga. At napaka ganda nya.


"I really hate you Ezriel." Mataray na sagot nya kay Ezriel at Malalaki ang hakbang nya na pumunta sa akin at niyakap ako ng mahigpit.


"Na miss kita Jeci, ilang linggo din tayo hindi nag kita." Bakas sa boses nya ang lungkot, ginantihan ko naman sya ng yakap, ayaw ko namang maging bastos sa harap nila.


"Na miss din kita." mahinang sabi ko. Pero hindi nya na ako sinagot at umalis agad sya sa gilid ko, at pumunta sya kung saan naka upo si Drei, sa tabi ko.

"Hey there, Andrei! I missed you!" Sabay sinunggaban nya ng yakap si Drei, hindi ko mapigilang mapatingin sa kabuuan nilang dalawa. Mukha kaya silang mag ate, halatang mas matanda si CJ kay Drei.


"Good evening." Gusto kong sipain si Drei nung sabigin nya iyon, napaka hinhin! Hindi naman sya ganon ah? Hindi sya ganon saken!

" I'm really hungry na..." Nag mamaktol na sabi nya. At umupo na sya hulihan, kung san naka upo ang pangatlong kambal. Nag tataka ako dahil sa ilang linggo na ipinalagi ko dito ay ang kaliwang bahagi ng long table ay hindi inuupuan.


"Maids!" sigaw ni CJ at dali daling may dalawang pumunta agad na kasambahay habang naka tungo.


"Get nyoko ng plate. Yung plate ko ah?" Sabi nya sa kasambahay, nag tinginan naman ang dalawa. Napatingin din ako sa triplets at kay Drei, naka tingin lang sila kung anong ginagawa ni CJ.


Nakita ko na kinulbit ni Ezrill si Ezikiel, t pasikreto silang natawa. Habang pinapanood si CJ na mag utos sa mga kasambahay.


"Ah, señorita Clara, a-alin pong plato nyo?" nakita ko namang napalitan ng iritasyon ang mukha ni CJ habang nakikipag usap sa mga kasambahay.


"Yung color peach." inis na sabi ni CJ sa isang kasambahay. Pero nag tinginan padin ang dalawa. Nadinig ko namang natatawa na yung tatlong kambal.


"A-alin po d-doon sa Tatlo na kulay p-peach?" halatang kinakabahan na silang dalawa, pinanood ko naman ang reaksyon ni CJ, inirapan nya ang dalawa.



"Yung may Flowers, tapos may nga maliliit na butterflies, baka hindi nyo padin alam? 36 plates kolang ang nandito sa bahay nila Tito hindi nyo padin alam? What kind of maid are you huh?" Lalo akong nainis sa ipinapakita nyang ugali, hindi ko gusto. Ganito naba sya noon pa?


"Ah, ate. Ikuha nyo nalang po sya ng plain na plato." Agad napatingin sa akin ang dalawang kasambahay, at kasama nadin don si CJ at Ang Triplets, pati nadin si Drei.


"Excuse me? Bakit plain? Tsaka mga plato ko naman yon." ang kalinang magandang awra ni CJ ay napalitan ng hindi magandang expresyon.


"Kanin padin naman kase ang ilalagay mo don, kaya hindi mo na kailangan ng magandang plato." mahinahon na sabi ko sa kanya. Nadinig ko naman ang mahinang pag buntong hininga ni Drei sa tabi ko.

My Boy BestFriend is Inlove? [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon