•Chapter 9• ASSUMING

2.2K 108 13
                                    

My Boybestfriend is inlove?

Wala sa ariling napa ngiti ako dahil ENEBE! Yung crush ko crush din ako! At mukhang balak pa ata na manligaw!

"Hi Mikee, are you feeling better now?" nakakagaan sa loob yung tanong ni Hanna, dahil alam mo talaga na nag aalala sya sakin.

"Ah oo ayos naman ako, kaso mukhang matatagalan makalakad." sabi ko sa kanya.

"Omygod, please get well soon okay? Here i buy some fruits for you." sabay baba nya sa table yung mga prutas.

Napa tingin naman ako kay Hiro na naka tingin sa bulaklak na hawa nya. Nahihiya ba sya saken?

Weg keneg mehiye.

"Uhm... Para sakin yan?" lakas loob na tanong ko kay Hiro.

"Yeah, binili ni Hanna para sayo, pina bitbit lang sakin." Huwaaaaaat? Hindi galing sa kanya? Saklap naman?

"Ah... Hehe." tanging naisagot ko kay Hiro.

"Pffft!" Napatingin ako sa pwesto ni Drei dahil nadinig ko syang nag pipigil ng tawa habang nag ce-cellphone.

"Pffft! HAHAHAHA!" Napatingin nadin yung kambal dahil sa lakas ng tawa nya.

Pustahan ako pinag tatawanan neto.

Nang mapansin nya na lahat kami ay naka tingin sa kanya, tinignan nya kami sabay angat ng Cellphone nya at ini angat iyon.

"May meme, nakakatawa." sabi nya sabay balik sapag tutok sa Cellphone nya. Pero patuloy padin ang pag pigil nya sa tawa nya.

"Paki lapag nalang dyan sa table." tukoy ko sa bulaklak na hawak ni Hiro na hanggang ngayon ay hindi nya binababa.

Ng ibinaba nya na yung isang bungkos ng bulaklak pumunta naman sya sa sofa para maupo din. At hinugot sa bulsa ang Cellphone nya at doon din nag pipipindot.

"Mikee, are you feeling better na?" napa ngiti naman ako sa taning nya at tinanguan ko sya, kumuha sya ng upuan at umupo sa tabi ko.

"Nag alala talaga ako sa nangyari sa inyo ni Andrei, kase diba manonood tayo ng liga and then hinintay namin kayo tapos nag taka ako bakit kayo natagalan, and nabalitaan nalang namin na nabangga nga kayo ng Van." mahabang pag kukwento nya pa saken.

"Okay na naman ako." napatingin ako sa mga paa ko na walang pakiramdam.

"Wala naman akong hindi kinakaya." pang kukumbsi ko pa sa kanya.

"Kainin mo yung mga fruits na dinala ko sayo ha? And eat healthy foods para gumaling kana agad okay?" sabi nya sabay hawak sa kamay ko ng pagka higpit higpit.

Nag usap usap pa kami ni Hanna ng kung ano ano ng mapatingin ako doon sa dalawang lalaki na naka upo sa sofa.

Nakita ko si Drei na pa ngisi ngisi habang nag ce-Cellphone, at mukhang busy sya.

Tinignan ko naman si Hiro, mukhang busy din sya sa pag Ce-Cellphone habang pinag papawisan.

Huh? Pinag papawisan?

Tinignann ko yung ceiling fan, naka bukas naman sya, malakas pa nga yung hangin tapos malapit sila don.

Bakit sya pinag papawisan? Nakita ko din na namumula yung tenga nya pero naka tutok yung mga mata nya sa Cellphone nya.

Halaaaa... Baka may jowa na itong si Hiro? Pano.na yung future namen??? Wahhhhhhhh

Nakakalungkot lang isipin na yung taong una mong naging crush may jowa na pala.

๏︿๏

Nag tagal pa sila ng ilang oras pero umalis nadin dahil sabi ni Hanna may dadaan pa daw silang dalawa ng kambal nya.

My Boy BestFriend is Inlove? [Completed]Where stories live. Discover now