•Chapter 24• ______

912 77 11
                                    

My Boy Bestfriend is Inlove?


Napag pasyahan ko na humiga muna dahil andito nadin naman ako naka upo sa kama, kaya naman pinilit ko na makapunta malapit sa headboard ng kama at ng makalapit nako doon onti ay inabot ko nalang yung unan ng kaunti at inayos kona ang pag kaka higa, hindi nadin ako nag kumot dahil hindi naman mainit at hindi din naman malamig.


Nasa kalagitnaan ako ng pag tulog ay naramdaman ko na may marahan na humahaplos sa aking pisngi, at ng imulat ko ang aking mata ay nadatnan ko si Mommy na naka tingin sa akin at puno nang pag mamahal ang nakikita ko sa kanyang mga mata.


"H-hi po." tipid na salita kolang dahil baka iba pa ang amoy ng bibig ko, lam nyo na? Ilang linggo na sa Hospital, ilang beses lang din makapag toothbrush simula noong hindi na bumisita si Drei, at madalang lang naman ako bisitahin ni Mama at si CJ naman alternate ang punta doon, Hays, tapos yung mga nurse na nag checheck sakin matataray pa, ano bang mga problema ng mga yon?


"Andito na ang magiging private nurse mo Anak." pag sabi ni Mommy noon ay napa tingin ako sa likudan nya, nakita ko agad ang isang babae na hindi maitatanggi na may angki'ng kagandahan.


"Hi, Ako si Maria Mikaela, pero tawagin mo nalang ako na Maria o Mikaela, pili ka lang sa dalawa parehas naman yon maganda, katulad ko." napa ngiti naman ako sa kabibo han ni Maria Mikaela.


"So maiwan ko muna kayo dito ha? Tutulungan ko lang mag luto ang mga Chef para special at andito na ang aking unika ija." masayang lumabas ng kwarto si Mommy, napa tingin naman ako kay Maria Mikaela naka tingin sya sa paligid ng kwarto at bakas ang pag ka mangha.

"Grabe, ang ganda ng kwarto mo, simple lang pero maganda, sana ako din may ganito." naka ngiting sabi ni Maria Mikaela sa akin na para bang nangangarap sya.


"Pero alam mo? Mas gaganda ito'ng kwarto mo kung mas dadagdagan ng disensyo, magaling ako don! Hindi sa pag mamayabang pero ilan na sa mga kaibigan kong mayaman ang nag paayos sa akin ng mga kwarto nila, ang galing kodaw, well alam ko naman yon, hindi kolang masyadong niyayabangan ang sarili ko." magabang lintanya nya, pero hindi katulad ng ibang madaldal ay hindi sya nakaka inis, sa totoo lang nakakatawa syang tignan, ang daming positive vibes ang naka palibot sa kanya.


"Uhm... Ako si-"

"Alam ko, ikaw si Jeci Cazandra, ang ganda ng pangalan mo alam mo bayon? Nung nabasa ko palang sabi ko sa sarili ko, maganda naman ang pangalan ko pero mas maganda yung sayo, tapos nung nakita naman kita, sabi ko ulit sa sarili ko. Maganda naman ako pero bakit ang ganda mo? Akala ko ako nalang ang natitirang maganda sa mundo, andito lang pala at pilay pa HAHAHAHAH!"

Napatawa naman ako ng bahagya sa mahabang sinabi nya, siguro kung sa iba nya sinabi yon siguradong maiinis o magagalit pero sa akin okay lang, gusto ko yung pag ka pranka nya.


"Wag kang ma Offend ha? Ganito lang talaga bibigko may sariling bubay, medyo bastos pero kinakaya ko naman tong bibig ko." pag kukwento nya naman sa akin imbis na mahimigan ko ang pag ka hiya sa kanya ay pag mamalaki pa ang nahihimigan ko.


"Kaibigan na kita ah? Dahil hindi ako papayag na hindi, halos lahat ng dumaan sa akin na naging pasyente ko naging kaibigan ko, kaya kung ako sayo kaibiganin mo ako dahil pag hindi ihuhulog kita dyan sa terasa ng kwarto mo."

"ilang taon kanaba?" tanong ko.

"28 na." aba, mukhang iyon ang pinaka maikli na salita ang lumabas sa bibig nya.


"Ayaw ko sa matanda." Nanlaki naman ang mata nya aa sinabinko. Napahawak sya sa dibdib at parang naka kita ng multo.

"Ang sama mong bata ka! Hindi pa ako matanda jusko! 28 palang ako!" natawa naman ako sa reaksyon nya.

My Boy BestFriend is Inlove? [Completed]Where stories live. Discover now