•Chapter 31• JOKE

764 74 36
                                    

My Boy Bestfriend is Inlove

A/N: (Boring Chapter again, sorry agad. HAHA)


Jeci Cazandra's POV

NAGISING ako ng maramdaman ko ang isang kamay na humahaplos sa pisngi ko, at ng idilat ko ang mga mata ko ay bumungad agad ang mukha ni Mommy, maganga ang ngiti nya, kaya naman napangiti nadin ako.

"Good Morning sweetheart." malambing na pag bati nya sa kin.

"Good morning din po." tinulungan ako ni Mommy na maka upo mula sa pag kakahiga, at ng maka upo nako ay nag salita sya.

"Ako muna ang mag ba-baba sayo, nasa library ang Daddy mo kasama si Maria at Charles, kakausapin daw sila ng Dad mo." napatango naman ako, dahil naalala ko kagabi na sabi pala ni Daddy ay kakausapin nya yung Charles.

"Kaya nyo po kaya ko?" natawa naman sya sa tanong ko.

" Of course sweetheart, silly." hinaplos nya ang buhok ko at tinitigan ako sa mga mata.

"May mga naaalala kanaba?" mahinahon na tanong nga sakin.

Kung ang tinutukoy ni Mommy ang mga nawalang memorya ko ay dapat konabang sabihin sa kanya na may napanaginipan ako? Kaso hindi magandang ala-ala yun eh.

"Uhm... Actually po m-may napanaginipan p-po." sabi ko naman sa kanya, nakita ko naman agad ang excitement nya.

"Really? What is it? Tell me." pag kukumbinsi nya sa akin.

"Ewan kopo kung ala-ala ko yung napanaginipan ko, pero parang malabo po na kayo yun ni Daddy eh." nahihiyang sabi ko kay Mommy.

"C'mon anak, tell me." pag susumamo nya sa akin, kaya naman napag-pasyahan ko na sabihin na sa kanya.

"Napanaginipan kopo kase na may asawa na nag aaway, tapos po yung pinag uusapan nila kung mag hihiwalay na sila, tapos may babae po na bumaba sa hagdan, tapos sinaway po sila." nanubig ang mga mata nya na ipinag taka ko naman agad.

"Tapos po parang nanonood lang ako sa kanila, hindi kopo maaninag yung mukha nila, sinigawan po nung Lalaki yung Babae, tapos po tumakbo yung babae palabas, parang naka sunod lang po ako sa babae nayon, tumatakbo po sya ng may sumalpok sa kanya. Yun nagising nadin po ako pagkatapos non."

Niyakap naman ako ni Mommy ng matapos ako mag salita. Ramdam ko ng mabasa ang balikat ko, dahil sa pag iyak nya.

"S-sakin pobang ala-ala yon? Kase naguguluhan po ako, kase ang sweet nyo po ni Daddy kaya malabong kayo yun, diba mommy?" tanong ko sa kanya.

Madaling humiwalay si Mommy sa pag kakayakap sa akin at nginitian ako, habang pinupunasan nya ang mga luha na nalaglag mula sa mga mata nya.

"S-sayo ang ala-ala nayon anak. Yun ang araw na nawala ka, dahil nakita mo kami ng Daddy mo na nag aaway." pag papaliwanag nya sa akin, napatango naman ako.

"Pero pwede pobang matanong kung bakit kayo nag away ni Daddy?" tumango naman agad si Mommy at umayos ng upo.

"Onting hindi pag kakaunawaan lang, you know? Masyadong pogi ang Dad mo, kaya naman madali akong mag selos." natatawang paliwanag nya sa akin, pero malikot ang mga mata nya, hindi nya ako matitigan ng daretso sa mga mata.

"Ah... Ganon po ba?" pero hindi ako kumbinsido na ayun talaga ang nangyari, dahil pakiramdam ko may kulang sa sinabi ni Mommy.

"Wait, I'll just get your wheel chair, para makapag ayos kana at maka baba na tayo." bumalik sa sigla ang mukha ni Mommy pero halata na pinipilit nya lang iyon, ramdam ko.

My Boy BestFriend is Inlove? [Completed]Where stories live. Discover now