•Chapter 40• Last Chapter

651 51 3
                                    

My Boy Bestfriend is Inlove

"Ito na nga lang kase. May mga bata tayong kasama oh!" Nag tatalo si Ezrill at Ezikiel sa pag pili ng movie na papanoodin namin.

Nasa isang mahaba kaming Sofa set ako ang nasa pinaka dulo at katabi ko si Ezriel, at nasa kabilang dulo naman si Drei, katabi nya doon si Charles. Kinakabahan ako sa dalawa dahil baka mamaya mag away yon. Ewan koba kase kay Drei masyadong mainit ang ulo kay Charles.

"Okay lang yan! Ang papangit ng mga pinilili mo! Horror na ngalang kase!" walang nagawa si Ezrill sa sinabi ni Ezikiel at naka nguso syang bumalik sa pwesto nya.

Dumating ang isang kasambahay at inilagay ang mga snack sa na nasa small table sa harapan namin.

At ng mag uumpisa na ay halos mabingi ako sa hiyaw ni CJ. Inis na inis ang triplets sa kanya pero mukhang wala syang pake dahil mas lalo nya lang nilalakasan ang pag hiyaw nya.

Ang OA

"Hindi characters palang ang ipinapakita CJ napaka OA mo." inis na sabi ni Ezikiel kay CJ.

"Nakaka takot kaya yung sound track, OMG dapat pala nag dala ako ng comforter!" napairap ako sa sinabi nya.

Sa haba ng sofa ay hindi ko masilip si Drei at Charles. Baka mamaya nag babalyahan na yung dalawa don hindi kopa alam.

Hindi naman nakakatakot ang Movie na pinapanood namin, nakakainis lang, dahil sa mga hiyaw ni CJ, pero natahimik na sya ng mag salita si Ezrill. Kaya naman nakapanood ako ng ayos.

Ng nasa pinaka nakakatakot na part na ay unti unti na akong natatakot, at kasabay ng pag labas ng nakakatakot na nilalang sa Scene ay sumabay doon ang hiyaw ko dahil may humawak sa kamay ko, malamig iyon. Kaya naman napasigaw ako. Nakakakilabot.

Pero mukhang walang kwenta ang mga kasama ko dahil hindi nila ko pinansin. Siguro akala nila ay natakot ako sa pinapanood ko.

"Shh.. Ang ingay." napatingin ako sa tabi ko, at nakilala ko kung kalino ang boses na iyon. Kay Drei...

Natawa sya ng tignan ko sya. Napansin ko na komportable syang naka upo sa isang upuan, yung upuan na nasa dining area, hindi ko manlang naramdaman na pumwesto sya sa tabi ko. Kahit nakaharang arm rest ng sofa ay nahawakan nya padin ang braso ko.

"P-pano ka napunta dyan" hindi ko napigilan ang pagka utal ko lalo na ng makita ko na naka tingin sya sakin na parang tuwang tuwa pa sya.

"Bakit? Natakot ba kita?" inosente na tanong nya. Malamang! Halata naman siguro sa mukha ko diba?

"Bakit ka nandito? Ang ayos ng upo mo don ah?" nag kibit balikat lang sya at sumimangot. Hindi nya pinansin ang sinabi ko at itinuon sa panonood ng TV ang atensyon nya.

Napasilip naman ako sa kalina'ng pinag pupwestuhan nya. Andon si Charles. Prenteng naka upo at nanonood. Seryoso lang sya sa panonood.

Hindi ko nalang pinansin si Drei. Siguro nag iisip bata nanaman to kaya ganito umasta, tsaka kalina kopa napansin ang pag babago ng mood nya ng dumating si Charles kalina.

"Ayaw ko kasing katabi yon, ikaw lang gusto ko." biglang sabi ni Drei na ikinabigla ko nalang. Napatingin agad ako sa kanya. Naka tuon padin ang mata nya sa TV habag nag sasalita.

"Naiinis kasi ako don, masyadong feeling close sayo, eh diba ako lang dapat ng boy bestfriend mo." pabiro kong hinampas ang balikat nya dahilan para mapatingin sya sa akin.

"Napaka damot mo, alangan namang hindi ko pansinin yon si Charles? Iakw din naman ah? Nag reklamo ba ako nung sinabihan ka ni Maria na gusto ka nya. Tapos si CJ den kung maka lingkis sayo parang ahas. Ang tatanda kaya nila sayo. Tapos mukhang tuwang tuwa kapa." Sinabi ko iyon habang pinag lalaruan ang mga daliri ko. Pero ng i angat kona ang tingin ko sa kanya ay malalaking mata ang bumungad sa akin.

My Boy BestFriend is Inlove? [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon