•Chapter 21•Bye

1K 89 34
                                    

My Boy Bestfrien is Inlove?



Mabilis lahat ng pangyayari, dahil matapos idaan ni Drei ang street foods ay hindi na ulit sya nag punta dito. May mga bumibisita naman sakin, pero madalang lang. Si CJ naman saglit lang pumunta dito ang dahilan ay may trabaho padaw sya. At ang mga nag papakilala na magulang ko ay saglit lang din. Dadalhan lang nila ako ng makakain at aalis nadin agad dahil madami daw silang inaasikaso.



Si Mama naman ay hindi pa napunta dito. Kahit silip manlang, hindi ko tuloy matanong kung okay naba si Papa.



Napatawa naman ako dahil para akong preso na nangungulila kung may dadalaw ba sa akin, ang hirap ng kalagayan ko. Sabik nako sa itsura ng labas ng Hospital na ito. May nag bago naba? Dahil sa Dalawang linggo at tatlong araw na nandito ako sa loob ng kwarto na ito ay parang taon na ang pininamalagi ko dito.


Kung tama din ang tantsa ko ay ngayon na lalabas ang resulta ng DNA test, kinakabahan ako dahil may parte sa utak ko na ayaw kong umalis sa puder nila Papa at Mama, pati nadin kay Drei at Tita, hindi ko alam kung bakit.


"Lalim ng iniisip mo girl, lalo kang nag mukhang Frog." napatingin naman ako sa baklang naka harap sakin ngayon.


"Tumigil ka galit padin ako sayo." Nginitian pa ako ni Hiro ng madinig nya ang inis sa boses ko.


Akalain mo banaman, halos sya na lahat umubos ng Fishball at Kikiam na dala sakin ni Drei. Bilang na bilang kopa kung ilan lang ang binigay nyang Fish ball at Kikiam noon, 3 kikiam at 4 na Fish ball.


Ang bakla hindi pa nakuntento, pag katapos banaman ubusin lahat ng bigay ni Drei ay inamoy amoy nya pa yung mga damit ni Drei na naka lagay sa bag.


Pero ng makita nya ang galit at seryoso ko na mukha ay nginitian nya lang ako at nag peace sign tsaka tumakbo, okay lang sana kung umalis sya ng walang bitbit, aba! Dalhin banaman ang short ni Drei?! Kaya naman sa inis ko ay napa sigaw nalang ako. At tanging 'Bye' lang ang isinagot nya. Tuwang tuwa pa ang bakla.


"Grabe girl, hindi ako maka move on sa bango ng short ni Andrei! Kaloka! Napaka bango."


"Umalis ka na nga, baka kung ano pang magawa ko sayo na bakla ka." pag babanta ko sa kanya, pero sya mukhang walang paki alam.

"Oh talaga? Sige nga tayo ka, tapos habulin moko..." pang aasar nya pa sa akin.


"Sige asarin molang ako, tignan natin kung hindi ka mag maka awa saken kapag naka labas na ako dito at naipag kalat yang pag ka sirena mo." pag babanta ko naman sa kanya.


"Uy ito naman hindi mabiro, love na love kaya kita."


"Heh! Tigilan moko Hiro." pag irap ko sa kanya, at hindi nag patalo ang bakla dahil inirapan din ako.


"Look mahal, ang sweet nila." sabay kaming napatingin ni Hiro ng madining ang boses na iyon...


"Kayo po pala..." nahihiyang saad ko sa kanila, nginitian naman nila ako ng matamis na ngiti.


Napatingin naman sila sa baklang nasa loob ng kwarto ko, nag salubong agad ang kilay nila.

"And who's this boy Jeci?"

"I'm Her girlfriend sir. My name is Hiro sir." confident na sabi ni bakla.


Talagang pinanindigan nya ang kalokohan nyang girlfriend nya ako? Pag ako talaga nainis nakooo hindi nito maguhustuhan ang gagawin ko, ibubunyag ko talaga yang maberde nyang sikreto.


My Boy BestFriend is Inlove? [Completed]Where stories live. Discover now