•Chapter 15• RESEARCH

2.1K 144 66
                                    

My Boy Bestfriend is inlove?

NAG kwentuhan pa sila noong pagkatapos namin mag ayos ng mga gamit nila, habang si Mikee naman ay naka tulog na, siguro dahil kagagaling ngalang nya ng ospital ay mabilis din agad syang nakatulog, mukhang napagod.

Ng matapos na silang mag usap nila Mama at Tita, Tito ay umuwi nadin kami, bago ako pumasok sa kwarto ay binilinan muna ako ni Mama na mag linis na katawan, Ayaw kasi nya ng madumi sa katawan, kaya naman umoo nalang ako, hinalikan ko sya sa noo at pumasok sa kwarto ko.

Doon kona pinakawalan yung kalina kopang gusto na ilabas na pakiramdam.

Sa sobrang saya ko ay lumundag ako deretso sa higaan ko, medyo masakit dahil manipis na yung foam ko, pero hindi ko iyon ininda, dahil sobrang saya ko nga.

Nagpa gulong gulong pa ako at inilubog sa unan ang mukha ko, alam kong para akong bakla sa ginagawa ko, pero wala eh, natamaan ako ng malupet.

Siguro mga ilang minuto din bago ako tumigil sa kakagulong at kaka ngiti na parang baliw.

Pumasok agad sa isip ko yung mukha ni Mikee na naka ngiti, salubong yung kilay, lalo na kapag umiirap sya, kahit ano atang ekspresyon ang ipakita nya walang pangit. Perpekto ang lahat para sakin.

"Hays... Tinamaan ako ng magaling." iiling iling na sabi ko sa sarili ko at tumayo na sabay nag lakad papuntang cr para mag linis ng katawan.

Ng matapos na akong mag linnis ng katawan ay pumasok na ako sa kwarto ko at kinuha ko ang cellphone ko. Inopen ko ang Faceboom App ko at sinearch ko agad yung pangalan nya.

Hindi man ako sure kung meron dahil kakagaling nya lang sa ospital, at hindi naman talaga Mikee ang pangalan nya.

Kahit may pag dadalawang isip na i search ko ng pangalan nya y ginawa konadin para matahimik yung utak ko.

May mga lumabas pero inisa isa ko lahat. Pero wala talaga, napabuntong hininga nalang ako.

May isang ideya na pumasok sa isip ko, at agad ko naman iyong ginawa. Sinearch ko sa search box ang salitang "Missing" at ng matapos mag loading ay madami agad na nag pop out sa wall ko, mga taong nawawala..

Hindi paman ako nakakalayo sa oag hahanap sa wall ko ay nakita ko agad ang isang pamilyar na mukha. Ang mukha nya.

"Jeci Cazandra Zamora?" patanong na basa ko sa pangalan na nakalagay doon, hindi ako pwedeng mag kamali, sya nga iyon, nanlamig ang kamay ko ng pindutin ko ang picture nya, bakas sa mukha nya na hindi sya mahirap, wala syang ka ngiti ngiti sa picture, ng tignan ko kung sino ang nag post ay nag salubong agad ang kilay ko.

"Martha Zamora." Basa ko sa pangalan ng babae na ang post, ng makita kona ang timeline nya ay nagulat ako dahil sa pustura nya palang ang talaga namang tingin palang ay makikita mo na mayaman at makapangyarihan ang datingan.

Tinignan kong mabuti ang mukha nya at nakita ko na magkatulad sila ng mata at ilong. Matamis itong naka ngiti sa camera at mukhang mabait.

Private ang account nya, kaya naman hindi ko ma stalk. Pero ng tignan ko ang caption kung saan ko nakita ang mukha ni Mikee ay agad ko na binasa iyon.

Missing: Jeci Cazandra Zamora
Age: 15yrs old
Last Seen: School Of Empire (SE)
Missing Date: August, 4, 2XXX

Reward money whoever sees her: 1M

PLEASE HELP US TO FIND MY DAUGHTER.

My Boy BestFriend is Inlove? [Completed]Where stories live. Discover now