•Chapter 18• Sorry

1.3K 146 63
                                    

My boy Bestfriend is inlove?

Napatulala sakin si CJ dahil sa pag sigaw ko sa kanya, pero di kalaunan ay nginitian nya ako at nag paalam para mag banyo, napikon lang naman kase ako dahil ang ingay nya, yun lang pero mas naiinis ako kay Drei dahil dati naman ako lang yung pinipisilan nya ng pisngi. Tapos ngayon may iba na.

Nakakainis!

Wala sa sariling napa irap ako, kelan pa natutong lumandi iyon si Drei? Kelan pa? Kapag naman dati kapag may ibang babae na nakakalapit samin hindi nya masyadong pinapansin, tapos ngayon pinansin nya si CJ? Nakakairita.

Sabagay hindi ko naman sya masisisi at alam ko sa sarili ko, at malamang sa paningin din ni Drei, na maganda si CJ, pero yung ganda nya ewan ko kung bakit ako napipikon. Hindi sa insecure ako, hindi kolang talaga alam kung bakit.

Nakaidlip ako ng sandali, pero nagising ako ng may tumatapik ng marahan sa pisngi ko, ng mag dilat ako ng mata at tignan ko kung sino yon ay napairap ako agad.

"Oh anong ginagawa mo dito?" mataray na tanong ko sa kanya.

"Ano paba? Edi babantayan ka! Utak neto napaka liit talaga." maarteng sabi nya.

"Kaya ko naman dito mag isa, hindi nako baby, lumabas kana, baka iniintay kana ni CJ." halos pabulong kong sinabi yung huling salita na binigkas ko. Napa taas naman ang kilay nya doon.

"Boring kana dito no? Gusto mo sayawan kita?" mapang asar na sabi nya saken, napairap naman ako at tinignan sya.

"Ikaw? Kelan kapa natutong mag sayaw? Sa ilang bwuan na nag kasama tayo hindi pa kita nakitang sumayaw Zandrei Clyde." maarteng sabi ko naman sa kanya.

"Sus, syempre Hidden talent koyon no. Kaya diko masyadong ginagawa." pag mamayabang nya pa.

"May nalalaman kapang hidden talent, oo na hidden, kaya itago mo nalang wag monang ilabas yang talent nayan." napa hawak naman sya sa dibdib nya na parang nasasaktan.

"Makapag salita to kalamo maganda." panrinig nya sakin, at pumunta sya sa couch at doon naupo, napa taas naman ang kilay ko sa sinabi nya.

Edi dun na sya sa CJ nya!

"Kesa naman sayo, kala mo gwapo matangkad lang naman." sabi ko sa kanya, inirapan nya lang ako at nahiga doon.

Bumukas ang pinto ng pumasok si CJ na masama ang mukha, parang wala sa mood. Ng tignan ko sya ay sandali syang natigilan at maya maya pa ay ngumiti sya.

"Hi Jeci!" sabi nya sabay daretso sa tabi ko.

"Jeci, napunta ba dito si Zandrei? kanina kopa kase sya hinahanap eh." humawak pa sya sa kamay ko nung sinabi nya iyon.

"Hinahanap moko?" halos tumirik na ang mata ko sa sobrang pag irap.

Bigla namang nawala sa tabi ko si CJ sa tabi ko at nakita ko naman sya agad dun sa couch kung saan kaninang naka higa si Drei.

"OMG! Kalina pa kita hinahanap! Kala ko umalis kana! OMG!" napa ngiti naman si Drei sa sinabi ni OMG— ah este CJ.

"Bat naman ako aalis?" naka ngising sabi pa ni Drei.

Nag usap sila ng nag usap, na para bang silang dalawa lang ang nandito sa loob ng kwarto nato.

Naiinis nadin ako sa sarili ko dahil habang nakikita ko silang dalawa na masayang nag uusap ay parang may kung anong pakiramdam na bumabalot sakin.

5:50pm

Hapon na ng dumating ang dalawang mag asawa na Mommy at Daddy ko daw.
5:50 na pero hindi padin sila tapos mag harutan sa couch na iyon, natigil lang nung dumating sila Mommy at Daddy kodaw.

My Boy BestFriend is Inlove? [Completed]Where stories live. Discover now