Chapter 1

3K 46 10
                                    

** Ewan, bigla ko lang din gusto yung ganitong set up ng story **

------------

Sa isang mayaman at sikat na unibersidad nag aaral si Chaeyoung Park, ang JK Unniversity. Ito ang kilalang unibersidad sa bansa dahil narin sa laki at ganda ng eskwelahan. Dahil dito ay maraming mayayamang pamilya ang nagdesisyong dito pag aralin ang kanilang mga anak. Pero ibahin niyo si Chaeyoung, she's not rich. Hindi mayaman ang kanyang pamilya, kung tutuusin ay may maliit lang silang pwesto sa palengke at doon nagtitinda nang kakanin ang Mama niya. Samantalang mekaniko naman ang Papa niya. Kaya siya nakapasok sa unibersidad na ito ay dahil nakapasok siya bilang scholar. Walang dudang matalino si Chaeyoung, nagpupursigi siya para narin pagdating ng araw ay makatulong na siya sa kanyang magulang at maiahon ang mga ito sa kahirapan at masuklian naman niya ang ginagawang paghihirap ng mga ito para sakanya.

"Chaeyoung anak, mag iingat ka. Ingatan mo yang uniporme mo at napaka mahal niyan. Pasensya kana at isang pares lang ang nabili namin ng Papa mo, hayaan mo at mag iipon kami para may pamalit ka." Sabi sakanya ng ina niyang si IU.

"Ma, okay lang po. Pwede ko naman ito labhan agad pag uwi. Wag na po kayong mag alala ni Papa. Mas pag ipunan niyo po ang gamot niyo. Okay?" Naka ngiti niyang sabi dito.

"Ikaw talagang bata ka. Osha na umalis kana at baka mahuli ka pa sa unang araw mo sa klase." Sabi ni IU sa anak.

"Sige po Ma, salamat po sa almusal. Alis na po ako." Paalam ni Chaeyoung  sabay halik sa pisngi ng Ina.

Ang totoo lang niyan ay kinakabahan siya. Sino ba namang hindi kakabahan sa unang araw mo sa pinaka kilalang eskwelahan sa bansa?
Mabuti nalang at agad namang nakasakay ng jeep si Chaeyoung. Ayaw niya rin naman malate sa unang araw ng pasok niya rito.

Sa labas palang ng gate ay kapansin pansin na ang ganda at laki ng JKU. Sa laki nga ng gate nito ay mukha na itong palasyo. Napansin niya rin ang mga estudyanteng bumababa sa kanikanilang mamahaling sasakyan. Halatang may mga kaya ang mga estudyante dito dahil nadin sa mga abubot nila sa katawan.
Di niya maiwasang hindi mamangha at mapa nganga sa laki at ganda ng makapasok na siya sa loob. Di nakakapag takang maraming gustong makapag aral dito, kaya naman di niya sasayangin ang pagkakataong binigay sakanya.

"What the! Di ka ba tumitingin sa dinaraanan mo?!" Singhal sakanya ng babaeng naka bungguan niya. May kasama rin itong dalawa pang babae.

"Sorry! Hindi ko sinasadya.. pasensya na." Gusto niyang batukan ang sarili. Napasobra kasi ang pagkamangha niya sa ganda ng JKU.

"I don't care! Sa susunod tumingin ka sa dinaraan mo! Wait.. bago ka lang dito. Ngayon lang kita nakita." Ngisi sakanya ng babae sabay tingin sakanya mula ulo hanggang paa. Nakita niya pang nagtawanan ang tatlo.

"Pag naulit pa to, I'll make sure na hindi maganda ang mararanasan mo dito sa school." Pananakot sakanya nito. Napa lunok naman siya ng wala sa oras.

Ito na nga ba ang sinasabi niya, maaarte kasi ang mga mayayaman. Paniguradong kawawa siya kapag may naka alitan siya sa mga ito.

"Nambubully ka nanaman ba, Nancy?" Rinig nilang sabi ng isang magandang boses. Nakita niya rin kung paano umamo ang mukha ni Nancy at ng mga kasama nito. Kaya naman napalingon siya sa likod kung saan nanggaling ang boses.

Pagharap niya ay tatlong magagandang babae ang bumungad sakanya. Ang isa ay matangkad, may bangs at may doll eyes. Samantalang ang isa naman bumagay dito ang itim na buhok at kapansin pansin ang heart shape lips nito. Pero ang nasa gitnang babae ang talagang naka agaw ng pansin niya. Napatitig siya sa cat eyes nito na para bang anytime ay hahatakin siya. Pulang pula rin ang chubby cheeks at ang labi nito. Maganda ang tatlong babae pero parang mas nagagandahan siya sa babaeng mala pusa ang itsura.

Why me?Where stories live. Discover now