Chapter 65

729 30 27
                                    

"N-no, hindi to totoo. P-patay na kayo.. diba?" utal utal at takot na sabi ni Kai sabay turo kina Mark at Ella na nasa tabi ko.

Natawa naman si Ella dahil sa reaksyon niya.

"Kami? Patay? Haha! Sorry Kai, pero hindi kami napatay ng mga taong inutusan mo." sagot sakanya ni Ella. Narinig ang pag singhap ng lahat ng tao dahil sa narinig.

"This can't b-be.. patay na kayo! Paanong...-" tarantang sabi ni Kai.

"Ganon ba talaga kaliit ang tingin mo samin at sa tingin mo hindi namin napaghandaan ni Ella ang plinano mo?" Mark said. Alam kong sobra siyang nagpipigil ng galit niya dahil sinabihan ko siya na wag gagawa ng bagay na pwedeng ikapahamak niyo o nang pwedeng ilaban ni Kai sakanya.

"Diba sabi naman namin sayo, babalikan ka namin Kai? and this time we will make sure na di kana makakatakas sa batas. Pagbabayaran mo lahat ng ginawa mong kahayupan samin." nag ngingitngit na sabi ni Ella kay Kai.

"N-no.. hindi niyo ako mapapabagsak! kahit anong gawin niyo kahit magsama-sama pa kayo!" napailing nalang ako. Nagagawa niya paring mag tapang-tapangan kahit na alam naman niya sa sarili niyang wala na siyang matatakbuhan pa.

Ni minsan ba hindi siya nakonsensya sa lahat ng ginawa niya? ganon na ba talaga kasama ang ugali niya? O sadyang ganon na talaga siya simula palang?

"Kami ang magiging witness laban sayo. Kaya humanda ka, dahil malalamig na rehas na ang makakasama mo Kai." sabat naman ni Mark sa tabi ni Ella.

Halo halong emosyon ang makikita mo sa mukha ni Kai ngayon. Ni hindi ko na nga mawari kung anong nararamdaman niya ngayong oras na to. I know wala na siyang matatakbuhan dahil kahit parents niya ay napapanood to ngayon. Yes naka broadcast to sa buong mundo, for them to know kung anong klaseng tao si Kim Jongin. Hindi ko naman sana intensiyon na ipahiya ng ganito ang pamilya nila pero wala na akong ibang choice. I need to do this ng sa ganon ay masiguro ko na wala na siyang malalapitan pang iba.

Dahan dahan akong napatingin kay Kai na nakatingin din pala sakin. Agad naalarma sina Bambam at Chaeyoung nang dahan dahang humakbang palapit sakin si Kai kaya humarang sila sa harapan ko habang napatayo naman sina Lisa at Jisoo sa likuran ko. Sinenyasan ko naman ang ibang body guards ko na bantayan sina Mark at Ella.

Kita ko na nakayukom na ang mga kamay ni Chaeyoung, tila ba handa na siya anumang oras para saktan ang lalaking palapit na samin at di ako papayag na masaktan siya kung sakaling magkagipitan.
Kaya hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya sa likuran ko, agad naman napatingin sakin si Chaeyoung at Bambam.

"Wifey-"

"It's okay Hubby.. dito ka lang huh?" sabi ko agad sakanya. Alanganin siyang tumingin sakin samantalang tumango naman ako kay Bambam at agad kong hinarap si Kai na nasa harapan ko na ngayon. Hindi ako nag baba ng tingin, hindi na ako natatakot sakanya. Gusto kong ipakita sakanya na wala na siyang epekto sakin.

"Masaya kana?" tanong niya sakin. Kumunot agad ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Magiging masaya lang ako kapag nakita na kitang nasa kulungan Kai. Magiging masaya lang ako kapag nakita na kitang nagdudusa at pinagsisisihan lahat ng ginawa mo." sagot ko sakanya.

Nagagalit man siya ay nagawa niya pang ngumisi sakin na hindi ko nagustuhan.

"Tingin mo ba matutuwa ang anak natin sa ginagawa mo ngayon Jennie?" nanlaki ang mata ko sa tanong niya sakin. Rinig ang pag singhap ng lahat ng tao sa paligid dahil sa sinabi niya and I immediately clench my fist.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 22, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Why me?Where stories live. Discover now