Chapter 11

475 27 4
                                    

Derecho lang ang lakad ko nang makarating ako sa tapat ng pintuan nang unit niya. Hindi na ako kumatok at walang pag dadalawang isip na binuksan ang pintuan at agad ko siyang pinuntahan sa sala.
Doon ay nakita ko nanaman ang mga iilang can ng beer, habang ang isa naman ay hawak hawak niya pa.

Naka tingin lang siya saakin at para bang di naman siya nagulat na nandito ako.

"Let me guess. Tinawagan ka nanaman ni Chahee kaya ka nandito?" sabi niya saakin sabay inom sa hawak niya.

"Yes, She's worried about you. Hanggang kailan ka ganito Jendeuk?" tiim bagang kong tanong sakanya.

Hindi na siya ang Jennie na kilala ko. Sa loob nang ilang taon, nag bago na siya.

"As long as I want too, Jisoo." walang emosyon niyang sabi sakin.

I'm hurt. Ni minsan di na niya ako tinawag na Chu. Jisoo

Lumapit naman ako sakanya sabay kuha nang hawak niya. Inubos ko ang laman non nang sa ganon ay matigil na siya sa pag iinom.

"Kadarating mo lang alak nanaman inaatupag mo. And di mo manlang naisip na sagutin ang mga tawag namin! Alam mo bang nag aalala kami sayo?!" di ko na mapigilan at nasigawan ko na siya. Di ko siya kayang makitang ganito.

"Wala naman akong sinabi na mag alala kayo." sagot niya sakin na lalong nagpapainis sa nararamdaman ko.

"But we do! For pete sake Jennie! Ganito ka nalang ba habang buhay?! Nandito naman kami pero bakit di mo kayang mag open samin ng mga nararamdaman mo? Mula nang umalis tayo dito noon nawala kana. Nagbago kana.. ano bang kailangan naming gawin Jen? Anong kailangan kong gawin?" mahina kong sabi at di ko na napigilan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Galit, inis, pagka awa at pagka miss sakanya ang nararamdaman ko. Hindi siya ganito. Sa aming tatlo siya palagi ang nagpapalakas ng loob namin ni Lisa. Siya palagi ang malakas ang loob saamin. Pero ngayon.. iba na.

Naramdaman ko namang tumayo siya at lumapit saakin. Pinaka titigan niya lang ako.
Hinihintay kong yakapin niya ako ng mahigpit at sasabihing tumahan na ako katulad nang ginagawa niya noon pero hindi.. wala siyang ginawa. Sa halip ay walang emosyon lang siyang naka tingin saakin.

"Umuwi kana Jisoo.. I'm okay." yun lang ang sinabi niya sabay nag lakad na palayo at pumasok sa kwarto.

Napa upo nalang ako at mas naiyak pa. Anong klaseng kaibigan ako? Wala manlang akong magawa para sakanya?
Bakit Jen? Bakit ka lumalayo saamin?

Hindi ko alam kung gaano ako katagal umiiyak nang mapag desisyunan kong iligpit ang mga naka kalat.
No. Wala akong planong umuwi. Hindi ko siya iiwan nang ganito. Kung pwede lang na palagi ko siyang samahan ay ginawa ko na, pero ayaw niya ng ganon. Ni papasukin niya nga kami sa kwarto niya ay di na niya ginagawa. Marami nang nag bago. Marami nang nag bago sakanya.

Nang matapos akong makapag ligpit ay napa upo nalang ako sa sofa. Dito nalang ako matutulog sa ngayon. Maya maya lang ay nag vibrate ang phone ko. Tumatawag pala si Lisa.

"Chu? Kamusta siya?" Sabi niya pagka sagot ko ng tawag.

"Ganon parin.. hindi ko na alam gagawin ko sakanya Lisa." Pag amin ko sakanya. Narinig ko namang napa hinga siya malalim. Katulad ko ay sobra narin ang pag aalala ni Lisa para kay Jendeuk.

"Di natin siya pwedeng sukuan Jisoo.. tayo nalang ang natitira sakanya. I know, nag tatapangtapangan lang si Nini pero nasasaktan siya. Mahal niya tayo Jisoo." Yan ang palagi niyang sinasabi saakin sa tuwing pinanghihinaan ako ng loob. Sinusubukan niyang magpakatatag.

"Alam ko Lisa.. naiinis lang ako dahil feeling ko wala tayong magawa para sakanya." Piyok kong sabi.

"Sshh. That's not true Chu. Magpahinga kana, I know pagod ka. Wag ka nalang muna mag isip nang kahit ano okay? 2 days from now nandiyan na ako. Matulog kana Chu." Bilin niya saakin. Nauna kasi kaming umuwi ni Jennie dito at susunod nalang si Lisa dahil may tinatapos pa siya doon.

Why me?Where stories live. Discover now