Chapter 5

595 27 4
                                    


"Hindi ata maalis ang ngiti mo ngayon Jendeuk?" tanong ni Jisoo kay Jennie habang naglalakad sila sa school.

"Ofcourse nakasama niya si Chahee, right Nini?" sabay ngiting mapang asar ni Lisa.

"Tss, shut up. By the way Lili thankyou pala dahil sinabihan mo ako kahapon." naka ngiting sabi ni Jennie. Umakbay naman si Lisa sakanya.

"No worries Nini. I guess may magandang nangyari kaya masaya ka ngayon." naramdaman naman niyang kumapit sa kabilang braso niya si Jisoo.

"Masaya kaming makita kang ganyan Jendeuk. It's been a while." sincere na sabi ni Jisoo sabay sandal sa balikat niya.

Napangiti naman siya sa dalawang mokong. Aaminin niyang minsan ay makulit at pasaway ang dalawang to pero di mapagkakailang napaka swerte niya kina Lisa at Jisoo.

"aww ang cute naman ng tatlo!"

"I'm jealous! Yakapin niyo din ako."

"Ang cute ni Lisa, ghad!"

"Jisoo sakin ka nalang sumandal!"

"Jennie marry me!"

Kanya kanyang sigaw ng mga estudyante sakanila. Araw araw namang nangyayari sakanila to kaya sanay na sila sa ganitong tagpo.

"I hope magka ayos na kami. I miss her, I miss my bestfriend.." mahinang sabi ni Jennie pero narinig ng Lisoo.

Nagulat siya ng bigla siyang maka ramdam ng hampas sa balikat niya.

"Ouch ah!" daing niya kay Jisoo na ngayon ay naka nguso sakanya habang magkadikit ang mga kilay.

"Yah! Bestfriend mo din kami, wag mo kaming pag selosin!" parang batang reklamo nito.

"Seryoso?! Para kang bata Jichu.. Lisa kausapin mo nga t-" pag baling niya kay Lisa ay natigil siya ng makitang masama rin ang tingin sakanya.

"Don't tell me..~" di niya siguradong sabi pero napansin nalang niyang sinasangga na niya ang mga hampas ni Lisa habang naka tingin lang si Jisoo sakanya.

"How dare you! Sa harapan pa namin mismo sasabibihin mo yan?!"

"Yah! Akala ko ba masaya kayong makita akong masaya because of Chahee?" baling niya.

"Masaya kami, pero di mo kailangan sabihin pa yon sa harap namin okay? Just.. don't." napansin naman niya ang lungkot sa boses ni Lisa. Gusto niyang tumawa dahil parang mga bata ang Lisoo pero dahil nakikita niya ang mukha ng dalawa ay di niya magawa.

"Let's go Lili.." mahinang sabi ni Jisoo sabay hatak kay Lisa palayo sakanya.

Napa kamot naman sa ulo si Jennie sa inaasta ng dalawa. Huminga muna siya ng malalim bago hinabol sina Lisa at Jisoo.
Nang maabutan niya ang dalawa ay agad siyang sumiksik sa gitna at hinawakan ang magkabilang braso ng dalawa.

"Sorry.. di ko na uulitin. You don't have to feel jealous. Please? Masaya lang talaga ako. Di ko na uulitin yung ginawa ko noon, promise." sincere niyang sabi sa dalawa.

"Please Jichu, Lili.. sorry na. Di ko na uulitin, hmm?" tanong niya ulit sa dalawa sabay harang sa harapan nila at salitan niyang tiningnan ang dalawa. Nang di siya maka tanggap ng sagot mula dito ay hinalikan niya sa pisngi ang dalawa.

"Pretty please? Sorry na po." paglalambing niya sa dalawa sabay pa cute. Alam niyang di siya matitiis ng dalawa pag ganito ang ginawa niya.

"Yah! Ang cute ni Jennie!"

"I forgive you Jen!"

Sabay namang napahinga ng malalim sina Lisa at Jisoo.. bihira lang mag lambing si Jennie sakanila kaya nagiging weakness nila kapag ganito si Jennie.

Why me?Where stories live. Discover now