Chapter 13

472 25 3
                                    

Napa mulat si Jennie sa isang maliwanag na kwarto.
Ilang beses pa siyang napa pikit dahil nasisilaw siya sa ilaw sa kisame.
Ano bang nangyari? Bakit nga ba siya nandito? Tanong niya sa sarili.
Oo nga pala, she tried to end her life.
Tsaka lang siya napa tingin sa paligid nang makarinig ng mga hikbi sa tabi niya.

Doon ay nakita niyang umiiyak si Lisa habang yakap yakap din ang umiiyak na si Jisoo. Sa kabilang banda naman ay napansin niya ang isang babae, mukha itong pamilyar sakanya. Halata rin ang pamumugto ng mga mata nito.. pumikit muna siya ulit at dahan dahang iminulat ang kanyang mga mata atsaka muling tumingin sa babae. Nang unti unti niyang nakilala ang babaeng naka upo ay pinaka titigan niya lang ito.
Matagal tagal na rin nung huli niya itong makita, malaki na ang pinag bago nito. Mas lalo nga lang itong gumanda.
Pinilit niyang bumangon para mapa upo, tila ba nanunuyo ang lalamunan niya at gusto niyang uminom ng tubig.

Nang makita ni Jisoo na umupo si Jennie ay agad niya itong nilapitan.

"Chu!"
"Jisoo!"

Sabay na sigaw nina Lisa at Chaeyoung nang sampalin niya ng napakalakas si Jennie. Lumapit naman si Lisa para hawakan siya pero hinawi niya lang ang kamay nito at hinawakan ng mahigpit ang hospital gown na suot ni Jennie malapit sa leeg nito. Samantalang lumapit naman si Chaeyoung sa kabilang side ng kama ni Jennie habang umiiyak.

"I hate you! How dare you! Galit ako sayo! Hindi mo manlang ba kami naisip bago mo gawin yon ha?! Ganyan ka na ba kaselfish Jennie?! Hindi mo ba alam kung gaano mo kami pinag alala?! Wala ka bang pakielam sa mararamdaman namin?! Wala na ba talaga kaming halaga sayo ha?! Ilang beses ko bang sasabihin sayong nandito pa kami! Ilang beses ba namin ipaparamdam sayo na di ka nag iisa?! Ilang beses ko pang ipapamukha sayo na di ka namin iiwan?! Bakit umabot ka sa ganito Jennie? Ano?! Gusto mo na ba talagang magpakamatay ha?! Sumagot ka! Ako mismo papatay sayo ngayon!.." sigaw ni Jisoo habang umiiyak.

No one dared to talk. Hinayaan nila si Jisoo.

"Napaka makasarili mo Jennie.. tinotolerate namin ang mga ginagawa mo dahil naiintindihan ka namin! Naiintindihan ko ang nararamdaman mo! Pero not this time! Kung ayaw mo na samin pwes bahala kana! Hindi na kami mangingielam sayo.. tutal wala ka namang pake samin diba? If gusto mong magpakamatay bahala ka!." sigaw ni Jisoo kay Jennie sabay bitaw niya dito.
Agad din siyang lumabas ng silid kaya agad naman siyang sinundan nang umiiyak ding si Lisa.

Naiwan naman sa loob si Jennie kasama si Chaeyoung na di narin napigil ang hindi maiyak sa nangyari at sa nakita. Ano bang nangyari kay Jennie? Sa loob ng ilang taong di niya ito nakita at nakasama, ano bang mga pinagdaanan nito?

Hindi alam ni Chaeyoung kung anong gagawin.. lalapitan niya ba si Jennie? Ano namang sasabihin niya eh di naman niya alam kung anong nangyari dito?

"Get out." rinig ni Chaeyoung na sabi ni Jennie sakanya.

"I said. Get out!" nagulat pa siya nang sumigaw si Jennie.

Pinunasan ni Chaeyoung ang mga luhang tumutulo sa mukha niya at mas lumapit pa kay Jennie.

"Ano bang nangyayari sayo? Bakit ka ganyan?" tanong niya kay Jennie.

"Wala kang alam. Umalis kana." sabay tingin sakanya ni Jennie.

Those eyes.. ibang iba sa Jennie na nakilala niya few years ago.

"Bakit mo ba tinutulak palayo ang mga taong nag aalala para sayo? Di ka ba naaawa kina Jisoo at Lisa ha? Mula nang dalhin ka dito umiiyak na sila dahil sa pag aalala sayo Jennie. Hindi ka manlang ba hihingi ng sorry sakanila? Ganyan kana ba talaga?" mahinahong tanong niya kay Jennie na ngayon ay nagbaba ng tingin.

Hindi niya alam pero nasasaktan siya sa nakikita niyang sitwasyon ni Jennie. Kanina nang makita niya itong animong walang buhay ay dinaga siya sa kaba at walang humpay ang tawag niya sa pangalan ni Jennie sa isip. Ni hindi niya na nga nasagot ang mga tawag ni Jimin kanina.

Why me?Where stories live. Discover now