Chapter 8

616 30 10
                                    

Kanina pa nakahiga at nakatulala sa kisame si Chaeyoung. Hindi maalis sa isip niya ang nangyari kanina kaya napahawak siya ulit sa dibdib niya.

Bakit ganito? Ano bang nangyayari sakin?

* Flashback *

Pauwi na sana si Chaeyoung nang makita niyang naka tayo si Jennie sa labas lang nang building nila. Bakit kaya siya nandito? Tanong niya sa sarili.
Kitang kita niya rin ang panaka nakang tingin ng mga estudyante sa magandang babaeng nagawi sa building nila.

"Chaeng!" tawag sakanya ni Jennie ng makita siya. Tumakbo pa ito palapit sakanya sabay ngiti kaya napalunok nalang siya ng wala sa oras. Kahit pa may gabutil na pawis ito sa noo ay di mapagkakaila ang ganda nito.

"Ang ganda mo.." wala sa sariling sabi niya.

Nabalik naman siya sa wisyo nang tumawa si Jennie.

"Hahaha! Thankyou Chaeng.." agad namang namula ang pisngi niya. Ghad! Nakakahiya!

Nag iwas nalang siya ng tingin dito.

"Ahm.. uuwi kana ba? Hatid na kita?" sabi ni Jennie kaya agad din siyang napabalik ng tingin dito.

Ako? Ihahatid niya? Bakit?

"H-ha? Nako wag na Jen. Pwede naman akong sumakay ng jeep." pag tanggi niya dito. Nahihiya na kasi siya sa babae. Isa pa, di niya alam kung makakaya niyang makasama ito sa biyahe nang dalawa lang sila. Parusa yun jusko.

"No, I insist. May daraanan din kasi akong malapit don kaya naisipan kong isabay kana." napa tingin naman si Chaeyoung sa paligid.

Everytime na kausap niya ang tatlo, di pwedeng di siya titingin sa paligid. Ayaw niya kasing kung anu anong pag usapan ng iba tungkol kina Jennie, Jisoo at Lisa. Mababait sila at ayaw niyang dahil sakanya ay pinag tsitsismisan ang tatlo.

"Ahm.. w-wag na Jen ayos lang talaga. Tsaka may daraanan pa ako kaya di rin naman agad sa bahay punta ko." Palusot niya dito. Nakita naman niyang mukhanh nalungkot ang babae.

"Ganon ba.." mahinang sagot ni Jennie sakanya.

Napa kagat tuloy siya sa pang ibabang labi. Nakokonsensiya siya na di niya maintindihan.

"Ahm.. p-pero bukas pwede tayo mag sabay pauwi. Para narin makapag start na akong mag linis sa condo mo at para malaman ko kung san ka ba nakatira." agad niyang sabi dito. Agad naman nagliwanag ang mukha ni Jennie dahil sa sinabi niya.

"Talaga?! Ahm, sige sunduin nalang kita dito bukas ah?" tanong ni Jennie habang naka ngiti sakanya.

Ang cute. Para siyang bata! Sabi niya sa isip.

"Haha! Oo Jen."

"Ahm.. sige una na ako Chaeng, ingat ka pauwi okay?" di niya alam pero parang may kung anong lambing ang boses ni Jennie.

"Ah oo naman, ikaw din mag ingat ka."

"Yup.. bye Chaeng." paalam ni Jennie sakanya bago siya hinalikan nito sa pisngi sabay takbo nito palayo.

Naka ilang kurap siya ng mata at pilit na pinapakalma ang mga kung anong paruparo na nasa tiyan niya nung oras na yon.

* End of flashback *

Napa hawak tuloy siya sa pisngi na hinalikan ni Jennie. Sa di malamang dahilan ay napa ngiti siya at kinuha ang unan at itinakip sa mukha niya sabay..

"aaaaaaaaaaaaaa" di niya malaman ang sayang nararamdaman niya mula kanina. Para siyang nasa alapaap. Gumulong gulong pa siya sa higaan at di napansin ang papasok na si IU.

Why me?Where stories live. Discover now