Chapter 3

633 27 1
                                    

---------------

"Uyy Chae! Kamusta na yang paa mo?" Tanong ni Seulgi sa kakapasok lang na si Chaeyoung. Absent kasi siya ng dalawang araw dahil na rin sa paa niya, atleast kahit papano ay nakakalakad na siya ngayon. May pag iingat nga lang.

"Okay naman na ako Seul.." naka ngiting sagot ni Chaeyoung ng maka upo siya.

Napansin naman niya ang hindi mawalang ngiti sa dalawang kaibigan.

"So.. how does it feel na mabuhat ng isang Jennie Kim?" Di na mapigilang tanong naman ni Irene habang naka ngiti ng nakakaloko.

"H-ha?" Utal at naguguluhang tanong ni Chaeyoung. Natawa naman ang dalawa.

"Oh com' on! Share mo naman yan Chaeng!" Iling iling na sabi ng dalawa.

"Tigilan niyo nga ako, tinulungan lang ako nung tao okay?" Pag depensa naman niya.

"Sana all tinutulungan! Haaay.." sinapok naman ni Irene si Seulgi.

"Aray ko ha!" Daing ni Seul.

"Para kang sira.." naka ngusong sabi ni Irene kay Seulgi na ngayon ay hawak hawak ang ulo.

"Tumigil nga kayo, wag niyong bigyan ng kung ano yung ginawa ng tao okay? Mamaya ano pa isipin non." Bilin ni Chaeyoung.

"Fine.. shut up na ko." Sabay tahimik ni Seulgi.

Habang nagtuturo ang guro ay lumilipad naman ang isip ni Chaeyoung. Hindi ano kundi sino ang sumasakop sa isipan niya ngayon. Sino pa ba edi ang babaeng nagpapakalabog ng dibdib niya, tila narinig naman siya ng langit ng biglang dumaan sa coridor nila ang babaeng kanina pa niya iniisip. Napa hinto naman sa pagtuturo ang kanilang guro at tulad niya ay napatulala rin ang mga kaklase niya sa anghel na dumaan.

"Anong ginagawa ni Jennie dito sa building natin?" Rinig niyang bulong ni Irene sakanya.

Hindi niya sinagot si Irene dahil kahit siya ay hindi alam kung bakit nasa building nila si Jennie.

Nang dumating ang break time, nag decide bumili si Chaeyoung nang burger at tubig sa canteen. Plano niya kasing tumambay sa likod ng building nila at dun maupo at kumain, tahimik kasi doon at masarap sumandal sa malaking puno duon.

Paliko na sana siya ng makita niya si Jennie, may kausap itong babae. Kaya napahinto siya at nag tago sa gilid.

"Please Chahee, let's talk." Rinig niyang sabi ni Jennie sa babae.

May kung anong kirot sa puso na naramdaman si Chaeyoung sa kung paano niya narinig ang pag tawag ni Jennie sa babae.. para kasing may.. lambing?

Nakita rin ni Chaeyoung kung paano napahinga ng malalim ang babaeng kausap ni Jennie.

"Jen, napag usapan na natin to.. tigilan mo na ako, please?" Sagot ni Chahee kay Jennie.

Kung tititigan ang babaeng kausap ni Jennie, pareho sila ng uniporme ni Jennie kaya ibig sabihin ay galing ito sa marangyang pamilya. Di rin naman maitatanggi ang ganda ng babae, maliban siguro kina Jennie, Lisa at Jisoo ay isa ang babaeng to na masasabing maganda rin sa skwelahan nila. Sexy rin ito at mukhang lumaklak ng gatas dahil sa alagang alagang kutis nito, sobrang puti at kinis.

"I miss you.. please Chahee.." malungkot na pakiusap ni Jennie sa kausap.

Napa higpit ang hawak ni Chaeyoung sa burger na binili niya sa narinig, para kasing pinipiga ang puso niya. Bakit?

Halata ang lungkot sa boses ni Jennie..

"Aalis nako.." sagot ni Chahee at hindi manlang pinansin ang sinabi ni Jennie.

Why me?Where stories live. Discover now